41

52K 2K 582
                                    

• 🏐 •

"Mga tao talaga ngayon," umiiling na sabi ni Jerome sabay inom ng tubig at nagpapahinga sa training. "Ang bilis gumawa ng tsismis."

"Oo nga. Nagtabi lang, mag-jowa agad?" Si Vince naman.

"Nagbulungan lang, nagkakamabutihan agad?" Si Kiko.

"Sabay kayo tatawa ngayon, may video edit na agad kayo sa Tiktok bukas," si Paul na tawang-tawa.

"Sino ba kasi nagpauso ng mga ship, ship na iyan sa mga volleyball players?" Si Jerome ulit. "Nakakatakot na tuloy matutukan ng camera. Baka bukas, may magtanong na kung kami na ni Vince."

"Sorry, cap, hindi kita type."

"Gago! Parang luging lugi ka pa, a?"

"Tangina. Jerome at Vince! JerVin! Ang baho pakinggan pero support!"

Nagtawanan sila ro'n at nagsimulang mag-wrestling sina Jerome at Vince. Napailing na lang ako lalo na no'ng nakisali na rin iyong iba. Imbes na i-reserve nila ang energy nila para sa mga drills mamaya ni coach, heto, nagbubugbugan na.

"Pero, Kai, ano sabi ni Alejo? Nag-usap na kayo?" Tanong ni Jerome. "Seloso yata iyon, e."

"Gago. Nag-super saiyan iyong boyfriend ni Kai no'ng game natin. Galit na galit! Gustong manakit!"

"Hindi ko na nga bl-in-ock no'ng last point. Mabali pa braso ko."

Humagikhik ulit sila at huminga lang ako nang malalim.

"Okay ka lang, Kai?" Tanong naman ni Drew sa gitna ng hagalpakan ng team.

Bumuntong hininga ako.

Sa totoo lang, hindi ko na alam.

Hindi ko na alam kung maiinis ba ako o matatawa o hindi na lang papansinin ang mga fake news na kumakalat ngayon sa social media. Kaya hindi talaga ako tumatambay sa internet, e. Maliban na lang sa IG ko na puno ng bunny videos.

Paano ba naman kasi, may kumakalat ngayon na isang video ng mga pictures namin ni Carlos no'ng nanood kami ng game ng Creston versus Westmore. Talagang nag-effort ang kung sino man ang gumawa no'n na i-compile ang mga stolen shots namin ni Carlos. Nakanganga pa nga ako sa ibang kuha. Tapos nilagyan pa ng background music! Tapos may pa-filter pa! Tapos emoji! Pambihira.

Hindi ko nga alam kung sino ang gumawa no'n o saan galing, e. Hindi ko nga rin alam kung maa-amaze o mai-stress ba ako sa nag-upload no'n kasi ang dami niyang time.

Pero kung ako lang naman, hindi ko naman papansinin ang mga iyon kasi wala naman talagang malisya o kung ano sa 'min ni Carlos. Isa pa, hindi lang naman 'to ang unang beses na may ginawan sila ng gano'n. Mas malala pa nga sa women's volleyball, e.

May napanood pa nga ako, one time, na nagkatitigan lang sa gitna ng net iyong dalawang players, binigyan na ng issue at inisipan ng kung ano ng mga fans.

Nalito na tuloy ako kung ano ba talaga ang pinapanood nila. Iyong game o iyong reaction at interaction ng mga players?

Don't get me wrong. Hindi naman lahat ng fans ay gano'n. Pero may iba kasi na ginawa na yatang hobby magpakalat ng maling information tapos ang masama pa ay ang dami ring naniniwala.

Tulad ngayon.

Nagulat na lang ako na boyfriend ko na pala si Carlos.

Kaya iyon... iyong totoo kong boyfriend, badtrip na naman.

Nahirapan na nga akong pakalmahin tapos ang bubungad pa sa kaniya ay baby na ng iba ang baby niya.

"Hi," bati ko kay number eleven nang mag-video call kami. Nandito ako sa lobby ng dorm at katatapos lang ng session namin ng PT ko.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon