Marriage contract [REVISED]

35 1 0
                                    

SUMMER's POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa cafeteria. 9:30 na wala pa din si chanyeol. Pero okay lang, sanay naman akong maghintay. Hugot!

Pero bigla akong napatulala ng wala sa oras dahil sa pag pasok niya ng cafeteria habang hinahagod ang buhok niya-- parang nag slow motion ang lahat sa paligid ko.

"Hoy! Anong tini-tingin tingin mo?" Tanong niya na maypahkairita.

"Ah wala, bakit ka nalate?" Tanong ko.

"Wala kang pake. Tara na nga" agad siyang tumalikod at naglakad kaya sumunod nalang ako. Pinagtitinginan pa ako ng babae. ang sama ng tingin nils sakin.

HAH! INGGIT KAYO NO?! PWE.

Ng makalabas na kami ng school may motor siyang dala. Pero hindi ako sanay sumakay sa motor kasi natatakot ako!

"Pwede bang mag commute nalang ako? Hehe kaya ko naman" palusot ko.

"Alam mo ba papuntang hideout?" Iritadong tanong niya.

"Hindi hehehe. Natatakot kasi ako sumakay ng motor" sabe ko sabay pout.

"Wag ka na ngang maarte" walang reaksyon na sabe niya. Sumakay na siya sa motor sabay hinagis niya sakin yung isang helmet.

Napalunok ako habang dahan dahan sinuot ang helmet. Nakapalda ako kaya naka side ako umupo.

"Kumapit ka" sabe niya. Kaya kumapit naman ako sa damit niya. "Ayusin mo! Sisirain mo pa damit ko eh" nagulat ako sa sigaw niya kaya napayakap ako ng mahigpit sakanya.

*dug dug dug*

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako o kinikilig? Ahh sheet! Mamaya mahimatay pa ako dito hihihihihi.

"Ahh chanyeol ano ba gagawin natin don?" Tanong ko. Mamay kasi ma-gang rape ako! Ay assuming 'te!

"Tititigan ang isa't isa" ay! Yun lang pala? Umasa ba ako sa gangrape hahaha. "Psh! Malamang mag uusap!" Tanga din neto eh! Siya pa galit!

"Ok. Eh anong pag uusapan?" Tanong ko ulit pero hindi na suya sumagot. Baka naman kinilig, kasi pinag usapan nila na liligawan ako ni chanyeol. Hihihihi. Assuming for the second time! May girlfriend na po si chanyeol!

Ng marating namin ang hideout, nauna akong bumaba. Simple lang siya, parang normal lang na bahay na walang second floor.

"tara na"

Pero pag pasok mo sa loob mapapa-woah ka! Grabe! May mini bar sila dito, tapos may billiards, may pool sa likod. Pag nasa harap ka lang ng bahay akala mo simple lang at maliit, pero pag pasok grabe ang laki at ang ganda!

"Hoy sabe ko umupo ka" sigaw ni chanyeol dahilan para mapatigil ako sa pagtitig dito sa bahay. Umupo naman ako sa tabi nung kai.

"Anong pag uusapan?" Kinikilig ako. :""""> eto na! Liligawan na ako ni chanyeol hihihi. Assuming for the third time *ehem*

"Papakasalan mo si chanyeol" sabe ni sehun. ay papakasalan lang pa---- O_O asdfghjkl! PAPAKASALAN?!

"Kasal?! You mean, yung may brides maid, flower girls. Yung nagaganap sa simbahan?! Yung may honeym--"

"Except lang sa honeymoon" cold na sabe ni chanyeol.

"Oo, ganon nga summer" hindi nila pinansin yung sinabi ni chanyeol. Lol haha.

"Pero diba may girlfriend ka?" Tanong ko. Naglapag naman si baekhyun ng pepsi in can sa lamesa.

"Meron nga, pero hindi pa ready ang girlfriend niya magpakasal" ehh? Kaya nagiba na siya ng mahal at ako na yon? Omg chanyeol!

"Ehh bak--"

"Wag ka muna magtanong mag e-explain ako" sabe ni sehun, tango lang ang sinagot ko.

"Si chanyeol kailangan magpakasal para ma-mana niya ang lahat ng kayamanan ng kanyang lolo. Pero hindi pa ready si sinee magpakasal kaya ikaw ang naisip naming ipakasal sakanya kasi pansin namin na wala ka namang gusto sakanya at walang magaganap na inlove-an. So payag ka ba sa marriage contract na gagawin namin?"

Matic na napanganga ako dahil sa sinabi ni sehun. Hindi ko kasi naintindihan hehe.

"Ano daw?" Bulong ko kay kai pero parang narinig ni sehun kasi napa face palm siya eh.

"Basta yon! Papayag ka ba?" Payag na yan! Chanyeol yan oh! Walang umaayaw jan!

"S-sige" no choice. Nasabi ko na. Kaya nagsulat na silang apat sa papel. Ano yon?

Nag xoxo ba sila? Munggago XD

Naghintay ako ng 20 minutes bago ibigay sakin ni kai ang papel.

Marriage contract of Park Chanyeol and Summer Trinidad ❤

1. Pwede mag bf/gf pero wag ipapakita sa lolo ni chanyeol

2. chanyeol's payment to summer- 10k per 15 days

3. Sweet dapat pag nasa public lalo na pag kaharap ang lolo BUT! No kissing!

4. Magkahiwalay ang kwarto at hindi pwedeng pasukin ang kwarto ng isa't isa.

Last but not the least!

5. BAWAL MAINLOVE SA ISA'T ISA

----------------- ---------------------
Yeol's signature summer's sig.

"Parang ang imposible naman nung 5! Kahit wag na yan!" Sigaw ni chanyeol.

Okay na ako sa 1, sa 2 parang hindi ko na kailangan niyan kasi may pera naman ako, sa 3 naman SUPER DUPER OKAY ako jan, sa 4 naman HINDI AKO OKAY gusto ko magkatabi kami sa kama-- pero teka! Titira kami sa isang bahay?! Eh baka nga masapak ako nila mommy at daddy pag nalaman nilang pumayag ako! Pero baka suportado naman sila. *nod nod* kaya ko 'to. Yung 5, parang nabreak ko na kaagad yung rule na 'yon. Hmmmm.

"So? Deal na talaga o no deal?" Tanong ulit ni sehun.

Natatakot ako sa parents ko kasi baka magalit sila sakin, pero sasabihin ko naman na mag aaral ako ng mabuti at walang magbabago. Ganon nga! Sana pumunta sila sa kasal namin. Hihihihi.

"Hindi kaya magagalit si sinee niyan tol?" Tanong ni baekhyun. May tama siya. Sa ulo XD

"Yun na nga din iniisip ko eh, pero maiintindihan niya naman na siya lang ang mahal ko at wala ng iba" nag yiiee yung tatlo pero ako tahimik lang. Okay? Ano meron? Wala akong alam promise.

Kaya ko 'to! Ginusto ko 'to. Dapat pag uwi ko mamaya handa na ako sa armalite ni mommy.

Kung ang anak mo ba naman kasi matalino, masipag, mabait. Hindi mo aakalain na magpapakasal nalang agad! Syempre bratatatatata ang bunganga niyan ni mommy.

Pero papayag ako sa contract na yon kahit anong mangyare. Yez! Pangarap ko 'to!

Hihihihi.

Pinirmahan ko yung kontrata na sinulat ni sehun at sumunod naman si chanyeol.

--------------------------

Annyeong! Sorry late update! Medyo tinamad at ngayon lang sinipag hihi, busy din sa school eh. And sorry din sa typos haha Typo queen ako eh XD. Btw, vomments please! Para sipagin ako mag update haha.

Hi summer! Malkita mwaps :*

Married to Park Chanyeol [REVISED BISH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon