CHAPTER THIRTEEN

21 2 0
                                    


Hating gabi na ngunit hindi padin nababa si Serenity, mag-isa lang siyang nakain ngayon sa sariling mesa...

"Maye?." Tawag niya sa batang katulong niya

"Yes po sir?." Sagot nito

"Ginising mo naba ang ma'am Serenity mo?." Ani niya na nilingon ang batang babae

"Opo, pero ayaw daw po niyang kumain eh."
"Bukas nalang daw."
Sunod-sunod na turan ng dalaga, agad na kumunot ang noo niya sa narinig

Tumayo siya at iniwan ang kinakainan, malalaki ang hakbang na tinungo niya ang hagdan sabay liko patungo sa kwarto ng dalaga.

Sa kabilang banda'y malalakas na katok ang nagpabalikwas ng tayo kay Serenity, inis niya pang tinignan ang pintuan na nakasara.

"Maye! Sabihin mo bukas na ko kakain!." Hiyaw ko na muling nahiga

"Papatayin mo ba 'yang sarili mo sa gutom?!."
Muli siyang napabalikwas nang marinig ang boses ng binata sa labas ng kwarto niya

Tuluyang nawala ang antok na kanina'y ramdam na ramdam.

"Pag di ka sumagot, papasukin na talaga kita diyan sa loob ng kwarto mo!." Ani pa nito mula sa labas na ikinalaki ng mata niya.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng banyo at hinubad ang suot niya sabay suot ng bathrobe niya at kumuha ng isang towel para ibalot sa buhok na kunyare ay basa

"Serenity!." Muling tawag nito sa pangalan niya, mabilis siyang lumabas ng banyo

"Wag!— Nagbibihis ako!." Hiyaw niya sa tapat ng pintuan ng kwarto niya

May kinuha siya na isang door sign na isinasabit sa labas, napangiti siya nang mabasa ang nakasulat don.

Sadya nya talagang dinala 'yon noong lumipat siya sa bahay na 'yon dahil ganun din naman ang ginagawa niya sa bahay nila pag ayaw niya maistorbo

Agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto niya, bumungad naman ang hindi na maipintang mukha ni Zach.

Dinaanan lamang niya ng tingin ito sabay sabit ng hawak-hawak sa pintuan niya.

Nang masabit 'yon ay muli niyang binagsak pasara ang pinto.

"No Trespassing?!." Basa ng binata sa sinabit niya sa pintuan

"What the fuck?!—
Ano ba 'tong kwarto mo? Convenience store?!."
Inis na inis na ani nito sakanya

"Mamaya na ko baba pag gutom na ko!." sigaw ko pabalik

"Fine, Do what you want!." He said before she hear those foot step away from her door.

Doon lang siya nakahinga ng maluwag ay agad na hinubad ang mga pinagsusuot na tuwalya.

Ewan niya ba pero naiinis siya sa binata, tinignan lang naman niya yung bracelet na nakita niya because of her curiosity pero kung makabulyaw at sigaw ito sakanya akala mo'y buhay nito ang hawak-hawak niya.

Tsk!

Sa kabila ng inis ay nakakaramdam padin siya ng pagtataka kung bakit ganun ang naging asta ng binata

Bigla ay napahawak siya sa kumakalam niyang sikmura, aantayin niya lang mag alas diyes ng gabi bago siya bumaba para kumain, mga ganung oras kase'y nasa sariling kwarto na nito ang binata

-
-

Inis na inis akong bumaba sa dining room dahil sa pagmamaktol ng dalaga kanina, ramdam ko ang presensya ni Maye na ngayo'y nakatingin sakin

"Do you want to say something?." Tanong niya na tuluyan nang naupo sa kanina'y inuupuan niya

"W-Wala po sir." sagot nito

Love me back, My King (THE KNIGHT GOLDEN GANG  SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon