"HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA GAGO"
"Nginaniyo ang epic ng mukha niya HAHAHAHAHAHA"
"Why kasi binangga pa niya si queen? She is so stupid, ayan tuloy kalaban na niya buong studyante dito."
"Serves her right."
"Look at her HAHAHAHAHA"
"Nababagay yan sa katulad niyang pobre"
"Stop this shit, Man."
Pagpasok ko sa room ay may nakalagay pala sa ibabaw ng pinto na isang timbang tubig. Ayon, basang basa ang lola niyo. Hindi pa naman ako nagdala ng extra T-shirt.
Bwisit. Alam ko na agad kong sino ang may pasimuno nito.
Akala ko maganda 'tong university na'to bakit hindi na-inform sakin ng dean na may mga sapak sa ulo pala ang kanyang mga studyante.
Baka hindi school 'tong napasokan ko ah? Baka mental hospital pala to. Nako, wala naman akong saltik sa utak. Ahm, I mean kunti pero hindi gaano kalala no.
Nagulat ako ng may magsaboy sakin ng harina at may nagbato ng itlog. Jusko naman! Ginawa pa nila akong cake!
"She looks like a trash oh HAHAHAHHAHAH"
Imong nawong pud murag basura!
"HAPPY BIRTHDAY TO QUEEN HAHAHAHHHAHA"
"Hoy! Tulungan niyo si Xerxes!"
Puro lang kayo salita eh. Bwisit.
Napapikit ako at nilisan ang room, gusto ko lang naman mag-aral pero bakit ganto yung pinagdadaanan ko? Akala ko magiging peaceful ang pag-aaral ko rito pero empyerno pala.
Nakakasama ng loob lang kasi wala man lang ginagawa ang mga student council dito, wala man lang hakbang ang dean para mapuksa ang pangbubully. Kong sa bagay ay anak ng may-ari ang nangunguna sa pangbubully sa'kin.
Ang demonyong babaitang 'yon! Nakakarami na siya! Hindi makamove on sa nagawa ko no'ng first day of school, maliit na kasalanan lang naman yun e. Kahit presidente siguro mapapatawad ako pero ang babaeng 'yon ay pinanganak na sigurong may saltik sa utak at ayaw akong lubayan! Ang sarap niyang tirisin sa totoo lang pero nagtitimpi ako at isa pa, ang tangkad niya hanggang balikat lang ata ako ng demonyitang 'yon baka ako pa iyong matiris niya.
Ang magagawa ko lang talaga ay murahin siya sa isipan at bigyan siya ng nakakamatay na tingin. Oo! Nakakamatay na tingin kasi gusto ko na siyang patayin sa sama ng loob ko rito.
"Look who's here" oh nandiyan na ang demonyita. Sa lahat pa ng makakasalubong ko ay ito pa yung pamangkin ni satanas!
"What happened to you?" May ngisi ito sa labi, tanggalin ko 'yang nguso mo e, bwesit ka. Pinandilatan ko ito ng mata at hindi ito pinansin, lalagpasan kopa sana ng magsalita ito na maypagalit na tuno. Ito nanaman ang demonyita
"Don't you dare ignore me Xerxes!" Ulol!
"Bakit ba?" Mahinahon lang ako pero gusto ko nang sapakin itong nasa harapan ko.
"When I'm talking, don't you dare ignore me!" Nagagalit pag tinititigan pero kapag hindi naman pinapansin nagagalit parin, confirm may saltik nga 'to sa utak.
"Okay" pagod akong makipag away ngayon sakanya, gusto konang magbihis dahil ang lagkit ng katawan ko.
"Okay!? Are you not going to argue with me!?" At nagagalit pa siya'ng hindi ko siya sinasabat? Confirm may saltik nga talaga sa utak.
"Pwede ba? Wala ako sa mood dahil sa pinaggagawa ng mga alipores mo! Kahit ngayon lang lubayan mo'ko ha!" Namumuro kana sakin bwesit ka. Pinasadahn niya ako ng tingin. Crush ko pa naman sana 'to noon pero ang pangit pala ng ugali kaya big X siya sakin, isang malaking pagkakamaling naging crush ko siya no'ng una.
"So this is the surprise that their talking about? I love it!" May ngisi sa labi niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Iumpog kita sa pader e, char.
"Tapos kana ba diyan sa pag english-english kineme mo diyan? aalis na'ko!" Kumaripas na Tumakbo ako palayo sakanya, narinig kopa na tinatawag niya ako pero hindi kona ito pinansin. Ang lagkit at ang baho kona talaga, kasalanan talaga 'to ng demonyitang 'yon!
–––
A/N: I made some changes here because it's too cringey. Lol.
YOU ARE READING
The Queen's girl(UNDER REVISION)
RomanceKiana Lily Xerxes is a beautiful young lady with a badass personality that doesn't match her looks. She has a cute smile and deep dimples on both cheeks that everyone loves to see-except for one person; Maddielyn Izza Huxley. Maddielyn is currently...