12: A WARNING

58 3 0
                                    

Chapter 12 || A WARNING

(Note: unedited, raw version)

* * * * * *

     GIOVANNI and Reichen rush to Green’s Hospital after someone calls them that their friends met with an accident kaninang madaling araw.

     “Sir Reichen,” bati iyon ng isang empleyado pagkakita sa binata. “Nasa tenth floor po ang mga kaibigan niyo. Nalapatan na rin po sila ng first aid, wala naman po silang tinamong malalang pinsala pero kailangan pa rin po nila ng ilang linggo na pahinga dahil sa impact ng pagkakabangga nila. May pumunta na rin pong mga otoridad pero naharap na po sila ng tatay ni sir Leandro na si General Larry.” Iginiya sila nito papunta sa elevator.

     “Are they awake? Did they say what happened?” Reichen asked.

     “Yes sir. Napainom na rin sila ng gamot ngayong umaga. Ayon naman po sa statement ni sir Odin, may isang pick up na sasakyan raw po ang sumusunod sa kanila habang binabagtas po nila ang daan pauwi. Hindi po nila nakuha ang plate number dahil wala daw pong nakakabit sa sasakyan na iyon. General Larry said he will investigate the incident and will check if may mga CCTV around the area of the accident.”

Hindi naman na nagtanong pa si Reichen. Giovanni rin ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. They’re thinking who could be the person behind it. Kung kagagawan kaya iyon ng kalaban ng organisasyon nila? Or was it a personal attack on any of them? Sino?

They get off from the elevator ng marating na nila ang tenth floor. Sumunod lang sila sa lalaking kasama papunta sa silid ng mga kaibigan. Nang marating na nila ang pakay ay iniwan na rin sila ng lalaki.

They went inside the hospital suit. Bumungad sa kanilang dalawa ang itsura ng mga kaibigan na nakahiga sa kaniya kaniyang mga higaan.

     “Hey, Gio. Hey, Rei.” bati iyon ni Maximo. They are all wearing a neck brace. May mga bandages rin sa iba’t ibang bahagi ng katawan bukod sa mga visible na pasa.

     “Hey your face. Mga gago, ano bang nangyari?” Reichen asked them.

     “We were attacked of course, alangan trip lang naming maaksidente. Siraulo ka ba Reichen?” sarkastikong tugon ni Odin. Dahil malapit si Reichen dito ay tinuktukan nito ito sa ulo.  “Aray! Wala kang awa sa pasyente, Green!” reklamo nito.

     “Gago. Tinatanong ka ng maayos, sumagot ka ng maayos. Baka ma-badtrip ako at gawin kong isang buwan ang bakasyon mo dito!” inis na sambit ni Reichen.

      “Hindi niyo talaga nakilala ang may gawa nito sa inyo?” Tanong naman ni Giovanni. 

     “Hindi,” sagot ni Leandro. “But…” he trailed off. Tila may inaalala.

     “But what?” pag ulit ni Reichen.

     “Hindi ko pa ito nasasabi kay Dad sa statement because I don’t feel like it… After the car collided, that car stopped beside ours. I can’t clearly see since my vision is already blurry at sobrang nahihilo ako sa lakas ng impact ng sasakyan. All I can see is their silhouettes and hear a bit of their voices, hindi ko masyado maintindihan at marinig ng maayos kung ano ang mga sinasabi nila but I can assure that I heard two different voices of women. Two of them ay mga babae. F*ck! Until now ay hindi ko pa rin maisip kung sino ang mga iyon.” Leandro fisted his hand.

     “Two women? Could it be that their target is just one of you? Tangin*, mambabae pa kayo ng mambabae. Literal na pagiging babaero niyo ang papatay sa inyo, nagsama sama pa talaga kayong tatlo.” naiiling na wika ni Reichen. Isa isa sila nitong tiningnan and click his tongue. 

TMH (Prequel): Love is WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon