07

68 2 0
                                    

Chapter 07

MAINGAY, at may mga ngiti pa rin ang inaakalang isa sa pinakamalungkot na lugar para kay Raven. Kitang kita doon ang isang batang lalaki na naglalaro sa isang detained person. Maingay ang hagikgik ng bata at tawa ng preso, sumasabay rin ang nakakatandang babae na gumagabay sa bata. Maaaring ama ng bata ang preso at ina naman ng bata ang gumagabay sa kanya dahil sa pagkilala ng bata sa kanila. Tipid namang napangiti si Raven sa nasaksihan.

“Ms. Mendez? Mr. Rowan is here, your twenty minutes starts now.” saad ng guwardiya at pinaupo si Rowan sa bakanteng upuan na nasa harap ng dalaga.

Malaki na ang pinagbago nito. Mahaba ang buhok at makapal na ang balbas. Kitang kita rin ang di maipintang mukha nito, walang kahit anong guhit ng reaksyon ang makikita. Agad namang pinantayan ni Raven ang awra na ibinibigay sa kanya ni Rowan.

Bakit nga ba siya nandito sa presinto ngayon at binibisita ang pumatay sa kanyang ama na siya ring Tito nito? Ang kapatid ng kanyang ama.

Ang totoo?

Hindi niya rin alam.
Hindi niya alam kung ano ba tatanungin o sasabihin sa taong ito. Bakit? Bakit biglang umurong ang dila niya ngayon?

Kinagat ni Raven ang loob ng kanyang labi. Siguro ay nandito sila para makipagtitigan lamang sa isa’t isa.

Di nagtagal ay mukhang nainis na si Rowan. “Ano? Magtitigan lang tayo dito?”

“Nice to meet you too, uncle.” sagot ng dalaga dito.

“What do you want from me?” maangas at walang paligoy-ligoy na tanong ni Rowan.

Angas naman nito.

Napaisip naman si Raven. Ano nga ba ang itatanong niya?
Bakit nga ba talaga siya nandodoon?

“Kung wala kang itatanong, umalis ka na lang dito. Pwede ba?” maawtoridad nitong saad sa dalaga.

“Saan mo ba nakukuha ang tapang mo?” Di mapigilang tanong ng dalaga sa kanya.

“Ikaw? Sa’n ka ba kumukuha ng lakas ng loob?” Mahina ngunit diin nitong tanong. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at akmang aalis na.

“Si papa,” biglang sambit ni Raven sa ama. “Gusto kong malaman kung ano si papa noon.”

Kumunot naman ang noo ni Rowan. Takang taka siya sabay naiirita. Bakit naman tinatanong ng batang ito ang tungkol sa ama niya? At sa kanya pa ha?

“Seryoso ka bang sa akin mo iyan itatanong?” nakangiwi nitong tanong.

Agad ring ngumiwi ang dalaga sa pinakitang reaksyon nito.
“Bitter ka ba kasi nakulong ka?” Sa kanya ko yata minana yung pagiging attitude niya eh.
Huminga ng malalim si Raven. “Sa lahat na nabubuhay dito sa mundo ngayon, ikaw ang pinakamatagal na nakasama ni papa, Rowan… Alam mo ‘yan,”

“Aba malay ko, baka may ibang kapatid ‘yan.”

Ginagago ba ako ng matandang ‘to? Pasalamat siya matanda siya ah.
Di nakakatawa, pwe!

“Ikaw lang ang kapatid niya, Tito…” Tuluyang napatigil naman si Rowan dahil sa paraan na pagtawag sa kanya ng dalaga.

Hindi maiwasan ni Rowan ang mapaisip tungkol sa kapatid.
Ano nga ba talaga si Razen noon?

Umupo muli si Rowan sa kanyang upuan at komportableng umupo roon.

“Isang basagulero ang papa mo noon. Halos palipat lipat kami ng lugar dahil sa kanya. Parati rin siyang naeexpelled sa mga paaralan na napupuntahan niya. Reason?— Bad conduct, at dahil na rin siguro na magaling siyang makipaglaban ay naging dahilan din yata iyon  kung bakit naging ganap siyang agent sa SAO…”

Hidden HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon