“What kind of women who can get your interest?"
Nakaupo si hunter sa kanyang swivel chair ng itanong iyon ng kanyang kapatid. Sa dami ba naman ng dinala niyang babae sa condo nito ay wala siyang nagustuhan.
Malapit na ang kaarawan niya at iyon ang araw na nais niyang makasama ang babaeng matitipuhan niya. Para bago man lang siya matali sa babaeng hindi nito mahal ay mapapaligaya pa muna siya ng iba.
“Just search again," iyon lamang ang tugon ni hunter habang naka-focus sa kanyang laptop.
Pagkatapos kasi ng birthday nito sa edad na bente singko. Ikakasal na siya kay Beatrice.
Iyon ang anak ng pinaka-malaki nilang investor. May sarili din silang kumpanya at kung si Beatrice ang kanyang pakakasalanan ay mas lalong lalago ng husto ang kanilang kumpanya.
“This is my last finding, kuya. Kung hindi lang malaking pera ang makukuha ko hindi kita ipaghahanap,"
Nag-angat ng tingin si hunter habang nakataas ang kilay.
“Just look for a virg-n women. Lahat ng dinala mo dito, hindi ganon. I knew it for the first place, gusto ko‘ng maging sulit ang ibabayad kong pera sa babae,"
Natawa ang kapatid nitong si hector bago tumango. “Yun lang pala? I can give what you want, basta sa oras na makuha mo ang mana kay lolo. Hatian mo ako, sayo naman nakapangalan ang kumpanya eh."
“Find you can leave now,"
Mabilis na sinara ni hunter ang kanyang laptop bago sagutin ang tumatawag sa kanya. Doon na rin lumabas ang kanyang kapatid na walang ginawa kundi mailing dahil sa gusto nito.
Hindi pa kasi CEO si hunter dahil hindi pa niya naibibigay ang gusto ng kanyang lolo. Tatlo silang magkakapatid, at siya ang panganay. Ang kanyang ama ay pumanaw na ilang taon ng lumipas, bukod tanging si victoria lamang ang kanilang kasama na siyang ina nila.
“What?" iritable ang tinig ni hunter matapos niyang sagutin ang tawag ni victoria, ang kanyan ina.
“Guess what anak?" napahilot sa sintido ang binata dahil heto na naman ang kanyang ina at mangungulit na naman sa kanya.
“I‘m busy mom, please. Just speak with me later,"
“Alright anak, i just want to inform you that im with beatrice. Nasa bahay siya ngayon, she’s cooking lunch for you. Umuwi ka‘ng maaga okay?"
Napabuntong si hunter dahil sa narinig. Sa totoo lang ay wala siya ni katiting na pagtingin sa babaeng iyon, marami na siyang naging kasintahan ngunit ang tulad ni beatrice ay hindi niya magugustuhan.
Simula highschool at college hangga ngayon, hinahabol pa rin siya ni beatrice. Pinagpapa-tasyahan pa rin niya si hunter na ngayo’y magiging asawa na niya dahil sa tulong ni victoria.
Ang mommy ni hunter ang siyang pumili ng mapapangasawa niya. Isang sikat na model si beatrice, nagtapos ito sa kursong bussiness at siya ang susunod na tagapag-mana ng kanilang kumpanya. Maganda at sexy, matalino at walang kapintas-pintas sa dalaga. Gayun man, kahit anong gawin ni hunter ay hindi talaga makuha ni beatrice ang kanyang atensyon.
“Okay," maikli lamang ang sinagot ni hunter bago niya tuluyang ibaba ang linya. Sumandal siya sa kanyang swivel chair bago nito hilutin ang kanyang sintido.
“That b-tch," aniyang anas habang iniisip ang babaeng mapapakasal niya. Ngunit alam naman ni beatrice na walang pagtingin sa kanya si hunter, ngunit pumayag pa rin itong maikasal sa binata dahil ayos lang na magkaroon ng anak sa isang saavedra.
“Let’s end this meeting," matapos ng mahabang oras niya sa conference room kasama ang board member ng kumpanya at ang great grand father nito. Mabilis na siyang tumayo upang sana ay lumisan na, ngunit hindi nakaka-ilang hakbang pa lamang siya ng marinig nito ang tinig ng kanyang lolo.
BINABASA MO ANG
FPS#4 Secretary's Seductive Affair
RomanceCage Hunter Saavedra, known as the heir of saavedra family where they are at the top list of rich group. Marami silang ari-arian na siya namang maipapasa sa kanya. Everything hunter want's he can get in a blink of eye, Especially if it's women. Wala...