CHAPTER 63

913 51 6
                                    




Sa hindi inaasahang pangyayari nagaganap sa Zalco Empire, lahat ng mamamayan na mayroon sila ay nakakaramdam ng takot, pangamba dahil sa hindi nila akalaing papasukin sila ng mga taga Revilloza Empire.

"May mga nakapasok! Labanan sila at patayin!" Sigaw ng isang knight sa kaniyang kasamahan

Aatake na sana sila pero may napansin ang isa nilang kasama at pinigilan muna sila, " T-Tignan n-niyo ang simbolo nila."

Lahat ay napatingin sa tinutukoy nito at hindi sila makapaniwala nang makikilala nila ang simbolong dala dala ng Revilloza Empire knights.

"R-Revilloza knights!" Gulat nilang bigkas, napatingin naman sa kanila ang General.

"Captain Bahin, isama mo ang yung grupo na tipunin ang mga knights ng Zalco Empire." Utos ng General ni Haring Kirus.

Tumango ito sa kaniya bago harapin ang kaniyang grupo, "Sumama kayong lahat sa akin!" Sigaw ni Captain Bahin sa grupo ng knights kaniyang isasama.

"General, sa palasyo na ba ang daretso natin?" Tanong isa sa Captain na kasama ng General.

"Kami na ang pupunta doon, maiwan kayo rito para kausapin ng mabuti ang mga tao at pakalmahin na walang mangyayari sa kanilang masama. Tipunin niyo rin sila sa harap ng palasyo, siguraduhin niyo rin na walang masasaktan at madadamay." Utos at bilin ni General sa Captain na kaniyang kausap.

"Masusunod, General. Malinaw ang iyong utos at bilin." Ani ng Captain sa kanilang General.

Tinignan naman ni General ang tatlong grupo ng knights na nasa likuran niya, "Sumama kayo sa akin, papasukin natin ang palasyo." Sabi niya sa kanila at mabilis niyang pinatakbo ang kaniyang kabayo papunta sa palasyo ng Hari.





Sa kabilang banda naman sa Algunas Empire ay pinasok din ng mga pinadalang hukbo ni Haring Kirus, gaya ng sa Zalco Empire ay halos ng mamamayan ay nagkakagulo at nangangamba dahil sa nangyari.

"Anong nangyayari bakit may mga knights ng Revilloza Empire na pumasok sa ating Empire?" Ani ng isang mamamayan na nakakaramdam ng pangamba.

"Natalo kaya si Haring Arturo?"

"Anong mangyayari sa atin ngayon."

"Sasakupin kaya nila tayo?"

Mga salitang maririnig mula sa iilang mamamayan ng Algunas Empire dahil sa pagdating ng knights mula sa Revilloza Empire.

"Hulihin ang mga nanlalaban na knights at tipunin ang mga sumuko." Utos ng isang knight ng Revilloza Empire sa mga kasama niya, kaagad naman ang ito  sumunod sa kaniyang inutos lalo na't alam nilang lahat na importanteng utos ito mula sa kanilang Hari.

"Ang iba ay pasukin ang palasyo, ipunin ang mga naroon at mabantay ng mabuti ang bawat sulok at labas ng palasyo!" Huling utos nito bago tuluyang pumunta sa palasyo ng Algunas Empire.




Habang inaayos ng mga knights na inatasang pasukin ang Algunas Empire, punong-puno naman ng hiyaw ang palasyo ng Zalco Empire dahil sa knights na lumalaban.

"Ahhh!" Sigaw ng mga maids dahil sa pasok ng General sa palasyo, dagdag pa rito ang dugong nagmumula sa knights ng Zalco Empire na nanlalaban at pumipigil sa kanila.

"Magsikalat kayo, hulihin ang lahat ng nandito. Wala kayong ititira kahit isa." Seryosong utos ng General sa mga isinama niyang pasukin ang palasyo.

"Nasaan ang inyong Hari?" Tanong ng General sa maid's na magkakasama, takot na takot silang nakatingin sa General kaya naman nanginginig ang ito at hindi kaagad nasagot ang General.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now