Chapter 1

26 5 0
                                    


Mr. Han's pov

"What did you just say?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Xian, ang kanang kamay at personal secretary ko.

Gusto ko lang makasiguro kung tama ba iyong narinig ko kung nasaan na ngayon ang makulit kong anak.

Isang linggo narin siyang nawawala-ay hindi naglayas pala.

Hindi talaga ako makapaniwala na gagawin niya iyon.

Pero talaga bang ganon nalang ang pagkagusto niyang makapag-aral sa isang school instead mag-homeschool kaya niya nagawang maglayas?

"Yes, na sa Philippines siya ngayon. At sabi ng informan natin doon, ahmmm... Nag-aaral siya ngayon s-sa ahm sa...."

Nainis ako ng hindi matuloy-tuloy ni Xian ang sasabihin niya.

"Where Xian...?" Nawawalang pasensyang tanong ko.

Bigla ay napaboga siya ng malalim na hininga bago sumagot.

"She's in the Alaya High School boss.. she's now studying there.."

"Talagang sa lahat ng lugar sa Philippines pa talaga? At sa lahat ng school sa pilipinas, sa Alaya pa siya napunta.." sabi ko.

Umalis nga kami sa pilipinas pero hito ang anak ko, doon nag-aaral.

Huminahon na muna ako at huminga ng malalim saka bago nagsalita muli.

"Go to Philippines Xian, find my daughter. And when you find her tell her that I don't like what she did. Ibalik mo siya rito ano mang manyari.. hindi dapat siya andoon." Galit na aniya ko.

"Masusunod.." sabi niya. "Pero... Anong gagawin ko kung ayaw niyang sumama? Huwag nating kalimutan na anak niyo siya at siya si Sunny.." Dagdag bigla ni Xian.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.

Sunny's pov:

NAKARATING narin ako sa wakas sa Alaya high School, grabi ang kaba ng dibdib ko.

Sobrang na e-excite ako, parang gusto kong tumalon sa sobrang saya.

Nakapasok narin ako sa isang eskwelahan, ang daming mga studyante. Ang gaganda at ang ku-cute ng mga school uniform nila parang yung napapanood ko lang sa korean drama.

Ang gaganda rin nila, grabi talaga kapag private school. Hehehe buti nalang hindi ako nahirapang makapasok dito.

At buti narin magandang tignan at bumagay sa akin ang uniform nila. Midyo ang mahal din nito ah.. para sa long sleeve na kulay puti sa loob at kulay marong may desinyong coat sa labas at necktie pa sa leeg. At sa mala hanggang itaas na tuhod na paldang kulay maron rin na may itim.

Inilibot ko ang tingin sa buong campus, mula sa malawak nilang plaza hanggang sa tatlong building, bale ang dalawang building pinagitnaan nila ang malawak na plaza habang ang isa, na sa dulo ng plaza.

Gets niyo?

Infernes ha! ang laki ng school.

Tumingala pa ako sa building, grabi! Ang hola ko na sa 4th floor lang ata.

Hehehe mukhang magigi-

"Ay kabayo!"

Nagulat ako at napatigil sa pag-iisip nang may marinig akong parang may mga bagay na bumabagsak sa lupa.

Kunot noo kong binaba ang tingin ko, nakita ko ang isang babae na isa ring studyante rito.

Eh naka uniform na tulad ko eh. Kaya malamang taga rito.

Pinupulot niya isa-isa yung mga nalaglag na mga libro sa lupa.

Dadaanan ko lang sana siya sa likod niya, kunwari hindi ko siya nakita at wala akong pakialam sa kaniya.

The Daughter Of Mafia King Was In The Alaya High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon