A/N:
I have read a lot of stories na palaging POV ng mga babaeng bida so I wonder, how does it feel kapag mababasa niyo yung POV ng mga lalaki? Huwag kayong malilito kung kaninong POV every chapters, because I will mainly focused on my guy, Kaius. Para maiba naman. Other characters will also have their own POV unless stated.~~~
“Hala! Di ba siya yung nakaaway ko kanina?” biglang bulong ni Cypher na hindi ko masasabing bulong dahil narinig ng ibang mga estudyante.
“Looks like you’ve mess with the wrong person, Cyph” inilingan ko nalang siya.
Nakabusangot siya habang sinusundan pa din ng tingin ang babae. Nagulat pa ako nang bigla niyang tanungin ang katabi na akala mo ay ka-close niya.
“Kilala mo ba iyon? Bakit ganon yon umasta?” kumunot ang noo ng katabi niyang lalaki bago bumaling sakin. Talagang itinagilid niya pa ang ulo para makita ang kabuuan ko.
“Hey, there!” ngumiti siya nang bahagya kaya kitang kita ang malalalim niyang biloy.
“Hoy ako ang kumakausap sayo!” agaw atensyon ni Cypher sa lalaki
“That girl? That’s Artemis! Second-year”
“I’m asking why does she acted like that?” dagdag pa ng isa na ayaw magpaawat
Ito ang isa sa pinagkaiba namin ng bestfriend ko. She’s always curious, loud, sociable, and she always do everything for chismis. In short, she’s a marites.Nagsimula ulit magsalita sa stage para siguro sa mga school rules. Tahimik lang akong nakikinig habang pasulyap-sulyap sa dalawang nagchichismisan sa tabi ko.
“It’s the time of the month” halakhak pa ng lalaki. Mukhang close na agad sila ni Cypher.
“Huh? What do you mean?”Slow. Kahit ako naiintindihan ko ang ibig nitong sabihin.
“Who’s he by the way? You look like a newbie here”
“Duh. Of course this orientation is for freshmen, edi malamang bagong salta kami dito” tinawanan ng lalaki ang pabalang na sagot ni Cypher.
“I’m Skylar. Second-year Engineering student. And you?”
“Cypher. But you can call me Cyph. MassComm”Nag-shake hands pa ang dalawa.
“How about him?” tinuro ako nung Skylar kaya napalingon ako sa gawi nila. Binigyan ko sila ng nagtatanong na tingin.
“He’s asking about you. Trip ka yata” bulong ni Cypher na ikinainis ko.
“Habulin ka talaga ng mga hotties noh?” dagdag pa niya kaya inirapan ko nalang siya at muling nakinig sa harapan.
“Don’t mind him. He’s an introvert. His name’s Kaius” pagpapakilala sa akin ni Cypher
“He’s cute” komento ng isa na ikinapitlag ko.Mabuti na lang at nakaharang si Cypher sakin kaya hindi niya nakita ang reaksyon ko.
“Wow. You’re mouth has no filter just like me. Trip mo bestfriend ko no?” hirit ni Cypher na ikinailang naman ng isa
“Uh. Hahaha. No, I just find him cute” ramdam kong hindi siya naging kumportable sa tanong ni Cypher.Ganyan din ako sa tuwing kinukwestyon ng iba ang mga ginagawa kong hindi pasok sa “male standard” ika nga nila.
“Uhm. I have to go. It’s time for our first class. Dumaan lang talaga ako dito to see what’s happening” nagmamadali siyang tumayo at kumaway para magpaalam
“He looked bothered. Ba’t mo kasi tinanong nang ganon?” tanong ko sa katabi na may tonong pinapahiwatig na hindi ko nagustuhan ang mga ikinilos niya
“I’m sorry. He just looked like you’re his type. Wala namang kaso yun sa’kin. Sanay naman ako sa’yo”
Cypher knows my sexuality. Siya at si nana Isabel lang ang pinagsabihan ko.
“Yeah. But it’s not for the others. Didn’t you see he’s uncomfortable because of your question?”
Nagulat ako dahil bigla niyang pinalo ang sariling bunganga.
“Me and my mouth”Mukhang naiintindihan niya naman ang punto ko.
Natapos ang orientation ay kanya kanya nang nagsipuntahan ang mga estudyante sa kanilang unang klase. Mabigat man sa loob pero kailangan ko na din magpaalam kay Cypher dahil magkaibang floor bawat course although iisang building lang kami. Nag-aalangan pa nga siya bago kami magkahiwalay paglabas ng gymnasium. Alam kasi niyang hindi ako sanay makipaghalubilo sa ibang tao lalo na’t siya lang din ang nakasanayan kong kasa-kasama simula elementarya.
“No, Kaius! You need to do this!” pagpapakalma ko sa sarili sabay tapik ng dalawang kamay sa pisngi upang matauhan. Nang biglang nakarinig ako ng tikhim sa aking gilid.
“You look like a lost puppy” kunot-noo kong binalingan ang pinanggalingan ng boses. At muntik nang mabuwal sa kinatatayuan nang makita harap-harapan ang babaeng naka-helmet.
“Next time watch where you’re going. Palagi kayong lutang ng kaibigan mo kaya kung anu-anong kamalasan ang napapala nyo”