JAYDEN POV:
"Lo, ano ba kayo. Diba Sabi ko sa inyo kapag may kailangan kayo ako na Hong bahala. Ako na ang mag sisibak ng kahoy na yan. Tatapusin ko lang ho ang pag iigib ng tubig." Ani ni Jaden sa kanyang Lolo.
Naabutan nya kasi itong nag sisimula ng mag sibak ng kahoy. Nag igib lang sya saglit nag sisibak na agad ito.
Hanggat maaari ay ayaw nya itong pakilusin dahil nga galing ito sa atake kaya natatakot siya na baka mapaano ito.
Ayaw na niya muling may mangyari dito at ayaw na niyang muling sumpungin ito ng atake. Ito nalang ang nag iisang kasama niya sa buhay kaya alam niyang hindi niya kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda dito.
"Apo naman, ano kaba, pag sisibak lang to, yakang yaka to ni Lolo. Ako pa." Sagot ng matanda.
"Lo Naman eh. Wag na Hong matigas ang ulo. Sige na ho, dun nalang kayo sa loob at mag basa ng dyaryo. Ako an hour Dyan. Baka mamaya mapaano na naman kayo eh." Nag aalalang Turan ni jayden sa matanda.
"Naku apo, ayaw ko na doon at akot naiinip. Nabasa ko na lahat ng dyaryong nasa lamesa, hayaan mo na ako dine apo, isipin mo nalang na ito ay exercise ko. At Isa pa, ay akoy naaawa na sa iyo. Ikaw nalaang lahat ang kumikilos dine sa bahay. Mula pag lilinis, pag luluto, pag iigib, pag lalaba, hugas, igib, lahat. Kaya maano bang hayaan mo na na kahit ito ma lang ay maitulong ko saiyo. Ayoko maramdaman apo na pabigat ako sa iyo." Sagot nito.
Napabuntong hininga naman si Jayden. Kita niya ang bumakas na lungkot sa mukha ng matanda. Nilapitan niya ito ay tinabuhan ng upo sa kawayang upuang ginawa niya.
"Lo, pasensya na po kung ayaw ko kayong pakilusin, nag aalala lang naman po ako sa inyo eh. Kayo nalang ho yung pamilya ko. Kayo nalang ho yung meron ako. Kapag may nangyaring masama ho sa inyo, di ko ho kakayanin lo." Malumanay na paliwanag ko.
Totoo iyong sinabi nya. Hindi nya talaga kakayanin kapag nawala din ito sa kanya. Mahal na mahal niya ang Lolo niiya dahil maliit palang siya ay dito na siya lumaki dahil wala na siyang magulang. Sabi ng Lolo niya ay namatay sa aksidente ang mga magulang nya kaya naman ito ang nag palaki sa kanya.
Wala pa daw siyang isang taon ay ito na ang nag aalaga sa kanya. Totoo iyon dahil lumalaki at nag kakaisip siya na ito ang nasa tabi niya. Eto lamang ang meron sya. Ang Lolo lamang niya ang nag iisang pamilyang meron sya Kaya di niya kakayanin pag may nangyI dito.
Tumingin naman sa kanya ang matanda at malumanay na ngumiti.
"Pasensya apo kung may katigasan ang ulo ni Lolo. Nababagot man din kasi ako apo. Wala na akong ginawa kung hindi ang kumain at matulog lamamg habang ikaw ay nag papakandaka Kuba sa pag kilos dine sa bahay tapos nag ta trabaho ka pa sa Gabi kaya Halos ikaw ay wala ng pahinga. Nahihiya na ako sa iyo na baka nagiging pabigat na si Lolo." Malungkot na Turan ng matanda
Gumanti siya ng ngiti dito.
"Hindi lo, hindi ko kayo pabigat sa akin, at hinding hindi kayo magiging pabigat. Kaya kong gawin lahat, hindi ako napapagod sa mga gawain ko dahil nandyan kayo, kayo ho yung nag bibigay kalakasan sa akin. Maisip ko palang ho kayo para na akong Naka recharge. Kaya wag na wag nyo pong iisipin na pabigat kayo sa akin." Aniya.
"Salamat apo. Pasensya kana talaga Kay Lolo ah. Eto lang talaga yung naisip kong gawin para kahit papaano ay makatulong sa iyo." Anito
"Lo, ang makita ko lang na nasa maayos Kang Kalagayan, mas malaking tulong na po sakin yun dahil mapapanatag po ako dahil Alam kong maayos yung lagay nyo." Aniya sa matanda.
Ngumiti ito sa kanya at narahan siyang hinila para yakapin. Gumati siya ng yakap dito. Mahal na mahal talaga niya ang Lolo niya at handa siyang gawin lahat para dito.
YOU ARE READING
UNDER THE SUN
FanfictionKevin Rasheed Nolasco(G) is a notorious Playboy and he is a spoiled brat kid. sakit siya ng ulo ng daddy nya dahil wala na syang ginawa kung hindi ang pumasok sa gulo at makipag basag ulo. malakas ang loob niyang pumasok sa gulo dahil Alam niyang la...