Chapter 2.

12 0 0
                                    

[HAYLEY]

"HAHAHAH!!" tawa ni Julianne at David. Ang sama talaga nung mga to. Pano naman kasi,kinwento ko sakanila yung nangyari kanina sa hallway. E ayan! Tinatawanan ako! Akala daw kasi ni Mr,Black lalaki ako. T_T "mukha ka kasing lalaki sa suot mo! Hahahah!" asar ni Julianne. Sya nga pala ang tinatawag na "campus bitch" dito sa school, marami kasing natatakot sakanya. Kesyo ang sungit daw, basag ka palagi, tch ewan ko nga kung bakit natawag sya na ganun! E ang bait kaya nyan. Sya kasi ang tumulong sakin nung nabubully ako nung elementary.

*Flashback*

Uwaaahhh!! T_T inaasar nanaman ako nila Stacey.

''Hahah! Ang pangit moooo!!!" asar nila Stacey. Nakaupo lang ako dito at umiiyak. UWAAAHHH! nasan na ba kasi si Kuya Luke?! "Panget ka! Weirdo! Mukha kang lalaki!!!" sigaw nila. Narinig kong nagtatawanan na yung ibang schoolmate namin. T_T "oy mga feelingerang froglets!!" biglang may sumigaw na babae. Tumingala ako at tiningnan ko kung sino. Ah! Eto yung kaklase ni Heather na sabi nya na masungit daw, Julianne ata yun? "Oy bakit anong problema mo?!" tanong ni Stacey habang nakapamewamg. "Tigilan nyo nga sya! Kung makalait kayo? Panget? E sino ba yung elementary palang nakamakeup na at puro paganda ang alam? E diba kayo? Panget kasi kayo! Tsaka ok lang maging weirdo no?! Kesa maging katulad nyo! Mga insecure!" sigaw sakanila ni Julianne, teka pinagtatanggol nya ba ako? Mukhang galit si Stacey saka lumapit kay Julianne na akmang sasampalin. Pero nahawakan agad ni Julianne ang kamay nya. "Sige subukan mong ilapat sa maganda kong mukha yang kamay mong puro germs. Baka gusto mong makick out dito? Tandaan mo. Tatay ko may-ari nito." banta nya kay Stacey. Mukha namang natakot si Stacey saka tumakbo. Lumapit sakin si Julianne at tinulungan akong tumayo. "Oh? Ok ka lang ba?" tanong nya sakin. O akala ko ba masungit to? "Ah...yes." nauutal kong sagot. "Sa-salamat n-nga p-pa-pala a. I have no friends here kasi,except for my twin sister." sabi ko sakanya. "Psh wala yun no! Wala kang kaibigan? Naku kawawa ka naman pala! Yaan mo simula ngayon BFF na tayo ok? Tutulungan kita sa mga nambubully sayo at tuturuan kitang lumaban ok?" ngiti nyang sabi sakin.

*end of flashback*

At simula ngayon magkaibigan parin kami. Hayss people are so judgemental. Ang bait kaya nitong babaeng to. Diba nga "don't judge a book by its cover"? Then naging kaibigan ko naman tong si David, kababata nya. Pareho kasi kaming mahilig sa anime. Kaya ayun. Naging trio kami.

"But he's so handsome kyaahhh!" shems landi ko.XD "tch baka mamaya mas pogi pa ko dun." sabi naman ni David. Di ko nga sya pinansin. ''Bakit ba kasi natawag ka ng pare?" tanong ulit ni David. "Because my hood is hiding my face and my hair." sagot ko. "Alam mo matanong nga Lex. Bakit sobrang hopeless romantic mo pero di ka naman palaayos? Pano mo matutupad yung mga kaechosan mo tungkol sa love?" tanong ni Julianne. Hmmm...ewan? Ayoko talagang magayos e. Saka malay nyo naman diba? May mala-Cross Sandford o Kyle Shin-Woo na magmahal sakin kahit pangit ako? O diba? Pag ganun ba naman itsura ng magiging boyfie ko edi sobrang ganda ko na diba? XD "yaan mo. Meron ding Cross Sanford o Kyle Shin-Woo ang magmamahal sakin tiwala lang." sagot ko. Umiling lang sila.

Sa wakas dumating na rin si Ms,Katacutan. "Ok class meron kayong bagong kaklase. Mr,Lopez! Introduce yourself." at parang biglang nag slow motion ang lahat. Nakita ko ulit sya! OMG SI MR,BLACK! ANG POGI KYAAAHHHHH!!!!!!! Nakatulala lang ako sakanya shems ang gwapo nya! Nawalan ata bigla ng garter ang panty ko.>o< nagtitilian yung mga babaeng kaklase ko...well except kay Julianne at sakin. Dahil ako nakatulala at sya naman walang pake XD. "I'm Prince Zero Lopez." KYAHHHHH ANG GWAPO NUNG NAME NYA BAGAY SAKANYA. Mukha talaga syang Prince! Tapos Zero? Zero Kiryuu!!?! Lopez? Jeydon Lopez?!? Omgee puro pogiiii! "Ok, you may sit at the vacant chair at the back." wait at the back? E nasa likod ako a? Wala namang bakante dito except sa... *tingin sa tabi* SA TABI KO?! (*'∀`*)
*upo sa tabi ko* *singhot* ANG BANGOOOO ok nagiging creepy na ko. Tiningnan ko sya sa gilid ng mata ko,Nakatingin din sya sakin OMO! NAIINLOVE NA BA SYA?! (A/N again Hayley. Oa.) Tch wag kng ano otor. Libre mangarap. "Ikaw nanaman?!" KRRRRIIINGGGGG!!! Yung bell yan. Ilang minutes lang kasi yung klase pag first day, puro introduction lang. Magsasalita sana ulit sya ng bigla akong hinatak ni Julianne. Ihhh! Wrong timing naman to o -_-/// "Juls!! Wrong timing! We're already having a conversation!" reklamo ko sakanya. "Tch mamaya na yang kalandian mo! Nandyan yung pinsan ko bilissss!!!" sabay kaladkad sakin. -_-

"SKYYYY!" sigaw ni Julianne. Wait...Sky? Don't tell me..."Couz!!" sabay yakap nung lalaki kay Juls. Nagkatinginan kaming dalawa ni David,eto ba talaga si Sky? Wee? "Lexie? LEXIE!!" sabay yakap sakin. Naguguluhan ako wait! "Ako to si Sky!" sabay turo sa sarili nya. "S-sky? As in Sky Michael Santos?" tanong ko. Tumango sya. OMGEEEE ETO BA TALAGA SI SKY?! YUNG PINSAN NI JULS NA MATABA NA MAY CRUSH SAKIN NUNG BATA KAMI?!

*flashback*

"Dyan ka muna Lex a! May kukunin lang ako." sabay takbo ni Juls sa taas. Birthday nya kasi ngayon, at since ayaw nya ng maraming tao. Kami lang ni David ang umattend at ang ibang pinsan nya.

Tumayo muna ako, kukuha muna ako ng maiinom. *BOOGHS* Naku!! Yung Hinata jacket ko! Natapunan ng juice T_T favorite ko to e. "Ay sorry!" tumingala ako. May isang batang mataba na halos kasing edad ko lang. Medyo kahawig din sya ni Juls, siguro isa to sa mga pinsan nya. "No! Its ok don't worry." sabi ko habang pinupunusan yung natapunan sa jacket ko. " ahh o-ok..." napansin kong namumula sya. Teka may lagnat ba sya? "Hey you're red. Are you okay?" sabay hawak sa noo nya. Oh wala naman a? "A-ah hi-hin-hindi wa-wal-wala!! Matagal na...." parang may hindi sya masabi. "What?" tanong ko. "Matagal na kasi akong may crush sayo..." namumula nyang sabi. OMGEE PBB TEENS?! 10 YEARS OLD?! "Haaa?! Ah eh..'' Tch ano ba sasabihin ko?! YARI AKO KAY KUYA NAKU MAY NAGKAKACRUSH NA SAKEN. "Uhm..you're fat!" wait what?! Ano sinabi ko. You're so mean Hayley Alexis Harries(╥_╥) then bigla syang ngumiti, ngumiti pa talaga sya! Lalo tuloy akong naguilty. "Uhm I know..pero promise ko kayo paglaki ko, di na ako ganito. Pinky promise ko yan sayo." sabay taas ng pinky nya. Tinaas ko din yung pinky ko. "O-ok.."

*end of flashback*

Yun. And wow....mukhang pinanindigan nya yung promise nya kasi....ANG GWAPO NYAAAA(*^o^*) "Hi Lexie!" sabay ngiti sakin ng malapad at akbay sakin. KYAAHH! "Oh pano ba yan..kineep ko yung promise ko. Pwede na kitang ligawan?" nakangiting sabi nya. "WHAT?!?!" sabay sabay na sabi namin ni David at Juls. Ano ba pinagsasabi nito?! "Lex? Ano yun?" tanong sakin ni Juls, "Explain. Later." I mouthed to her, tumango naman sya. "Ay guys! May pakikilala pala ako. Bestfriend ko nga pala sa school ko dati, Si Zero." Zero? Pamil- *may biglang dumating na Greek God* OMYGEE SI MR,BLACKKKKKK! "Ikaw nanaman?!" sabi nya sakin. Ayuuuu naaalala nya koooo (a/n aw assuming) che otor ales! "Magkakakilala kayo?" tanong ni Sky. "Oo! Ayan yung nakatapon ng kape sa damit ko kanina! Buti nalang may pangpalit ako. Hoy pare! Bayaran mo yung kape ko!" pare(╥_╥) nakahood paren kasi ako e. "BWAHAHAHAHAHHA!" tawa nanaman nila David at Juls. Natatawa narin si Sky. Uwaaahh! "Pare? Anong pare bro? Babae to ano ka ba! Look." then tinanggal nya yung hoodie ko kaya nalaglag narin yung light brown hair ko na sobrang haba. "See? Ganda diba?" tanong ni Sky sakanya. Lumaki yung mga mata ni Zero. Omygee eto na ba yun?! Yung sasabihin nya ang ganda ko? Yung bang maiinlove na sya saken? Malalove at first si- "tch mukhang paring lalaki." Sabi ko nga, ilusyanada at hopeless romantic ako.(╥_╥) ang hart hart kooooooooo!!!!! UWAAAHHHH!







************************************
Prince Zero Lopez and Sky Michael Perez on the side! And dibs on Sky.

My (Love) Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon