Chapter 26

10 0 0
                                    

Areeia's POV

"Tito Warren, hindi pa po ba tayo lalabas dito?" mahinang tanong ko kay Tito Warren.

Ilang oras na kasi kaming nasa loob ng maliit na cabinet ng room nila ni Tita Hanley at feeling ko mauubusan na ako ng hangin sa sikip.

"Wala pa ang tita Hanley mo kaya hindi pa natin sure kung safe ng lumabas tayo!" bulong din ni tito.

Hindi naman na ako umimik at pilit na pinakalma na lang ang sarili ko. Kailangan kong magtiis sa ngayon. Ginusto ko naman tong mangyari e.

"Tito..." tawag ko sa kanya.

"Okay ka lang ba hija?"

Nakangiting tumango lang ako sa kanya. Hindi ako okay pero kailangan kong piliting maging okay kasi hindi lang naman ako ang nahihirapan ngayon. Sina Tito at Tita din nahihirapan dahil kailangang itago pa nila ako. Dinamay ko pa sila sa problema namin.

"Tito Warren... okay lang po ba sa inyo ni Tita Hanley kung gustuhin ko po ulit si Rowan?"

Hindi kumibo si Tito Warren kaya inisip ko na lang na ayaw niya kaya hindi na ako mamimilit.

"Wala namang humahadlang sa pagmamahalan ninyong dalawa, hija..."

Napangiti ako sa sagot ni tito pero agad ding naglaho. Si mommy lang naman ang hadlang.

Akala ko dati dahil mahal niya ako palagi siyang magiging masaya sa mga bagay na gusto ko. Akala ko susuportahan niya ako sa lahat pero hindi dahil siya pa ang kauna-unahang kontra sa lahat.

Ayaw niyang maging masaya para sa akin... ayaw niya akong maging masaya.

"Paano yung kasal?" imik ulit ni tito.

Saglit akong natigilan para isipin ang lahat... lahat-lahat simula nung umalis ako para magpaopera at nung pinili kong kalimutan na lang si Rowan.

Naisip kong ginawa ko pala lahat ng yun para kay mommy nung mga panahon na hindi ko pa alam na mahal din pala ako ni Rowan.

I love her so much to the point that I can give up and let go everything even the person I really love.

Yunh totoo naman ang tagal ko talagang minahal si Rowan, hindi lang yun 3 years. Mga bata pa lang kami alam kong mahal ko na siya at hindi niya yun alam. Kaya nga kahit balewalain niya pa ako at saktan ng ilang beses wala yun sa akin dahil sanay ako doon. Hindi ko basta igigive up yung pagmamahal ko sa kanya kahit nga ikamatay ko pa... ganoon ko siya kamahal.

Pero naisip ko si mommy... naisip kong paano siya kapag nawala ako dahil lang kay Rowan? Kaya kahit mahirap sa akin pinilit kong magmove on na lang.

Kahit yung marriage... di ko naman talaga gusto yun pero dahil ayoko siyang masaktan willing akong isacrifice yunh sarili kong kasiyahan para lang sa kanya.

Tapos dahil lang sa paglayas ko... sa pag-alis ko ng tampo dahil sa pamimilit niyang umalis ako ng basta basta ng Pilipinas sasaktan niya ako? Pinagbuhatan niya pa ako ng kamay na kahit kailan hindi niya ginawa.

Masama ang loob ko sa kanya dahil hindi niya naappreciate yung mga ginagawa ko para sa kanya.

"Ren... Areeia!" Tawag ni tita sa amin hudyat na pwede ng lumabas.

Binuksan namab agad ni tito warren ang pinto ng cabinet para makalabas kami.

"Naku sorry ngayon lang ako nakabalik. May mga lalaki kasi kanina sa labas ng bahay," sabi ni Tita.

"Nandyan pa po ba sila?" Tanong ko kay tita.

"Umalis na sila, hija. Pero mukhang hindi ko pa rin masasabi na safe na nandito ka sa amin. Mukhang hindi naniniwala ang mommy na wala ka dito."

"Huwag na muna nating isipin ang tungkol dyan. Areeia, magpalit ka muna ng mga damit mo, basang-basa ka na ng pawis—"

Bago pa ni tito matapos ang sasabihin niya ay nilapitan ko sila ni tita hanley at niyakap. Hindi ko naman napigilan ang mga luha ko.

Masaya lang ako na may tulad nila sa buhay ko. Kahit abala lang ako sa kanila ay hindi ko maramdaman yun.

"Thank you po..." Nasabi ko na lang.

Naramdaman kong hinaplos lang nila ang likod ko para pagaainin ang loob ko.

After kong magbibihis niyaya ako ni tita na kumain muna ng lunch kasabay nila pero tumanggi ako dahil wala akong ganang kumain kaya hinayaan muna nila ako.

Naupo naman muna ako sa sofa para makapag-isip isip.

Ano kaya kung umuwi na lang ako sa amin para hindi na nahihirapan sina tita na itago ako?

Kahit na hindi nila pinaparamdam sa akin na abala lang ako ay alam ko naman na mayroon din silang dapat na unahin sa ngayon at yun yung paghahanap kay Rowan.

Dahil sa pagprotect nila sa akin ay hindi sila makafocus sa paghahanap kay Rowan at naguguilty ako.

Kung uuwi naman ako sa amin hindi ko masasabi na magiging okay kami ni mommy at baka pilitin niya lang ulit ako na umalis ng bansa.

"Kumain ka muna ng fruits," sabi ni tita na ngayon ay nasa tabi ko na na may dalang bowl nh fruits.

"Thank you po tita," sabi ko.

"Malalim ang iniisip mo. Inisip mo ba ang mommy mo?" she asked.

Marahan akong tumango sa kanya. Hinaplos niya naman ang ibabaw ng ulo ko.

"Kung ano man ang dahilan kung bakit hindi kayo okay ng mommy mo I know for sure it's because she loves you so much," sabi ni tita kaya napatingin siya sa akin.

"Kung mahal niya ako dapat hindi niya ako sasaktan," sabi ko.

Ngumiti lang naman sa akin si Tita saka hinaplos ang mukha ko.

"Alam mo hija, pag nagmamahal naman tayo hindi maiiwasan yung masaktan. At isa pa magulang din ako kaya naiintindihan ko yung mommy mo kung bakit nasaktan ka niya. Sigurado akong hindi niya yun sinasadya... pero kung nasaktan ka okay sige pwede kang mainis o magtampo kasi natural naman na makaramdam tayo niyan dahil tao lang naman tayo pero wag mong kakalimutan yung pagmamahal mo sa kanya..."

Nakatitig lang ako sa mga mata ni tita while saying those words. Naisip kong ang swerte pala ni Rowan si mommy niya at may ganito siyang kabait at kabuting mommy.

Niyakap ko na lang si tita after niya akong kausapin.

"Habang hindi pa okay ang pakiramdam mo pwede kang mag stay dito at kami ng bahala ng tito mo sayo."

Niyakap ko lang ng mahigpit si tita bilang pasasalamat ko sa pagmamalasakit nila sa akin ni Tito Warren.

Tumunog ang cellphone ni tito warren kaya napabitiw sa akin si tita. Nagpaalam siya para kunin iyon at ibigay kay Tito.

"Unknown number?" Takang sabi ni tita kay tito warren.

Pagkaabot ng phone ni tita ay agad na sinagot ni tito Warren ang call.

"Who's this?" mariing tanong ni Tito sa tumawag. "Ro...wan?"

Si Rowan daw? Lumapit ako sa kanila para iconfirm na tama nga yung narinig ko.

"Nasaan ka?" ani tito. "Diyan ka lang pupuntahan ka namin."

"Sure ka ba honey na si kuya talaga yon?" Nag aalalang tanong ni tita.

"Alam ko ang boses ng anak mo, Honey. I know it's him. Magprepare ka na at pupuntahan natin siya agad!"

Nagmadali naman si tita na nagtungo sa room niya ganoon din si tito. At bago sila umalis ay nagpaalam muna sila sa akin.

Halo-halo naman yung pakiramdam ko nang malamang okay lang si Rowan at makakauwi na siya. Hindi ko mapigilang maexcite. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako sa bahay nila?

Ano kayang sasabihin ko sa kanya? Paano ko kaya sasabihin sa kanya na siya pa rin ang gusto ko pagkatapos kong magsinungaling na naka move on na ako sa kanya?

Kinakabahan ako na na-e-excite.

Pabalik na ako sa room ni Rowan para doon na lang sila hintaying makabalik nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong hindi ko inaasahan.

"Kha.. lil?"

Secret Within The SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon