Chapter 5: Class Officers?!

41 6 0
                                    

Vianca's POV

June 08,2015
Wednesday

This is it pancit! Magsisimula na ang HRGP namin. Ngayon na yung sinasabi ni mam guen na mag nonominate na nang class officers. Alam niyo gusto kong makuhang position? Wala.

Para less attention. Ayoko kasi maging pa VIP.

Pagkapasok ni mam guen nang room ay tumayo kaming lahat para mag good morning.

"Nakapagdecide na ba kayo sa mga iboboto niyo?" Mam

Nagsitanguan naman ang lahat-except sa akin.

"Mag umpisa tayo sa pinakamababa. Sino vote niyo for P.R.O?"

"Mam, I nominate Francine Mendoza for the position of P.R.O" sabi ni ysabella ba?

Sinulat ni mam sa board. 3 yung maximum na names ang pwedeng iboto kada position.

And so on and so forth.

"So yung 3 angels nang room.?"

Angels? May surgent of arms na may angels pa. Bata ba kami?

"Sino sa treasurer?"

"Mam, I nominate Jace Ico for treasurer." Sabi ni vince tas binatukan siya ni Jace.

"Loko! Gaganti ako sayo makita mo." Jace

"Sino pa gusto niyo iboto? May 2
pang slots." Mam

"Mam, I nominate Ciara Pinlac for treasurer."sabi ni francine

Sinulat ni mam... napatingin ako sa boys sa isang dulo nang room. Lakas magbulungan eh. Hanggang dito rinig ko. AKO pa pinag uusapan nila.

Tiningnan ko nang masama si Denzel. Ngumiti siya sa akin nang nakakaloko.

Wag mong sabihin na iboboto nila ako? Naks!wala akong panama kay Ciara. Syempre maganda siya kaya siya ang iboboto nang karamihan! Mapapahiya lang ako.

Natampal ko yung noo ko nang tumayo si Denzel at tinuro ako.

"I NOMINATE VIANCA ALYANNA BRIX SARMIENTO FOR THE TREASURER." sabi niya

"So can I ask the three candidates for the treasurer to come infront."

Nakita kong nakatayo na sila jace at ciara sa harap

Umuga yung upuan ko. Napatingin ako kay Mr. Arrogant.

Sinenyas niya na tinatawag na ako dun in a maangas way.

In the end, i don't have any choice but to stand here in front.

Nasa gitna si Jace sa may bandang likod ko.

"Could you please compress? Ang laki nang space niyo sa bawat isa."

Tas inayos kami ni mam. Di niya napansin na masyado na akong napalapit kay jace to the point na nasa dibdib na niya yung ulo ko.

I frozed for a moment when I felt his breath on my left ear. Naramdaman kong umakyat ang lamig papunta sa leeg ko.

"Tapos kanang manchansing sa akin? Huh?" Bulong niya sa tenga ko

Ang init sa pakiramdam nang hininga niya. Mabilis akong umusog nang unti palayo sa kanya.

"Tch!" Rinig kong bulong ni ciara at nung ibang babae. Problema nila?

"So sino bumoboto kay ciara?" Sabi ni mam at binilang ang nagtaas nang kamay. Isang beses kalang dapat bumoto.

"10 ." Mam tas inilista niya dun sa tabi nang pangalan ni Ciara. Ba't unti lang bumoto kay ciara?
45 kasi bawat students kada section.

Si Crush, Si Crush at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon