67

1.6K 42 4
                                    

CLAIRE'S POV

Tahimik na pinagmamasdan ko ang isang unfinished house around Calamba Laguna. Actually parang tapos na ang bahay. Pintura nalang ang kulang at mukhang bago pa ito base sa mga gamit na nasa palibot pa ng bahay.

Ala syete na ng gabi pero nagpumilit pa rin ako na puntahan ang lugar na ito dahil nandito daw sa lugar na ito si Coco. Ito ang itinuturong lugar ng private investigator na naka usap ni Mitch.

Anong gagawin ni Coco sa lugar na ito? Bakit sya nandito ng halos isang linggo? Kinakabahan na ko sa mga oras na ito. Paano kung na kidnap na sya? Paano kung binubugbog sya dito ng hindi ko alam? Paano kung nasaktan na sya ng sobra. Paano kung hindi sya kumakain ng isang linggo.

Paano kung pinarurusahan sya ng mga demonyo nyang pinsan? Hindi nila ko maaayos kapag nakita kong nasaktan ang pinakamamahal ko. Kahit katiting na galos lang. Humanda talaga sakin yang tatlong yan.

Malawak ang bakuran ng bahay na ito kay hindi namin dinig kung may tao ba sa loob or wala. Wala ring mga sasakyan sa paligid. Hindi na ko makatagal na naka upo lang dito sa loob ng sasakyan. Kailangan ko ng malaman kung ano ang totoong nangyari kay Coco.

"Saan ka pupunta?" Awat ni Mitch sa kamay ko ng nagtangka akong lumabas ng sasakyan

"Sa loob, hindi ko na matagalan pa na naka upo dito Mitch. Kinakabahan na ko"

"Pero hindi Safe ate Claire" wika naman ni Shane

"I don't Care Shane. Ang importante sa akin ay makita ko si Coco as much as possible. Ano pang sense kung bakit tayo nandito kung hindi rin natin aalamin?"

"Pero hintayin muna natin yung private investigator na kausap ni Mitch para masilip nya ang loob" sabat naman ni Ate Abby

"Oo nga Claire tama ang Girls, delikado kung papasukin mo yan ng ikaw lang mag isa. Lalo na gabi na. Baka kung ano pa ang mangyari sayo dyan sa loob" turan din ni Yassy

"Isang linggo na kong walang nagagawa para kay Coco, at ayaw kong tumunganga pa dito at maghintay ng mga susunod na mangyayari. Hindi ko naman kayo pinipilit na sumama sa akin. Mas gusto ko nga na ako nalang mag isa ang papasok sa loob para mas tahimik at hindi nila mapapansin ang pagdating ko. Dala ko ang phone ko. Be ready nalang once na may masamang mangyari sa loob. Agad kayo tumawag ng pulis"

"Claire wag ka ng makulit" wika pa ni Alora

Pero wala ng makakapigil pa sa akin. Isang linggo. Isipin ko palang na isang linggo ng nandito si Coco ng hindi ko alam kung nakakakain ba or what.

Mabilis ang aking pagkilos at iniwan sila sa loob ng sasakyan

"CLAIREE!!" "ATE CLAIREEE" sabay sabay na tawag nila pero hindi ko sila pinansin at lakad takbong pumasok ng bakuran.

Mabuti nalang at hindi naka kandado ang gate at nakapasok ako ng mabilis sa loob.

Nang malapit na ko sa pinto napansin kong naka awang ito kaya dahan dahan pa rin akong naglakad papasok para hindi ako makagawa ng ingay.

Para namang walang tao sa paligid. Napaka tahimik ng lugar. Bukas din ang ilaw sa sala kaya tanaw na tanaw ang ganda ng paligid. Mukhang bago nga ang bahay na ito dahil wala pang mga gamit sa loob. But the house design is so good.

I Think I'm InLove Where stories live. Discover now