Half of this story is base on my experience at yung kalahati ay imbento lang. Haha
Kung may wrong grammar man, sorry poewzx. Hahaha
----------
Nakilala ko ang first boyfriend ko noong 4th year highschool na ko.I had a huge crush on him because he have all the characteristics that I am searching for my prince charming. Sounds corny but it's true.
He excels in academics as well as in extra curricular activities. Magaling din syang kumanta at gumuhit. At higit sa lahat, gwapo sya.
Naging magkaibigan kami simula noong lumipat sya ng upuan sa tabi ko dahil galit sya sa seatmate nya.
Tuwing may quiz or exams, hindi kami nagkokopyahan dahil nagpapataasan kami ng score.
Lagi nya akong kinakantahan tuwing magkatabi kami at kung walang teacher.
Di nagtagal, nagtapat sya sa akin na mahal nya ako. Nagulat ako noong una dahil sino ba namang mag-aatubiling magkagusto sa akin eh hindi naman ako kagandahan. Medyo chubby pa! Pero sabi nya, seryoso sya sa akin at nagsimula na syang ligawan ako.
Sinagot ko sya matapos ang isang buwang panliligaw. Hindi sya mahirap mahalin dahil maalaga sya. Pag may nakita syang pawis ko sa mukha, agad nya itong pupunasan. Kapag may kaylangang kopyahin sa blackboard, sya na ang nagsusulat para sa akin.Naging masaya ang pagsasama namin. May mga away man ay agad naman itong naaayos. Iniintindi namin ang kakulangan ng bawat isa. Buong klase nga namin ay sinasabing perfect couple daw kami. Syempre ako naman si malantod, kinilig. Haha
Hanggang sa nagkalayo kami ng landas. Long distance relationship. Nagcollege ako dito sa Manila at sya naman sa Baguio. Pero di natinag ng LDR ang relasyon namin. Lagi kaming nagtatawagan, text or chat tuwing free time namin.
Everything was so damn perfect until he suddenly broke up with me sa di malamang dahilan.
Nabasa ko ang message nya na break na kami mga 3:00am na. Iyak ako ng iyak noong mga panahong iyon at wala man lang akong mapagsabihan. Puro iyak lang ang ginawa ko noon habang nagrereview dahil may exam kami sa araw na yun. Halos magkapunit-punit ang mga pahina ng libro ko dahil basa na ito ng mga luha ko. Buti nalang at may awa pa ang Diyos sa akin at mataas ang score ko sa exam kahit sirang-sira na ang puso ko.
Sinabi ko sa mga kaibigan ko ang break up namin. Sabi nila,
"Okay lang yan Trisha! Lalaki lang yan!"
"Marami pang iba dyan girl"
"Kaya mo yan, makakamove ka rin"
"You don't deserve him kaya be thankful dahil inilayo ka ni Lord sa masamang elemento."
Kahit papano, napangiti ako sa mga sinabi nila. Mga ngiting nagsisilbi kong maskara para maitago ang kalungkutan ko.
×××××
Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko tuwing naaalala ko ang mga masasayang alaala namin.
Umuwi ako dito sa probinsya namin dahil summer vacation naman.
Eto, nakatulala lang ako sa kawalan. Pero napakaraming tanong na ang naipon sa ulo ko.
Tangina nasaan na pangako mo?
Diba sabi mo hindi mo ako iiwan?
Diba pupunta pa tayong Japan together?
Sabi mo rin na ako ang babaeng ihaharap mo sa altar at gusto mong makasama habang buhay.
Ano ng nangyari sa mga plano mo? Sa mga plano natin?
Nakakatangina lang na tila ba nakalimutan mo na lahat ng pinagsamahan natin at nagawa mo akong iwanan at itapon nalang ng basta-basta.
Puta ansakit lang.
Umasa at naniwala ako sa lahat ng sinabi mo eh. Pinaniwalaan ko lahat kasi alam kong mahal mo ko at mahal kita sagad sa bone marrow mong hayup ka.
Binigay ko sayo lahat ng pagmamahal, oras at atensyon ko pero itinapon mo lang.
Masaya naman tayo kahit magkalayo tayo diba? Sabi mo nga, hindi hadlang ang LDR sa relasyon natin kasi kaya natin at may tiwala tayo sa isa't isa. Nagkulang ba ko sayo? Pinagbibigyan naman kita kapag minsan wala kang time sa akin dahil sa kakadota mo.
Di ko na napigilang ang sarili ko at tuluyan na akong humagulgol. Ramdam ko pa rin ang sakit kahit limang buwan na kaming wala. Sariwa pa rin sa isip at puso ko ang sakit. Tila ba kahapon lang.
Nagulat nalang ako ng may nag-abot sa akin ng panyo. Si mama pala. Nakangiti sya sa akin pero makikita sa mga mata nya ang awa sa akin.
Inabot ko ang panyong hawak ni mama at pinangpunas sa mga luhang patuloy pa ring umaagos sa pisngi ko.
"Anak, sa tingin ko kailangan mong kausapin sya." Sabay turo sa picture ni Jesus Christ na nakasabit. "Linggo naman ngayon anak, gusto mo magsimba tayo?"
Ngumiti ako kay mama "Sige po ma. Pero pwedeng mag-isa ko nalang po munang magsimba?"
"Sige." Sabi nya saka ako inabutan ng pera.
×××××
Nakinig ako ng mabuti sa sermon ng pari. Nang matapos na ang misa, nagsitayuan na ang mga tao at umalis na. May mga mangilan-ngilan ding nanatili pa sa loob ng simbahan tulad ko.
Muli ay nagdasal ako ng taimtim sa poong Maykapal na sana ay gabayan nya ako upang malagpasan ko itong paghihirap ko.
Nang matapos na akong magdasal ay tumayo na ako at naglakad palabas ng simbahan.
At hindi ko inaasahang makakasalubong ko siya. Nakatinginan kaming dalawa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"P-pwede ba t-tayong mag-usap?" Mautal-utal na tanong ko sa kanya.
Tanging tango lamang ang sagot nya sa tanong ko.Umupo ako sa bench sa may plaza habamg sya naman ay nakasandal sa puno na malapit sa bench na kinauupuan ko. Kahit na side view lang ang nakikita ko sa kanya ay hindi nabawasan ang kagwapuhan nya. Miss na miss ko talaga to. Sa mga oras na to ang ang lapit nya sa akin, gusto ko syang yakapin ng sobrang higpit. Gusto kong mahawakan muli ang mga kamay nya. Pero hindi pwede. Wala naman akong karapatan eh.
"Uh, anong pag-uusapan natin?" Tanong nya habang nakatingin sa akin. Mata sa mata. Pero may napansin ako sa mga mata nya. Tila ba ito'y punong-puno ng pangungulila. Ay baka gutom lang to.
"Bat mo ko brineak?" Eto nanaman. Nangingilid nanaman ang mga luha ko sa mga sulok ng mata ko. "Anong dahilan mo at iniwan mo nalang ako sa ere?"
Napaiwas sya ng tingin.
"Ano?! Bat di ka makasagot? May bago ka na? Ha?! May nakita kang mas maganda sa akin kaya brineak mo ko?!" This time, nasigaw na ko.
"Trish, i'm sorry."
"Sorry?! Di ko kailangan ng sorry mo! Isaksak mo yan sa ngala ngala mo. Ang kailangan ko ay sagot mo sa tanong ko!"
Pumunta sya sa harapan ko at nagsalita. "Yung totoo Trisha?! Oo may iba akong nagustuhan! Iniwan kita kasi sawa na ko sayo!"
Nang marinig ko yun, tuluyan na kong lumuha. Walang tigil ang agos ng mga luha ko. Pero kahit umiiyak ako ay nakatingin pa rin ako sa kanya. May iba talaga sa mga mata nya. Tila nasaktan din sya sa mga sinabi nya.
"Ganun ba." Ngumiti ako. Sabay pahid ng luha ko. "Sana maging masaya ka. Salamat sa lahat. Dahil sayo, nalaman kong I am capable to love people around me genuinely." Pumikit ako at huminga ng malalim.
"May mga tao talagang kahit paliguan mo ng sobra sobrang pagmamahal ay balewala rin." Nginitian ko sya. "This will be the last time na sasabihin ko sayo to. I love you Kevin. So much. And goodbye."
Saka ako naglakad palayo sa kanya. Iniwan ko syang nakatayo doon.
Ewan ko ba pero biglang gumaan ang pakiramdam ko. Although nandun pa rin ang sakit, ay gumaan talaga ang dibdib ko.
Habang naglalakad ay may nabasa akong nakasulat sa likod ng pedikab na nagbigay ng ngiti sa aking mga labi.
MAKAKAMOVE ON KA RIN ;)
