Chapter 1

5 0 0
                                    

"Par! Tara pasyal tayo ng pailaw " sabay akbay sakin nito habang ako ay papauwi galing sa tindahan ni aling marites.

Nagulat ako sa pag akbay nito. Yeah, nakasanayan na nyang gawin yan sakin pero simula nung magbago ang paningin ko sa kanya eh di ko mapigilan makaramdam ng awkardness at ng kilig. Ayan na nga ang bilis na naman ng tibok ng puso ko na para bang nakikipag karerehan.

"Che! Ano namang gagawin natin dun?pwede namang sa susunod na araw na lang eh , may gagawin pa ako" angil ko dito para di nito mahalatang kinikilig ako. Pero totoo naman marami pang araw na pwede kaming pumunta,ng pailaw since magtatagal yan.

Kaya naman nagtataka ako kung bakit nag aya itong mokong na ito.

"Eh alam mo namang opening ngayon ng pailaw natin tyaka may guest na darating... alam mo ba kung sinong banda yung kinuha nila?"

"Hindi"

"Si ben and ben. Kaya naman par pleeeasee samahan mo na ako uwu."sabay pout nito.

Di ko mapigilang matawa sa ginawa nito , para ngang gusto ko na itong halikan . Paano ba naman parang nanghihingi ng kiss eh , tapos nakakatempt yung kissable lips ng mokong at gwapo pa.

Kaya pala gusto pumunta nitong mokong dahil andito yung ben at ben. Di ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko kung g
aano ka fan itong lalaking ito ng ben at ben. Matagal nang gustong pumunta ng lalaking ito sa concert ni ben and ben.

"Haystt!! Oo na ito na nga sasamahan na kita . Anong oras ba? Pasalamat ka talaga mahal na mahal kita ! Hmphh" di ko mapigilang matigilan sa sinabi ko. Fuck did i just blurted out that i love him...putek naloko na. Paano na ito? Ano nang gagawin ko ?

"Alam ko namang mahal na mahal mo ko bestfriend eh kaya nga love na love rin kita hahahaha. 7 pm yung oras na punta natin " nakangiting ani nito.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Oo nga pala mahal din nya ako...mahal nya ako as a bestfriend. Bat pa ba ako matitigilan dahil nasabi kong mahal ko sya eh para sa kanya mahal ko sya dahil bestfriend ko sya.

"O sya mauna na ako at maligo ka na dahil amoy pawis ka na tapos deretso kain na rin ng dinner."ani ko dito.

"Pero mabango pa rin naman ako ah." Tapos kunwaring nagtatampo pa.

"Basta gawin mo na yung pinapagawa ko baka mamaya di na natin maabutan sila ben at ben eh." Totoo namang mabango itong loko kahit bilad sa araw kaka basketball. Pinagtritripan ko lang hshshs

"Sabi ko nga boss maliligo na eh"
kasabay mun ay ang pabitaw nito sa pagkakayakap sakin at tumakbo na para umuwi na di ko namang mapigilang paghinayangan.

...
6:56 p.m na ang oras ng matapos akong maghugas ng pinagkainan namin. Nakaligo na rin ako kaya naman inaantay ko na lang si zed na dumating . Iyon kasi ang nakagawian namin lagi niya akong sinusundo pag may lakad kami.

Hindi ko mapigilan na mapaisip... what if date itong gagawin namin?di ko mapigilang matawa at mapailing sa iniisip ko. Anlabo naman na date ito hayst.

6:58 p.m ay dumating na nga si zed. Halos di ko mailipat ang tingin ko sa iba ng makita ko siya. Putanggg ina kasi ang gwapo niya tapos pormado pa kala mo eh may liligawan at pupuntahan na date.

Naka polo na naka maong, at naka sapatos pa. Maayos rin yung buhok tapos papalapit pa lang ito eh amoy na amoy ko na yung pabango nyang bench.

"Hoooyyy! Natulala ka na naman tsk , alam ko namang pogi ako huwag mo nang ipahalata na napopogian ka sakin" sabay pogi sign pa.

"Bwhahaha. Ang hangin mo talaga kahit kailan . FYI kaya ako natigilan kasi akala ko may isang pulubing papunta sakin."

"Ako mukhang pulubi?sa gwapo kong ito mukhang pulubi?"sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko.

"A-anong g-ginagawa mo zed?"nauutal ko habang humahakbang papalayo at natigilan ako ng macorner nya ako .

Hindi sya nagsalita at seryoso niya akong nilapitan hanggang macorner niya ako sabay ikinulong niya ako sa bisig niya. Dahan dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin at ng ng malapit na kaming magkiss at ramdam ko na yiyong hininga niya ay....

"F-fuckkk best friend . Ang epic ng mukha mo bwhahahahahh" habang tumatawa sabay layo sakin. Halos mamilipit siya sa kakatawa hbang ak naman eh naiinis. Sino ba namang hindi maiinis dun eh pinaasa niya ako?akala ko pa naman eh hahalikan na niya ako uwu.

"Bwisit ka talaga. " halos sumabog ako sa inis at tumalikod sabay pasok sa bahay pero hinawakan niya ako sa kamay at hinila na naging dahilan para mapunta ulit ako sa bisig niya.

"Sorry na bes , hindi na po mauulit. Tara na?"bulong nya sa tenga ko. Halos manayo lahat ng balahibo ko sa ginawa niya. Putekkk talaga itong lalaking ito pero effective eh.

"Oo na tara na."

Nakangiti niya akong hinila papunta sa kaniyang motor. Agad akong sumampa sa motor at inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya.

Show me loveWhere stories live. Discover now