64

1.5K 40 11
                                    

CORRIENNE'S POV

Lagpas na ang oras ng lunch pero wala pa rin si Jo sa office. Tinawagan ko na rin si Shane dahil sa sobrang pag aalala ko.

Lalo ding dumoble Ang kaba sa dibdib ko ng sabihin nilang 20 minutes na daw wala si Jo sa opisina nila.

Kataka taka na wala pa sya dito eh halos 10 minutes lang naman ang layo ng opisina ko sa kumpanya nila. Kahit na maraming sasakyan sa kalsada.

Sinubukan ko rin na tawagan sya ng ilang ulit pero hindi sya sumasagot. Hanggang sa nagtext ako ng tatlong beses sa kanya.

After that text I try to call her phone again and finally she picked it up. Pero ramdam ko sa boses nya ang pagkawalan ng gana. Ano kaya nangyari sa kanya?

Nang sabihin nyang nasa park lang sya dito sa labas ay hindi ko maiwasang hindi mag isip lalo na napaka lapit nya lang sa akin bakit hindi pa sya tumuloy?

Dali dali akong nagtungo sa kinaroroonan nya at doon ay natanaw ko nga ang aking sasakyan na naka park hindi kalayuan sa babaeng hinahanap ko. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya ko napansin na papalapit na ko sa kanya.

Habang papalapit ako sa kinaroroonan nya. Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos nya. Nakatingin sya sa kawalan at tila wala sa kanyang sarili. May problema nga sya at kailangan kong malaman yon.

Niyakap ko sya agad mula sa likod sa pagaakalant ako ang kailangan nya para mawala ang mga agam agam nya. Still no response until I sat down beside her.

Marami akong itinanong sa kanya at sinasagot naman nya yon pero tipid nga lang. And she finally spoke up and asked me a question na nagpatinag sa akin.

"Are you cheated on me?" She asked

"What? Kanino mo naman nakuha yang ganyang salita mahal? Ako mag chcheat? For what reason?" Agad ko namang tanong dahil naguguluhan na talaga ako

" I don't know, please answer me"

"No I'm not " wika ko pa para mapanatag sya

"Bakit nasa office mo si Reign?"

Ang tanong na iyon ang nagpagimbal sa akin. Bakit alam nya? Did someone told her? Pero sino? Kanino?

"I-i don't know mahal" i said seriously "kanino mo nalaman yan?"

"So totoo nga na nagpunta sya sa opisina mo kaninang umaga?" Nagsimula ng mag unahan ang mga luha pababa sa kanyang pisngi na hindi ko alam kung bakit? Did I do something wrong? Sa pagkaka alam ko wala naman ahh

"Hey mahal, why are you crying?" Tanong ko sabay lapit pa lalo sa kanya para punasan sana ang mga luha nya pero tinabig nya ang mga kamay ko.

Bakit sya galit? Anong meron? Napapa isip na ko kung bakit ganito nalang ang reaksyon nya sa pagpunta ni Reign sa opisina ko kaninang umaga.

Understandable naman kung magseselos sya kase bumalik ang Ex ko pero hindi ko alam kung anong maling nagawa ko para magkaganito sya sa akin.

Pahamak talaga si Reign kahit kailan.

"Look mahal, if you are jealous about what happened earlier. Please don't. Yes nag punta sa office ko si Reign kaninang umaga pero wala lang yon okay? Hindi ko na sana ipapa alam sayo kase paniguradong magseselos ka. Pero please mahal listen to me. Ako pa nga ang nagpalayas sa kanya ehh kase gusto nyang guluhin tayo. Gusto nila na masira tayong dalawa pero hindi ako papayag. Mahal kita Jo alam mo yan at sana panghawakan mo yung pagmamahal na yon."

Tinignan nya ko, patuloy pa rin ang mga luha sa kanyang mga mata na nagmistulang water falls na. Kung nakakamatay lang siguro ang titig nya kanina pa ko bumulagta dito sa kina uupuan ko dahil sa sobrang talim ng titig nya.

I Think I'm InLove Where stories live. Discover now