Chapter 8

23 6 0
                                    

Date

"Hmm.."

I keep on humming while doing mural painting on the wall of Ramin's unit. Nakaupo ako ngayon sa mini foldable ladder.

Nasa parte ako ng sala ngayon, balot na balot ang kaniyang mga gamit at ang sahig ng mga papel para hindi madumihan o matapunan ng pintura.

"Lunch is ready, Karra.."

Boses iyon ni Ramin mula sa kitchen.

"Hmm hmm hmm.." I hummed and ignored him completely.

Itinagilid ko ang aking ulo habang titig na titig sa dahong pinipinta, ginagawan ko ito ng dark shades. Details is important.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang 'special girl' ni Ramin kaya't hindi ko pa rin siya pinapansin simula kanina pagkagaling namin sa grocery store.

Tahimik lang din naman siya sa kotse kaya't walang away na naganap dahil kung kinausap niya ako kanina ay paniguradong inaway ko siya dahil naiirita ako sa kaniya.

"Karra Grashien," boses muli ni Ramin na halos magpapitlag sa'kin.

Ngayon ay nasa gilid ko na siya, malapit sa'kin kaya't hindi ko maiwasang mailang. Kunware ay inaayos ko pa ang details ng mga dahong ipininta, kahit ang totoo ay tapos na ito.

Pilit kong iginigilid ng aking mga mata upang lihim na tingnan si Ramin sa'king kanan.

"Will you please stop ignoring me and tell me what's wrong?" ani Ramin na tila nawawalan na ng pag-asa.

Hindi ko pa rin siya pinagtuunan ng pansin.

Akmang tatayo ako sa kinauupuan na mini ladder nang matigilan ako dahil sa paghawak ni Ramin sa kanang kamay kong may hawak hawak na paint brush.

Sinalubungan ko siya ng mga kilay.

"Kakain na ako, bitawan mo ang kamay ko," matigas ang boses na sabi ko.

Hindi siya umimik at nanatiling nakatitig sa'kin. Kumikislap ang kaniyang mga mata na tila gulong-gulo.

Kusang ginalaw ko ang aking kanang kamay upang bawiin ito sa pagkakahawak niya, dahil hindi ko alam kung makakaya ko pa bang makipagtitigan sa kaniya ng matagal.

"Fuck," he murmured when I turned my back against him.

Tinungo ko ang kitchen at naupo sa high chair nang makitang nakahanda na ang pagkain ko.

Napapitlag ako at napatingin sa pinto ng kuwarta ni Ramin nang malakas niyang isinara iyon.

Napanguso ako. He seems irritated.. pero iritado rin naman ako!

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Ilang saglit pa'y napatigil ako sa akmang pagsubo at napatingin muli ako kay Ramin nang lumabas ito sa kaniyang kuwarto.

May dala itong jacket at tila aalis. Nang mapansing paalis na siya na tila walang balak magpaalam ay hindi ko na naiwasang magtanong.

"Where are you going?"

He stopped from walking towards the door but he didn't looked back at me.

"Uuwi sa'min. I'll come back later," seryosong boses na sagot niya.

Napatango na lamang ako at tila mayroong bumara sa lalamunan ko.

"Okay," ang tanging nasabi ko.

Napatingin na lamang ako sa kaniyang likuran nang lumabas na siya ng kaniyang unit.

I wonder if it's true.. na uuwi siya sa kanila.

Hindi ko maiwasang maalala ang narinig na pangako niya roon sa 'special girl' niya.. he'll visit next weekend pero hindi na siguro siya makatiis na makita ito kaya pupuntahan niya na ngayon din.

Just a Mistake (Salvamante Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon