AN: Sorry po natagalan ang pag update ko nito. Inuna ko po kasi yung dalawang story ko. :D
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Andrea's POV
"Hmmm.. May chemistry" Pag-iisip ko habang nakatingin sa isang babae at lalaki na nagsha-shake hands dun sa may simbahan.
Parang iritang-irita pa kunwari yung babae na nakipag-shake hands sa kanya yung boy. Suusss, if i know, nagagwapuhan siya sa lalaking yun. Ang cute kasi eh. (Andrea, ang landi mo! Tigil mo yan!)
Pakipot pa.. Assooowwwsss! Dalagang pilipina lang teh?
Well, kung nagtataka kayo kung bakit ko mina-mind ang business ng iba ay dahil songwriter ako. Este, singer slash songwriter. Explain ko pa? Swerte niyo ah. Pero sige.
Well, i just don't base my songs in my own experience but pati na rin sa experiences ng iba. Kaya each time na makakita ako o may makameet ako na mga taong may nice story or alam kong magkakaroon ng nice story ay stinu-stalk ko sila para i know every single detail about sa story nila at kung maganda, well, i 'll make a song about it. Gets niyo? Kung hindi, bahala kayo!
(AN: Hoy andrea! Huwag mo silang awayin! Baka hindi na nila babasahin 'to. Wala nang babasa sa story niyo! Hala ka.)
Kidding! XD Miss author naman. Joke lang po yun. xD
Basa po kayo! Peace! :D
Well, balik tayo.
That's what i love to do eh. Hindi naman sa ginagamit ko sila para makagawa ng mga kanta, pero..
parang ganun na nga.. XD
"He looks at me, i fake a smile so he won't see"
May naisip na agad akong lyrics. Hmmmmmm....
Selena's POV
"Saan ba nag-aaral yang si Selena pre?" tanong ni Tito Steve (papa ni Drew)
Ako talaga ang gusto nilang i topic ha? Wow naman.
Oh, by the way. Nandito pala sila Tito Steve sa bahay namin. Ininvite kasi sila ni papa na dito na mag lunch.
"Sa Henceville Highshool pre. Public school lang, college na kasi si Bryan kaya hindi pa kaya sa budget. Hehe"
"Ahh, maganda naman yung school na yun,pre? Ililipat ko kasi sina Drew at Megan sa school dito since dito na kami titira."
wait-- what!? At sinong Megan?
"Ah oo pre! Magagaling ang mga teachers dun at malaki yung school na yun! Maaalagaan din ng mabuti ang mga bata dun."
Bata?? Kami? Bata? Pa naman!!!!
"Nasan pala si Megan,pre? Ba't di niyo siya kasama?" papa continued. (char, pa english2 ekek.XD)
"Nandun sa bahay ,pre. Harap ng harap sa computer. Nakikipag-usap sa mga kaibigan niya sa skype. Galit yun sakin eh kasi daw ba't ko siya inilayo sa mga kaibigan niya. Hindi parin matanggap na dito na kami titira. War kami eh kaya hindi ko na pinilit sumama. Baka mas sumama ang loob. Hehe"
War ha? I like you Tito Steve. XD
"Oh well, patignan nalang natin sa mga bata yung school para kung sakaling magustuhan nila, dun nalang sila ililipat."
Lord, sana po hndi nila magustuhan yung school namin. Ayoko pong makasama tong--
"Selena, samahan mo si Drew mamaya sa school niyo. I tour mo siya dun."
I almost choked.
NO 'EFFIN WAY!
"p-po? S-si M-megan p-po? H-hindi p-po s-siya k-k-kasama?" shyeet ba't nabubulol na ako. >.<
"Drew and Sel, sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G. Haha! Nakakatawa ka sel! May gusto ka kay Drew ano? Pabulol-bulol. Hahaha!"
Kuya kong parang bata.. Mamaya ka sakin. ><
Binigyan siya ni papa ng "what-are-you-saying-nakakahiya-ka-look"
At sa awa ng Diyos, tumahimik naman. Haha. Takot kay papa eh. :P
"Wala sa mood si Megan , ija. Kaya kayong dalawa nalang ni Drew. Okay lang ba sayo yun?" tanong ni Tito Steve.
Oh mayyy! ><
"Ah, opo! Wa pong problema. Hehe" kahit meron talagang problema. AMALAYER.