Hindi pa kami nakakapasok ng canteen ay dinig na dinig na ang hiyawan at usapan ng mga estudyante sa loob.
Mukhang hindi ako pwedeng tumambay dito.
Hinanap ng mata ko si Cypher at nakita ko siya sa kumpol ng mga tao sa gitna. Bida na naman si gaga.
“Sinong kaibigan yung kikitain mo? Mukhang mahihirapan kang hanapin sa dami ng tao rito” alalang tanong ni Avria.
Napangiti ako sa maamong mukha niya habang tumitingin – tingin sa mga dumaraan.
“When you hear a chimpanzee laughing, that’s her” natawa naman ang dalawang kasama ko.
“Is that her? The one sitting on the table at the center?” tinuro ni Alexander ang kinauupan ni Cypher.
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
“She’s cute. Just a little loud” singit ni Avria nang may ngiti sa labi.
I noticed that she always see positive things in people even though kakakilala niya pa lang dito. Kanina nga sinabihan niya pa akong kind.
Hindi ko alam kung paano tatawagin ang bestfriend ko upang makuha ang atensiyon niya.Nahihiya akong sumigaw sa dami ng tao. Napansin siguro nila na balisa ako kaya nag-volunteer si Alexander na tawagin ito.
“What’s her name again? I’ll call her para naman hindi tayo mukhang tangang nakatayo dito” binuntutan niya pa ng tawa.
He’s right. Nakaharang pala kami sa daanan.
“Her name’s Cypher”
“Cypher! Here!” biglang sigaw ni Alexander kaya maraming napatingin sa amin. Bigla akong nahiya.
Mabuti nalang at narinig agad iyon ni Cypher at agad na pumunta sa direksiyon namin. Sumenyas pa siya sa mga kasama bago naglakad papalapit sa amin.
“Thanks for that! I don’t know how to find this guy if you didn’t called me” tinuro pa ako ni gaga.
Find daw? Eh busy nga siya makipagkulitan sa mga kasama niya kanina kaya hindi niya napansin ang pagpasok ko ng canteen.
“Uhm upo muna tayo” mukhang na-realize nila ang sitwasyon ko kaya naghanap na kami ng mauupuan.
“New friends? I’m happy for you beshy!” hindi pa man nakakaupo ay chumika na si Cypher.
“My classmates. That’s Avria and Alexander” pagpapakilala ko sa mga kasama
“Alexandria nalang please. Alexander is gross” ngiwi ni Alexandria
“Too long. Xandi nalang?” Cypher has this hobby of calling unique nicknames to her every acquaintances.
“That’s fine. Thank god you’re not like this man here. Masyadong seryoso sa buhay” baling nila sakin.
Bakit ako naman ang naging topic bigla?
“Hayaan niyo na. Masasanay din iyan sa inyo. Wag niyong pababayaan yang bestfriend ko ha. I’m counting on you guys” napangiti ako sa tinuran ni Cypher.
She really cares about me.
“Sure. Napansin din kasi naming lonely siya kaya sinamahan na namin papuntang canteen. You can call me Ria by the way”
“Thanks Ria. You’re familiar but I don’t know why? Hahaha” kumunot naman ang noo ko doon
“Ahh siguro kamukha ko lang”
“Order na tayo” singit ko dahil mukhang matatagalan pa ang kwentuhan nila.
Parang hangin na nga lang ako dito at silang tatlo lang ang nag-uusap-usap.