Drew's POV
Sinunod-sunod ko si Selena na parang aso papunta sa school nila. Hindi talaga lumi-lingon-lingon. Pakipot. Haha.
Sa totoo lang, i find her interesting. Hindi kasi siya tulad ng ibang babae na halos sila na ang nakikipag-flirt. Nakikita ko si Celine sa kanya.
Si Celine nga pala yung matagal ko nang nililigawan pero hindi pa ako sinasagot hanggang ngayon na nag move out na kami. Lalong hindi na niya ako sasagutin ngayon kasi long distance eh. Nakakalungkot kasi mauuwi lang sa wala lahat ng paghihirap ko upang sagutin niya ako. Mabuti nalang nakilala ko si Selena.
Celine. Selena.
Magkalapit lang din pala ang mga names nila. Kaya pala. Baka magkapatid?
Eh hindi. Americana yun si Celine eh. Blonde. Parang may dugong latina naman si Selena at maitim ang buhok kaya imposible.
"Dreeeewwwwww! Ang bagal mo!" sigaw ni Selena.
Ang layo niya na pala.
Napatunganga pala ako sandali sa kakaisip kay Celine.
"Diba sabi mo mauuna ka? O di mauna ka. Susunod lang naman ako sayo eh. Hindi kita iiwan. Partners tayo eh" pagbibiro ko. Ang sarap pikunin eh. Hahah.
"HEH! Partners mo mukha mo! Bahala ka na nga kung maligaw ka!"
pikon na sabi ni Selena at naglakad ng mas malakas. Hahahaha. Ang cute mapikon. xD
Tawa ako ng tawa habang hinahabol siya. Tinakbo ko na.
Aba'y tumakbo rin.
So habulan?
Game!
Selena's POV
Tumakbo ako ng malakas nang habulin ako ni Drew. Hinihingal na ako pero takbo parin ako ng takbo.
Ang bagal kasi maglakad kanina parang nasa alapaap nakatunganga. Ngayon hahabul-habulin niya ako. Sarap pektusin. Iligaw ko kaya tong bantot na 'to? >:)
Pumasok ako sa secret hide-out namin ng kuya kong gwapo sa loob ng school. Oo nga pala, nakarating na ako. Eh syempre tinakbo ko kaya madali lang ako nakaabot dito.
Lumingon-lingon ako sa likod ko baka kasi makita niya akong lumiko.
Malayong-malayo pa naman siya.
Hahaha. Ang bading. Tagal makatakbo eh. Puro hangin, bading pala. hahahhaahah
Pumasok na ako sa secret hide out at hinintay na dumaan si Drew.
Ilang minutes na at wala pa siya.
25 mins.
30mins.
45mins.
Bakit ang tagal niya?
Baka naligaw na.
"Hahahahaha! Ang bading naligaw! hahahahaha!" napatawa ako ng malakas.
"Hahahahahahahahahaha" may tumawa.
Huh?
sino yon?
"Hi Selena!" familiar ang boses niya.
lumingon ako sa right side ko.
Wala.
Sa left...
Wala.
Paglabas ko, lumingon-lingon ako kahit saang direction pero wala akong makita.
Maliwanag pa naman. Hindi pa labasan ng mga multo.
"BOO!" shi-nake ang likod ko at malakas ang pagkakasabi kaya syempre nabigla ako.
"Hahahaha! Akala mo matatakasan mo ako ah? Hahaha." tuwang-tuwang sabi ni Drew.
Eehhhhhhhhhh >__<
Naisahan ako!!!!!
Hindi pa ako natatalo eh! Hindi pa nga ako natatalo ng kuya ko eh, siya pa kaya ang makakatalo sakin?
Hindii.
Hindi pwede.
"Hoy Selena! Saan ka naman pupunta?"
"Hooooooy!!!! Hintayin mo 'ko!"
"Hoooooooooooy!!!!!!!!!!! Hina-hinaan mo naman ang pagtakbo mo!!!!"
Hahahaha.
Akala mo ah.
Tumakbo ako ng pinakamalakas ko na at inakyat ko ang mga buildings dito sa school namin.
"Hoy! Hindi ko alam ang school natoh!"
Rinig ko parin ang malakas na sigaw niya kaya siguro malapit pa siya.
Kaya linakasan ko pa.
Nakaabot na ako sa pinakatuktok ng building. Wala na akong ibang marinig kundi ang mga footsteps ko at ang malakas kong heartbeat. Hindi ko narin marinig ang kalabog ng paa ni Drew sa baba. Baka umuwi na yon, kung alam niya pa ang daan pabalik. >:)
Nagulat ako nang biglang may bumukas na pinto ng isang classroom dito. Kinilabutan ako dahil may kwento-kwento yung mga schoolmates ko na may nagpaparamdam daw dito. Pero wala namang kwento na nakakatakot dito sa fourth year na building eh. Ang school kasi namin ay isang malaking building with 5 floors. Sa first floor, admin. Sa second floor, 1st year and so on. Nasa 5th floor aq, fourth year building. Pero ang sabi-sabi nila sa 1st floor daw na C.R. yung nagmumulto. Baka lumipat? Eeeeeeeeeeeeeeee...
"Lord, alam niyo pong matatakutin ako. Alam niyo pong ikamamatay ko na ang makakita ng multo. Ayoko pa pong mamatay. " sabi ko habang hindi gumagalaw at ginagala ang mata sa paligid. Napako ako sa kinatatayuan ko, hinihintay na may lumabas. Bumukas ulit yung pinto. Mas malaki na ang buka ngayon kesa kanina.
"Drew?" Tanong ko. Baka kasi gino-good time ako nun.
Walang sagot.
"Drew, hindi ka na nakakatuwa"
Wala paring sagot.
Kinilabutan nalang ako ng biglang may tumunog na cellphone. Tapos ang kanta ay yung kanta sa Patayin sa Sindak si Barbara.
"Love na love si baby...."
Hindi ko na nakayanan ang takot ko kaya tumakbo na ako pababa. Dali-dali kong binaba ang hagdan at nakarating agad ako sa ground floor. Parang isang kidlat lang. Ganyan kasi ako pag takot.
"Hoy Selena, saan ka ba galing? Hinahanap na kayo ni Papa. Nasaan ba si Drew? Uuwi na daw sila. Sumunod na kayo! Huwag puro date!" bigla nalang sumulpot ang kuya at bigla ding naglakad pauwi. Tae talaga.
Nasaan ba si Drew? Baka naligaw na yun.
"Ang bulong ni Mommy, love na love si baby"
Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang narinig ko nanaman yung nakakatakot na kanta. Hindi nanaman ako nakagalaw. Mas lumakas ito kaya feeling ko malapit na sakin. Minumulto ba ako?
"Ang bulong ni baby dito ka nalang mommy" parang nasa tenga ko na.
Ayokong makakita ng multo pero curious ako kaya nilingon ko.
Multo nga.
Ang gwapo ng multo.
Nakangiti pa ng malaki sakin. Ganito yung mukha --> ^_^
Ang saraaaaaaaaaaap tirisin.
***
Ito po yung in-update ko dahil ito po yung 2nd sa pinakamaraming votes na natanggap ko. :)