Third Person Pov.
"Hindi na kita bibigyan pa ng palugit, alora! Kailangan wala na ang mga gamit mo dito sa sabado!"
Hindi malaman ni alora kung paano pakiki-usapan ang land lady ng apartment na kanyang tinitirhan. Dalawang buwan na kasi siyang hindi nakakabayad dahil na rin sa gastusin nito sa ospital.
Kasalukuyang naka-admit ang kanyang kapatid dahil sa sakit nito sa puso. Panay pa ang pagbali niya sa kanyang trabaho kung kaya't ang mga sinasahod niya ay talaga namang kulang sa pagbayad ng apartment at araw-araw na gastusin.
Si Alora Balajadia ay ulila ng lubos sa kanyang ina at ama. May kapatid siyang nasa edad anim na taon ngunit may sakit ito sa puso, kailangan niya ng matinding gamutan sa ngayon dahil umatake nitong nakaraang buwan ang sakit ng kanyang kapatid na si alison.
"Babayaran ko po kayo ng kalahating halaga bago dumating ang sabado. Maawa naman kayo, aling elma. Wala po akong mapupuntahan sa ngayon," tumaas ang kilay ng ginang dahil sa pagmamaka-awa ni alora.
"Iyan din ang sinabi mo sakin noong nakaraang buwan, ang haba na ng palugit ko sayo alora. Hindi ko na problema kung wala ka'ng mapupuntahan, wala akong kinikita sayo!"
Tumalikod na ang ginang at hindi na muling pinakinggan pa ang hinaing ni alora. Napahilamos na lamang sa mukha ang dalaga dahil sa patong patong na problemang dumating sa kanya, kailangan pa niyang pumunta ng ospital para maasikaso na ang kanyang kapatid. Ilang linggo na rin siyang hindi nakakapasok sa trabaho kung kaya't inaalala rin niya na baka matanggalan na siya ng trabaho.
"Salamat, josie. Pasensya na sa istorbo," natawa ang kaibigang niyang si josie na ngayo'y pinaki-usapan niyang magbantay muna sa kanyang kapatid dahil kailangan niyang dumiskarte ng pera sa kanyang boss.
Kailangan na kasi niyang mabayaran ang apartment na tinitirhan nila dahil baka totoong palalayasin na sila ni manang elma kung hindi pa siya makakabayad.
"Ano ka ba, alora. Para ka'ng sira, sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayong magka-kaibigan," nangiti si alora bago tingnan ang kapatid na mahimbing ng natutulog sa kanyang kama.
"Anong sinabi ng doctor niya kanina?"
Napabuntong hininga si josie. "Hindi pa rin maganda ang kundisyon ni alison, ang magandang sulusyon daw dito ay operasyon. Para hindi na mahirapan ang kapatid mo,"
Napakagat labi si alora dahil sa narinig. "Alam mo naman ang halaga ng perang kakailanganin, josie. Kung ang pagbayad nga sa apartment ay nahihirapan ako. Paano pa ang operasyon ni alison?"
"May solusyon sa problema mo, alora. May nabalitaan ako sa batch mate natin sa groupchat. Napag-usapan nila doon na naghahanap ng babae ang isang saavedra," nangunot ang noo ni alora dahil sa narinig.
"Hindi na bago sakin ang maghanap ng mga babae ang saavedra, josie. Lagi ko na lang nababasa 'yan sa GC,"
"Pero iba ito, alora. Si Hunter 'to, ang tagapag-mana ng saavedra group!"
"Hindi ko siya kilala,"
"Kung ganon ipaki-kilala ko siya sayo. Si Cage Hunter Saavedra ang nakakatandang kapatid ng class mate nating si Hector, gwapo ito at makisig. Matutulungan ka niya sa problema mo," natawa si alora sa narinig mula kay josie.
"Paano niya ako matutulungan? Eh hindi nga namin kilala ang isa't-isa, atsaka. Hindi ako interesado sa kanya gwapo man o makisig,"
Napailing si alora bago lapitan ang kaibigan. "Malaking halaga ang naghihintay sa babaeng hinahanap niya. Alam mo, hindi lang operasyon ni alison ang masasagot. Kundi ang mga gamot at pagbayad mo ng renta!" nanlalaki pa ang mata ni josie habang sinasabi iyon. Kulang na lang ay ipagtulukan niya ang kaibigan para tumungo na sa mansyon ng mga saavedra.
BINABASA MO ANG
FPS#4 Secretary's Seductive Affair
RomanceCage Hunter Saavedra, known as the heir of saavedra family where they are at the top list of rich group. Marami silang ari-arian na siya namang maipapasa sa kanya. Everything hunter want's he can get in a blink of eye, Especially if it's women. Wala...