October 22, 2012
Nasa grade 3 ako ng maging kaklase ko si Jake. Tahimik, maputi, at minsan lang kung magparticipate sa school activities. Siya yung tipo ng bata na mabilis paiyakin, in short, siya yung inaapi-api ng mga bully.
Pero matagal na panahon na iyon, 18 years old na ako ngayon. At wala narin akong balita kay Jake.
"Tahimik ka yata."
"O, Jared anong ginagawa mo dito?"
"Wala namiss ko lang yung bestfriend Andy ko."
"Sige na nga ako na namimiss mo. Nga pala, sa saturday ba pwede ka? Bibili kasi ako ng materials para sa project ni Luis."
"Naku, sorry Andy. Susundo kami sa airport nun e. Uuwi kasi yung pinsan ko, dito siya magbabakasyon."
"A, ganun ba? Sayang naman. Pero sige, ok lang. Magpapasama na lang ako kay Miles."
Isa si Jared sa mga bestfriends ko. Highschool kami naging magbestfriend. Masayahin, palabiro at puro kwento ang alam ni Jared. Ang totoo niyan, naaalala ko sa kanya si Jake.
Ganoon kasi si Jake, paminsan-minsan, pag kami lang ang magkasama. Kamusta na kaya siya?
Nagtransfer siya sa ibang school noong nasa ika-limang baitang na kami. Isang araw, umuwi siya na walang kahit na anong gamit mula sa paaralan. Itinago kasi ng mga panget at bully kong kamag-aral yung gamit niya. Takot na takot siyang umuwi, alam niyang magagalit ang daddy niya. Strikto pa naman ito. Katakot-takot na sermon ang ginawa ng daddy niya. Para bang si Jake pa ang may kasalanan.
Naaawa ako sa kanya. . .
At iyon nga, matapos ang insidenteng iyon, inilipat na siya ng school.
"Ay, sorry, ok ka lang?"
"Do you think I'm fine?! Tinamaan ako ng bola ng basketball, mukhang magiging ok ba ko?!"
Sino ba 'tong lalaki na 'to? Pogi nga mayabang naman. Nakakainis!
"Sorry naman miss, bigla ka kasing dumaan, di kita napansin."
Inalalayan niya ko para makatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.
Lagot! Mukhang napilayan pa yata ako. Aish! (╥﹏╥)
"By the way, I'm Jake. Kaya mo bang umuwi ng mag-isa? Kung ihatid na lang kaya kita."
Teka. . . Sinabi ba niyang JAKE?
Jake. . .
Jake. . .
Jake. . .
Badtrip! Nakalimutan ko pa yung apelyido nung Jake na kaklase ko noon.
"A, miss?"
"Ha? A-- Ano... O--Ok... Ok lang ako."
Nagmadali akong umuwi kahit pa pipilay-pilay akong maglakad. Agad kong hinalungkat ang mga lumang pictures namin na nasa personal library namin.
Nasaan na ba yun. . .
Pero wala ang mga pictures kung saan kasama ko ang Jake na kilala ko.
"Mommy, alam niyo po ba kung nasaan yung mga pictures ko nung grade school?"
"A, iyon ba. Inilipat namin ng daddy mo sa mga lola mo sa Tagaytay. Bakit anak?"
"A, wala po mommy. Hehehe. Uso po kasi yung throwback thursday."

BINABASA MO ANG
BUHAY IN LOVE atbp.
Cerita PendekA compilation of stories about love and anything that is under the sun. E N J O Y ! (。’▽’。)♡