Chapter Two

969 47 4
                                    



Kiana's Point of view


I

NILIBOT ko ang paningin sa kabuohan ng university.
May apat na building ang university na ito, sabi nila kumpleto daw ang course dito. Ang laki rin ng field at sobrang lawak. Grabe, ang yaman ng may-ari.


'Saan ba ang archi building rito'

First year college palang ako at ang kinuha kong kurso ay architecture. Noon pa ay pangarap kona talagang maging isang Architect. At ito ako ngayun, nagsisimula na akong abutin ang pangarap ko. Sisiguradohin kong maabot ko ito, hindi ko bibiguin sila mama't papa.


Naglakad ako habang inililibot ang paningin ko, gosh. Hindi ako makapaniwalang makakapag-aral ako sa isa sa pinakapopular na University.

"O-ouch! What the hell?!" Naaliw ako sa paglilibot kaya hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako.

Napapahiyang tinulungan ko itong tumayo. Hahawakan kona sana ang balikat nito para tulungan siyang tumayo ngunit winaksi lang niya yong kamay ko.

Siya na ang nagtayo sa sarili nito at masama akong tiningnan. Napalunok nalang ako dahil sa kanyang paraan ng pagtitig.

"Ah, shit." Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may galos ang kanyang kamay. Yon ata ang ginamit niya kanina para supurtahan ang sarili. Mas lalo akong nahiya doon.

Jusko, first day of school may makakaaway ata ako.

Madilim niya akong tiningnan kaya napaatras ako ng isang hakbang.

"bitch! What have you done!?"

"Sorry, hindi ko sinasadya. Naglilibot kasi ako at hindi ko namalayang nabangga kita–"

"Just because of that? You're so stupid. You know this is a school, and a lot of students pass by. Idiot." Alam kong galit na ito dahil sa paraan palang ng pagtitig niya.


"Kung ganon ay tanga ka din."

"What the fuck did you say?" Dahil sa sinabi ko ay mas lalo itong nagalit. Kinabahan ako at napaiwas ng tingin. Ngayon ko lang napansin na marami ng estudyanteng napapahinto sa kanilang paglakad.



"Gago pre, anong nangyayari dito?"

"Iwan ko, kakarating ko lang eh."


"Ang sabi ko tanga ka din. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Kung tanga ako mas tanga ka. Kung nakita mo lang ako ide sana umiwas ka diba?" Sa sinabi ko ay mas tumalim ang kanyang tingin.

Napalunok ako ng humakbang ito papalapit sakin. My heart started beating so fast, like it was about to jump out.

What the hell?

Ng magtapat kami ay ngayon ko lang napagtantong mas mataas pala ito sakin. Hanggang balikat lang niya ako. Tumaas ang tingin ko at nagtagpo ang tingin naming dalawa.


"You know nothing, woman." Matalim ang kanyang tingin. Hindi ako nakaimik. Tumitig ako sa mukha niya.

Straight at mahaba ng kanyang buhok. Matangos ang ilong, mapupulang labi, mataray ang hugis ng kanyang kilay, at kulay brown ang kanyang mga mata. Ang masasabi ko lang ay–Maganda siya. Ang kinis ng kanyang balat na parang kahit kailan hindi nadapuan ng lamok.

Mukhang anak mayaman. Kaya pala ganito ang ugali.


"Hey, Izz! What are you doing there? Let's go!" Nabalik ako sa ulirat ng may sumigaw sa kung saan. Hinanap ko ito at nakita ang tatlong babae na nakatingin sa direksyon ko–I mean, itong babaeng ito.

"We're not done yet" masama niya muna akong tiningnan at naglakad papunta sa tumawag sakanya.



Nakahinga ako ng maluwag ng mawala sila sa paningin ko. Nagsimula naring maglakad ng ibang estudyante at ang iba naman ay nanatili lamang akong tinitingnan na curious ang mga mata.

Bwiset na babaeng yon. Nag sorry nanga ako eh. Parang yon lang hindi niya man lang ako papatawarin? What the hell?

Huminga ako ng malalim at nagsimula naring maglakad. Hindi kona dapat isipin pa ang babaeng 'yon. Mabuti pa't hanapin ko nalang muna ang Archi building para naman hindi masayng ang oras ko.


"Miss? Saan ba dito ang building ng architecture?"kinalabit ko ang babaeng nakatalikod. Hinarap niya ako at doon ko nakita ang kanyang mukha. Napangiwi ako ng dinilaan niya sa harap ko ang subo-subo niyang lollipop.




"Sorry hehe. Ahm, sumabay ka nalang kaya sakin? Archi din kurso ko." Nakangiti niyang sabi. Ngayon ko lang napansin na may dala-dala itong T-square.

"Sige." Sumang-ayon na lamang ako sakanya. Nagsimula na kaming maglakad. Tahimik lang kami habang binabaybay patungong Architecture.

"Btw, I'm Aina. At ikaw?" Bigla niyang pakilala.

"Kiana"

"Nice to meet you kiana!" Masiglang sabi niya na ikinangiti ko.

"Patingin nga ng sched mo, baka pareho tayo eh." Inabot ko naman sakanya yong schedule ko. Nagulat na lamang ako na tumili na 'tong kasama ko, grabe naman 'tong babaeng 'to.

"Same pala tayo ng sched at classmate din tayo! Tara!" Hinila na niya ako patungo sa ikatlong building at sa palagay ko ito na ang kanina kopa hinahanap.

"Marami daw prof ngayon. Narinig ko lang kanina no'ng bumili ako sa canteen."

"Ah, talaga? Sana naman hindi terror yang mga bago."

"Oo nga! Sana naman hindi. Nakakabwiset kasi yan sila eh, tsaka nakakatakot. Yong tipong kahit may valid reason ka bakit ka na late, ibabagsak ka parin nila. Bakakaiyak!" Natawa ako sakanya. May pagkamadaldal pala ito.

"Naranasan ko yan noong SHS pa ako. Napaiyak ako sa sobrang terror beh. At ang mas nakakagulat ay hindi siya major!" Kwento ko pa rito.

"Same tayo ng naranasan beh! Tangina nila!" at doon nanga dumaldal na kami pareho. Salamat naman at may nakasundo ako. Akala ko lonely ako dito buong school year.

Room 4-A

"Nandito na pala tayo. Wala pa yung prof, tara!" Pumasok kami at nakita naming halos mapuno na kami rito. Umupo kami sa harap kasi doon lang yung may bakante. May iilang na napapatingin saakin. Niyuko ko ang aking ulo.
Gosh, ang weird naman niya.

dada ng dada itong kasama ko pero hindi ko naman maintindihan kong ano na ang pinagsasabi niya. Hindi dahil sa ang bilis niya mag salita. Ngunit dahil sa babaeng nakabanggaan ko kanina. Hanggang ngayon nabwi-bwiset parin ako. Sana naman hindi na magtagpo ang landas naming dalawa.



–·–

A/N: :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Queen's girl(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now