Side Story : C × J (Part 2)

49.1K 2.4K 4.2K
                                    

Surprise! Here's the second and last part of C × J. There will be no full story for these two but I hope you enjoy reading this special chapter. Thank you po! 😊

• 1️⃣2️⃣ •

"Gusto mo rin ba ng... ganiyan?"

Mula kina Kai at Roen na nasa dalampasigan ngayon ay nilipat ko ang tingin kay Carlos. Nakaawang ang labi niya na alam mong kinakabahan. Gusto ko sanang matawa sa hitsura ni gago ngayon pero ngumiti na lang ako at kahit na ang lakas ng tibok ng puso ko, unti-unti ko siyang nilapitan.

Pangalawang beses na niyang tinanong sa 'kin iyong hayop na tanong na iyon. No'ng una, hindi ko agad naintindihan kasi sino ba naman ang matinong magtatanong ng gano'n, 'di ba? Siya lang. Si Carlos Yu lang.

At ngayong tinanong niya ulit, meron na akong sagot sa kaniya.

Pero tignan mo muna itong gagong 'to.

Akala mo, hindi ako ninakawan ng halik kanina para magmukhang kawawang kuting ngayon? Para siyang natataeng ewan!

Ano, kabado ka, 'no? Sarap batukan, e.

Pero nagulat talaga ako kanina sa ginawa niya. Siraulo talaga. Feel na feel niya iyong pang-aasar sa 'min nila Kiko at talagang sakay na sakay sa mga trip ng dati kong teammates. Kung pwede ko lang siyang ibaon sa buhangin, ginawa ko na.

Kaya hindi ko talaga siya magawang seryosohin no'ng... umamin siya sa 'kin na gusto niya raw ako.

Well, who would have thought na magkakagusto siya sa 'kin, 'di ba? Walang nakakita no'n. Walang nakaramdam. Para siyang kabute na bigla na lang sumulpot tapos nag-aanounce na gusto niya raw ako.

Tapos ang nasa isip ko lang no'n, sino kang animal ka?

Pero hindi ko kinwestyon iyong sekswalidad niya sa kung bakit at paano niya ako nagustuhan. Mas nagtaka talaga ako na bigla na lang siyang eeksena at guguluhin ako na no'ng mga panahong iyon ay... may nagugustuhang iba.

Siguro gaya ng hindi ako makapaniwala na gusto raw ako ni Carlos ay gano'n din na hindi siguro maniniwala ang mga tao na... nagkagusto ako kay Kai.

Yes, I used to have feelings for Kaizen, one of my friends and teammates... my libero.

Akala ko rin no'ng una, straight ako, e.

Pero si Kai talaga ang unang nagpabaliko sa 'kin.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero alam kong hindi rin naging mabilis iyong pagkakagusto ko kay Kai. Siguro kasi ay roommate ko siya sa dorm namin? Siguro kasi madalas ko siyang kasama kumain at maka-bonding lalo na sa mga trainings namin? Siguro kasi madalas ko siyang maka-kwentuhan?

Siguro kasi may special connection talaga ang setter at libero?

O siguro dahil na rin masyado akong nadala sa mga maliliit na gestures ko sa kaniya gaya ng paggulo ko sa malambot niyang buhok. Sa pagpisil ko sa pisngi niyang parang marshmallow. Sa pag-akbay ko sa kaniya dahil mas maliit siya sa 'kin. Sa pagngiti ko sa kaniya tuwing magigising siya sa umaga tapos antok na antok pa siya.

Lahat ng iyon ay alam kong wala lang sa kaniya.

Pero para sa 'kin? Chance ko na iyon para ipakita at iparamdam na, iyon nga, gusto ko siya.

Hanggang sa hindi ko na napansin na palalim na pala nang palalim ang feelings ko.

Pero pinigilan ko ang sarili ko no'n. Bukod sa alam kong wala akong pag-asa kay Kai, sobrang pure ng tingin ko sa kaniya. Siya na kasi yata ang pinaka-positive na tao na nakilala ko. Kapag may gusto siyang i-achieve, palagi kong maririnig sa kaniya iyong madalas niyang sinasabi na i-manifest natin iyan.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon