Kiana's Point of view
knock! knock! Knock!
"Hoy babaita! Bumangon kana riyan kung ayaw mong ma-late sa unang araw ng pasokan niyo!" Naalimpungatan ako sa sigaw ni mama sa labas.
"Ma, 10 minutes more!"
"Huwag mo akong ma 10 minutes more diyan ha! Bumangon kana riyan! Wag mong hintayin na ako pa ang magbangon sayo. Malilintikan ka talaga saking bata ka!" Mabilis akong napatayo dahil sa kanyang sinabi.
Sabi ko nga babangon na.
"Isa!" Patay nag bilang na.
"Ito nanga mama naman e!" tumayo ako at inayos ang hinigaan ko. Bago ako pumasok sa banyo ay tinignan ko pa kung anong oras na.
Alas-sais pa lang naman e, atat na atat si mama. Hmp!
"Maligo kana!" Narinig ko ang mga yapak niya pababa.
–·–
"Nakakunot na naman ang noo ng anak mo" rinig ko ang bungisngis ni papa. Nandito na ako sa hapagkainan at hinihintay nalang na maluto ang ulam. Magkatapat kami ni papa, nagbabasa ito ng diyaryo habang umiinom ng kape.
"Si mama kasi" bulong ko habang nakasimangot.
"Ano na naman ba ginawa mo diyan sa anak mo love?" Napangiwi ako sa call sign nila. Ugh! Kapag talaga ako nagkajowa, ayoko mag lagay ng call sign kasi ang cringe pakinggan.
As if naman magkakajowa ako.
"Ginising ko lang naman 'yan, at ako pa yung may kasalanan" rinig kong sabi niya sa kusina.
"Oh yan naman pala lily, ayusin mo yan kung ayaw mong tumanda ng maaga" bumuntong hininga ako. kasi naman akala ko alas-sais na pero nakalimutan kong sira pala yon. Alas singko palang pala ampt.
"Maluluto na 'tong ulam lily, maghanda ka na para makakain na kayo ng ama mo." Bigla akong natakam ng maamoy ko ang paborito kong ulam.
Adobo!
Kapag badtrip kasi ako ay nilulutuan ako ni mama ng paborito kong ulam para magbati kami. Ang sweet talaga ng mama ko.
Tumayo ako at kumuha ng tatlong plato at tatlong kutsara at tinidor. Nilapag ko yon sa lamesa at umupo ulit. Maya-maya ay nagsimula na kaming kumain.
"Hindi ba at ngayun ang first day mo sa HU anak?" Tanong ni papa.
"Opo"
"Sa pagkakaalam ko ay sobrang ganda doon anak. Tsaka, buti at nakapasok ka don?" Nagtataka pa siya eh matalino ako.
"Siyempre, Matalino anak mo eh." Kumindat pa ako rito. Proud niya akong tinignan at ngumiti.
"Mana ka talaga sakin."
"Anong mana sayo? Hoy, ako ang nag-anak diyan kaya sakin yan nag mana." Biglang singit ni mama.
"Hala, tingnan mo ang mama mo Lily. Kapag maganda at matalino ang pag uusapan, sakanya ka nagmana. Tapos pag matigas ang ulo at pasaway ay sakin." Natawa ako dahil sa sinabi niya.
"Totoo naman kasi"
"Opps, wag na kayong mag away diyan. Sainyo ho ako nagmanang dalawa." Nakangiti kong sabi.
"Baka magkaka boyfriend ka diyan sa pinapasokan mo, lily. Nako ikaw bata ka mag aral ka muna." Paalala ni mama. Tinapos ko muna ang pagkain bago ko ito sinagot.
"Ma, mag-aaral po ako hindi haharut."
"Pero anak, kung ako sayo mag girlfriend ka nalang. Pogi mo parang ako." bahagya pang lumapit ng kaunti si papa para ibulong yon na rinig din naman ni mama.
"Kung ano-ano na naman yang pinagsasabi mo sa anak mo. Oh siya, taposin niyo na ang pagkain bago pa kayo malate."
Sabay kaming tumango ni papa at nag focus sa pagkain. Maya-maya ay tinanong ako ni mama.
"Ano nga ulit yung kinuha mong kurso?"tanong ni mama. a
Luh, mga magulang ko ba talaga mga 'to?
"Sinabi kona po yon sainyo e"nakakatampo lang kasi kinalimutan nila. Tumawa silang dalawa, sige ganyan naman kayo e.
"Alam mo namang makakalimutin na itong mama mo HAHAH-aray naman love!" Ako naman ang humalakhak. Sinapak ba naman sinong hindi masasaktan.
"Anong makakalimutin? Dinamay mo pa ako ha!" Ayan nanaman sila. Napatitig ako sa kanila. Sana ganito nalang araw-araw.
"Oh bakit nakatitig kalang diyan?" Tanong ni papa. Tapos na pala sila magbardagulan haha.
"Wala po. Architect po yung kinuha ko" nakita ko ang pagngiti nilang dalawa at proud akong tinitigan.
"Mag-aral ka ng mabuti anak ha? Kahit anong mangyari proud kami sayo ng mama mo, don't pressure yourself okay? Nagkakaintindihan ba tayo? Matutupad din ang mga pangarap mo." Napangiti ako ng malawak.
"Opo!"
–·–
A/N: As you can see, there are a lot of changes, and this story is also under revision^°^
YOU ARE READING
The Queen's girl(UNDER REVISION)
RomanceKiana Lily Xerxes is a beautiful young lady with a badass personality that doesn't match her looks. She has a cute smile and deep dimples on both cheeks that everyone loves to see-except for one person; Maddielyn Izza Huxley. Maddielyn is currently...