Chapter 27

19 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kanya nang makapasok siya sa loob.

Hindi naman na ako makakapagtago pa kaya pinapasok ko na siya dahil wala naman na akong ibang choice.

"Namimiss na kita, bawal na bang makita ang future wife ko?" nakangising aniya.

"Future wife your face, Khalil. After you lied to me do you think I'm still thinking about marrying you?" mataray kong saad sa kanya.

Natawa lang siya sa sinabi ko. "Well as I'm expected!"

"So bat ka nga nandito? Siguro pipilitin mo na namang sumama ako para pumunta ng America just like what you did!"

"Hindi yan ang pinunta ko. Talagang namiss kita kaya gusto kitang makita," seryosong sabi niya. "Saka gusto ko na ring mag apologize sayo."

Napairap na lang ako sa kawalan. Alam niya naman palang mali yung gagawin niya pero bakit niya pa rin ginawa? E di sana sa kanya ako naka-rely ngayon.

Pero siguro plan na nga rin to ng tadhana para marealize ko ang lahat. Ang pangit naman kung kasal na kami at saka ko pa mapagtatantong mahal ko pa rin pala si Rowan.

Napaatras ako nang bigla siyang lumapit sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakagalaw nang iharap niya ako sa kanya. Hindi ko naman siya tinaboy kasi I don't feel bad naman na may gagawin siyang masama. I can see how sincere he was through his eyes.

Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata at ganoon din ako sa kanya. Galit ako sa kanya but I want to listen and know his side as well.

"I'm became too desperate when your mom told me you're gonna back out to our wedding. So I agreed to take you to her to go to America. Hindi lang para malayo ka kay Rowan kundi para na rin maging akin ka sa ayaw at sa gusto mo," sabi niya. Gusto kong magreact pero pinatapos ko na muna siya. Wala namang mangyayari kung mag aaway lang kaming dalawa. Lalo lang kaming hindi magkakaintindihan.

"Alam ko nang masasaktan kita sa gagawin ko pero kinailangan kong magsinungaling para hindi ka mawala sa akin. Pero naisip ko ngang mali yung ginawa ko kaya ako nandito ngayon."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinisil ito.

"I'm sorry, My Queen kung naging makasarili ako. Kung hindi ko inisip ang mararamdaman mo. Nagkamali ako at sana mapatawad mo ako," sabi pa niya.

Napairap na lang ako. "Sa dami ng mga sinabi mo sa palagay mo magpapakabato pa ako dito para di ka patawarin?"

"Really? Okay na tayo agad?" tuwang tuwang sabi niya.

Nakangiti naman akong tumango sa kanya at sa tuwa niya ay niyakap niya na lang ako bigla nang mahigpit. Niyakap ko rin naman siya pabalik.

"Khalil... I think it's also the best time to tell you this," sabi ko sa pagitan ng yakap namin sa isa't isa.

Bibitiw siya sa yakap ko para mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Areeia..."

"Hayaan mo munang ganito tayo. Last na to e," sabi ko sa kanya.

"What do you mean last? Last hug? Last conversation? Last meeting—"

"I'm sorry Khalil but I think I can't marry you..." Lakas loob na sambit ko.

Wala akong narinig na kahit na ano sa kanya sa halip ay niyakap niya lang ulit ako.

"Alam ko naman..." sabi niya. "Alam kong hindi mo ko kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa lalaking yun!"

I felt guilty... that's so true.

"I'm really sorry Khalil."

"Ano ka ba, wag mo ngang ipahalatang guilty ka. Okay lang at least we tried di ba?"

Secret Within The SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon