Sunny's pov:
Nasa loob na kami ngayon ng bus. Naka-upo naman ako habang si Alex nakatayo sa gilid ko.
Wala na kasing bakanting upuan, kaya hanggang tayo at hawak na lang siya sa may hawakan, banda sa may ulo niya.
Hindi ko nga maiwasang hindi matawa ng palihim, sa tuwing nasusulyapan ko siyang parang nahihirapan sa sitwasiyon niya.
Habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko dahil nga palihim akong natatawa. Lumingon ako sa bandang kanan ko may babae kasing maarte, kaya hindi tuloy maka-upo si Alex.
May pa retouch retouch pa siya sa mukha niya, hindi niya ba nakikitang nagmumukha ng white lady ang mukha niya.
Bigla siyang tumingin sa akin ng masama. Habang hawak pa ang lipstick at ang maliit na salalim.
Nabigla ako kaya umiwas ako ng tingin at bumaling na lang kay Alex na kahit sinusubukang maging komportable, alam kong nahihirapan na siya.
Mahina ko namang hinila ang damit niya sa gilid, saka tumingala sa kaniya na ikanatungo niya ng tingin sa akin.
"Ayos ka lang?" Tanong ko na nag-aalala.
"Anong sinasabi niyo? Ayos lang ako, miss Sunny.." Kunwaring ngumiti pa siya matapos sabihin iyon.
"Talaga lang ha..? bakit pakiramdam ko hindi ka naman maayos... Sabi sa'yong hindi mo kakayanin dito eh.. at saka Sunny hindi miss. Sunny.. " natatawang sabi ko.
Bumuntong hininga pa muna siya bago umamin.
"Paano niyo ba 'to natitiis..? ang sama ng amoy rito, mainit at nagsisiksikan ang lahat..."
Tumingin ako sa harap saka nag cross arms at ipinakita ang mayabang na side ko.
"Syempre, I like experiencing new..." Sabi ko.
"...Kahit naghalo-halo na ang mga amoy rito.. I'm still enjoying watching this people, living in a normal life.. na hindi ko naman naranasan noon. And i'm happy na nakikita ko ito." Seryosong sabi ko.
Wala naman akong barinig na sagot mula kay Alex. Pero nakatingin lang siya sa akin. "Bakit?" Takang tanong ko na lang.
"Nothing." Sagot lang niya, sabay iwas ng tingin. Saka tumingin sa harap habang binabalanse ang sarili.
Wala nang nagsalita sa aming dalawa nang bigla na lang lumiko pakaliwa ang bus, dahil doon kaming lahat na nasa bus napa swing pakanan.
Parang slow motion lang ang pag swing namin naming lahat, pagkanan. Halos masubsub na nga ako sa katawan ng babaeng nag me make up kanina.
Meron ring napasigaw dahil sa gulat.
Trip yatang mag rollercoaster ng driver ng bus e.
Wala naman kami sa amusement park.
Kaloka!
Dahil bigla akong napapikit, midyo napadilat ako nang normal nang umaandar iyong bus.
Napatingin ako sa babaeng katabi ko.
Nge!
Umasim ang itsura ko nang makita kung gaano kumalat ang lipstick sa pisngi niya.
Masama pa siyang nakatingin sa akin.
'Yan kasi, bakit naman kasi naisipan pang mag make up sa loob ng bus.
Lesson learn..
"Ah hehehe..." Kahit na ganoon ngumisi parin ako sa kaniya. Kahit na gusto kong tumawa ng pagkalakas-lakas.
BINABASA MO ANG
The Daughter Of Mafia King Was In The Alaya High School
De TodoAng gusto lang naman sana ni Sunny ay makapag-aral sa isang eskwelahan hindi iyong mag ho-homes school lang. Oh my na oh my na kasi siya na mag-aral sa loob ng bahay. Wala siyang mga kaibigan at gusto din niyang ma experience na makipagkaibigan. Kay...