Someone lyk U<3

217 10 3
                                    

Madami na tayong nababasang mga istorya. Malamang karamihan doon ay romance. Buhay pag-ibig ng mga Teenage, mga royal blooded, mga bad boy na nainlove sa isang simpleng babae or mga hearthrob na naiinlove sa panget at baduy na babae. Sa mga may malikhaing isip naman, mayroong pag-ibig sa pagitan ng magkaibang nilalang sa pagitan ng magkaibang mundo katulad ng mga sirena, mga dwende at iba pa. Halos kaparehas naman ng mga Fairytales na may mga sinumpa na naging palaka pero pag nahalikan ng taong totoong nagmamahal ay babalik ulit sa dati nitong hitsura. Sikat na sikat din ang Snow White, Sleeping Beauty, at Cinderella na talaga namang tinangkilik ng marami saang panig man ng mundo dahil sa ganda ng istorya na kapupulutan ng aral. Dito makikita natin ang kakaibang talento ng mga manunulat sa paglikha ng ibat-iba bagamat may pagkakatulad tulad na rin ngunit kapanapanabik parin at mayroong taglay na karisma sa mga mambabasa.

Ngayon naman ay nandito ako upang gumawa ng sarili kong versyon ng mga istorya na naglalayong itaas ang antas ng integrasyon at pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan. Mga kwentong kapupulutan ng aral at talaga namang kapana panabik sa mga mambabasa at maraming makaka relate. Alam kong hindi ganun kadali ang paglikha ng isang istorya. Nangangailangan ng matinding kaalaman at lawak ng pag-iisap bago ka makagawa nito. Sa pag iisip pa lng ng mga tauhan na gaganap ay talaga namang nakakasakit na ng ulo. Ngunit sabi nga kapag inspired, kusang babalong ang imahenasyon sa ating mga isispan upang makalikha tayo ng maganda at may pinaghugutang mga istorya na naisulat mo ng hindi mo napapansin ang oras.

Ako nga pala si Ash_Ymerald18  Mabuhay tayong lahat:))   

Happy Reading:))

Someone lyk U&lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon