Story In Her Songs

153 5 7
                                    

A/N: Hi guys. Bago pa ako sa wattpad so please bare with me. :)

- Entry 1 -

Selena's POV

*knock**knock*

"Selena, kakain na! Bumangon ka na jan! Putulin mo muna yang panaginip mo! Baba kana dito kung ayaw mong upakan kita!"

Haay, ayan. Yan ang kuya ko. Ang angas! Aga-aga pa eh.Sige bababa na ako. Baka maupakan pa ako nung kuya ko. Baka bali.an ako ng buto nun. Walang imposible dun eh. 

Pagka-baba ko, na-amoy ko yung niluluto ni mama. Mmmmmm, amoy palang ang sarap na. 

"Oh, selena, gising ka na pala.Umupo ka na dun sa mesa at malapit nang matapos tong niluluto ko" sabi ni mama. Eh? sino bang hindi gigising dun sa pambubulabog ng kuya kong gwapo? 

"Opo ma." at umupo na nga ako sa---

"kuya! dyan yung pwesto ko! Tabi ka jan!" iritang sabi ko. Eh ayaw ko talagang inaagawan ako ng pwesto eh. 

"Dun ka sa pwesto ko! ako ang nauna dito kaya hindi ako aalis." sagot ng kuya. haay, ang angas talaga. Gusto niya talagang mag WORLD WAR dito sa bahay namin ha? Pwes.

"Aray! Aray! huy! tama na! Ara-- Ano ba! O---Oo na! aalis na po! tama na! Sel-selennaaaa!"

Mwahahaha! Napaalis ko rin. Tigas ng bungo eh. >:D

Lumapit na si mama dala-dala yung niluto niya, at ambango. Swear.

Inupakan ko na yung pagkainat kumain na. "hephephep! Magpray ka muna!" sabi ni papa.

Eh? Pray? Yoko. >.<

"pa, nakasubo na ako eh." sagot ko. Papa just rolled his eyes and said " Okay. but sa susunod, hindi ka makakakain kung hindi ka magpe-pray. You get me?" "Yes pa." 

haay, saved. :D

--- 

Nom.nom.nom.

mmm, ansarap-sarap talaga ng luto ni mama. Da best! Walang kapantay! Walang makakatalo! Ever! Swear!

"Selena, bilisan mo na ang pag-kain mo dyan. Magsisimba tayo ngayong 10am" sabi ni papa.

Eh? magsisimba? Seriously? Ayoko!!! >.<

Hindi ko talaga 'thing' ang magsimba. Amboooorriiiinng kaya. No way. >.<

Pero wala akong magagawa, si papa na nagsabi eh. ////

(Sa Church)

after 12376246754547354936 years, natapos narin ang mass. Hay salamat naman! Bored na bored ako dun sa loob. Bad girl na kung bad girl! Pero yoko talaga dun eh.

"O pare! Musta na?" sabi nung lalaking i think nasa late 40's na ata. May kasama siyang babae na i think wife niya at isang boy sa kaedad ko, son niya siguro.

"Oy pare! Ayos naman! Ikaw? Kamusta na? Long time no see ah?" sagot ng papa.

"Oo nga pare eh. Eto, nagkaka wrinkles na. Hehe." At napatingin siya sakin.

"Yan ba si Selena? Yung batang iyakin?" Ano ba naman yang description na yan! Nakakahiya! >.<

" Ah hehehe, oo." Sagot ni papa. At tumawa sila. Tama ba yun? TAma bang pagtawanan nila ang nakaraan ko? >.>

"Eto nga pala si Drew," pagpapakilala nung friend ni papa kay papa. " Hala, ang laki niya na ano? Sa tingin ko magka edad lang sila ni selena" sagot ni papa.

Eh? Hindi halata. 

Nagkipag-shake hands si Drew sa papa ko, kay mama, kay kuya at sa----- "Hi, selena! Im Drew,! :)"

SAAKIN.>.<

Story In Her SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon