Chapter 3: That Deep Dark Voice

47 6 0
                                    

A/N: Gwapo alert! Tingin sa taas!

Vianca's POV

June 07, 2015

Eto na ko ngayon sa room namin. It seems like everybody is fired up because of the surprise that Mam Guen was talking about yesterday. Ano ba yan? Nahahawa na ako sa mga inglishira kong classmates na babae. Ang arte nila nuh.Tss.

Maya maya pumasok na si Mam Guen na may ngiti sa labi.

"It looks like everybody is feeling excited about the surprise?" Mam

"Yes Mam!" Kami, sila pala. Tahimik lang ako.

"Okay, we're going to have a Game!" Mam

Mukhang mas lalong na excite ang lahat.

"I'll explain the instructions. Bibigyan ko kayo nang 1/4 papers... for free tutal alam ko namang mga kuripot kayong mga estudyante pag dating sa papel. Tapos isusulat niyo dun ang katangian niyo. Then I tutupi niyo into 2 at ibibigay sa akin. hwag niyong lalagyan nang pangalan niyo. Ang mga nakasulat dun ang magiging clue natin kung sino sa inyo ang may ari nang papel. This game will help you to know each other. Kaya ko pina memorya sa inyo ang mga pangalan nang mates niyo kahapon." Mam Guen

"Mam does it need to be written english?" Tanong ni Gab

"Okay naman kahit tagalog lang. HR naman natin ngayon." Mam

So gaya nang sabi ni mam guen binigyan niya kami nang 1/4 paper. Nag simula na akong mag sulat.

' I have a fair skin, I have a almond colored and End curled hair,Have a weird pair of eyes,I have a medium sized hair, I'm a little bit chubby i think? And I'm wearing a pink cute bracelet'

Yun ang nilagay ko sa papel ko at itinupi tas ipinasa ko na sa harap. Halatang excited ang lahat. Nilagay ni mam guen ang lahat sa isang box. Tas hinalo niya at bumunot siya.

"Hmm... let's see....' Maputi ako with messy hair...gwapo. I have a small mole, malapit sa tenga ko' Yun ang nakasulat." Mam Guen

Nagsimula nang maghanap ang iba pero bawal tumayo. Ang tatayo lang ay yung kilala na kung sino.

Sinimulan na nilang magtinginan sa may bandang tenga.

" Yuck! Di naman mole tong sayo! Tulok! Wew!" Gian Erazo

Nagtawanan naman kami.

Nang biglang tumayo si Vincent.

"Alam ko na kung sino!" sigaw niya

"Sino?" Kami

"Si... Keith!" sabay turo niya sa keith daw.

Ngumiti si Keith at tumango. Tas pinakita niya yung maliit na mole niya.. kaso di ko makita dahil medyo may kalayuan siya sa akin.

"Next! ' Morena, payat, babae ako, cute sabi nila, naka braids ang buhok ko ngayon.' " sabi ni mam

At ayun nag tinginan uli halos lahat sa buhok tumitingin. Wala naman sigurong may kuto dito noh? Haha

Napatingin ako kay Nicole. ' Morena, payat, naka braids' 0_0 agad ako tumayo. Haha parang may recitation kung magmadali sila.

" It is Nicole mam." ako

Napatingin sila kay nikole at tumango ito.

And so on and so forth di pa ako natatawag.

" Hmmm....' I have a fair skin, I have an almond colored and End curled hair, Have a pair of weird eyes, I have a medium sized hair, I'm a little bit chubby i think? And I'm wearing a pink cute bracelet' " sabi ni mam

Si Crush, Si Crush at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon