Chapter 1
Panganay"KEV!" Tili ko ng iwanan ako ng lalaking iyon at tumakbo palayo.
Gustuhin ko mang tumakbo din sa madilim na eskinitang ito ay hindi ko magawa.
I can't even move when I heard a loud bark behind me. Hindi lang isa kundi dalawa.
Madiin ang hawak ko sa malamig na yelo na nabibili lang ng limang piso kada isa.
Hawak ko ang dulo nito sa pareho kong kamay.
Nangangatog ang mga tuhod ko at gusto kong umiyak.
Boysit!
"HAHAHA!" Narinig ko ang malakas na tawa ng bunso kong kapatid doon sa unahan hawak ang tiyan.
Habang parang bata na akong ngumangawa sa takot.
Ayokong makagat. Ayokong masaktan. Ayoko.
Peste ka Kevin!
"Hayoh!" Natatawang bugaw ni Kevin sa mga aso at sa wakas ay binalikan ako.
Pumulot pa ito ng bato upang ipanakot sa mga ito hanggang sa isa-isa nga itong nag atrasan.
Ngunit mas lalong napalakas ang iyak ko. Akala ko ay katapusan ko na.
"Boyset ka talaga!" Galit kong hinampas ang braso nito at padabog na tinapon ang yelo sa baba.
Bahala siya diyan.
Papatayin niya talaga ako!
Malalaki ang hakbang kong iniwan ang isang iyon at naunang bumalik sa bahay na mayroong kaganapan ngayon.
Ang bahay lang namin ang maingay. Sa labas palang ng gate ay nakita ko ang tarpolin na may mukha ko.
Napa-buntong hininga ako ng makitang sulit naman lahat ng pagod namin.
Ang pagod ko sa halos limang taon at ang pagod nina Mama at Papa. Sa wakas, may anak na silang graduate sa law school.
Pag nakapasa pa ako sa bar exam tiyak, tatalon ang mga ito ng abot langit.
"O nata nasa luwas ka?" Si Papa. Lasing na nga ito at kinailangan nang kumapit sa gate upang makatayo ng maayos.
Nakataas ang kulay puti nitong tshirt. Tuloy kitang-kita kung ilang buwan na iyang tiyan niya. Haha.
"Pa." Inis akong yumuko at sana'y hindi niya napansin ang mga luha sa pisngi ko.
Sa bagay, madilim naman dito sa labas.
"Sinamahan ko lang po si Kevin bumili ng yelo. Nag pa load narin ako diretso. Wala kaseng signal ang wifi." Ani ko.
Tinanaw ko si Kev doon sa dulo ng poste. Patungo na dito. Malawak pa din ang mga ngisi.
Lokong isang iyon ah.
Kaka-graduate ko lang. Hindi pa ready na mamatay.
Tsk.
YOU ARE READING
THREE
RomanceA story of addition. Lol. (Tapusin ko tong description pag na buo ko na ang novel. Huhu, hope to finish this soon. Sana wala munang ibang genre ang umagaw ng attention ko.)