CLYDAEL POV:
T-teka bakit ba bigla² nalang to sumusulpot ngayon ko lang din sya nakita after namatay yung mga ilaw bakit ba ako nito hinihila "uhmm boss saan nyopo ako dadalhin kanina pa tayo lumalakad ah sumasakit napo yung paa ko" hayst mataas pa naman yung takong ng sandal ko pagkatapos kasi nung pag aaya na maglakad² kami ni Clinton bigla nya nalang hinila yung kamay ko at kinaladkad ako yes masasabi ko na kinaladkad eh anlaki ng hakbang nya akala mo naman may humahabol sa kanya samantala ako maliliit lang yung hakbang dahil bukod sa mataas yung heels ko maliit rin ako
Sa wakas buti naman naisipan mo pa boss na huminto " ahh ano pala gagawin natin dito boss" tiningnan ko yung paligid maganda naman siguro property din nila to sa likod ito ng hotel maganda dito mag star gazing
"Beautiful" h-ha? Bigla nabaling yung mata ko sa kanya napakalakas ng kabog ng dibdib ko para akong magkakaroon ng heart attack eh maganda nga yung mga star pero bakit sa akin sya nakatingin
"Uwi kana ipapahatid lang kita sa driver marami pa akong gagawin" WHAT? hindi ko talaga maintindihan nalilito ako kakarating lang namin dito tapos babalik na kami agad nagpapatawa ba sya
Napansin nya yata na parang di na ako makalakad kaya huminto sya buti naman ang kaso " bakit moko binuhat" pero ang mokong di ako pinansin nung nakarating na kami sa hotel nandun na si shaina nag hihintay oo pala sa bahay ulit matutulog iwan ko ba sa babaeng to
"Clydael are you ok?" Tanong ni Clinton "ahh-" di natapos yung sasabihin ko dahil biglang hinablot ng lalaking to ang kamay ko at kinaladkad na naman ako papuntang parking lot
"WHAT'S WRONG WITH YOU PEPOL BAKIT BA KAYO NANGHIHILA HA KANINA PA AKO NAGUGULUHAN SA INYO" di ko na talaga napigilan at napasigaw na ako pero di parin ako sinasagot ng lalaking to bagkus ay tumalikod lang at bumalik na sa hotel di rin nag tagal dumating rin si Shaina at umuwi na kami
Habang sa byahe naguguluhan parin ako gusto ko makarinig ng explanation pero sa ngayon subrang pagod ang naramdaman ko di ko namalayan nakatulog na pala ako
"C" may gumigising sa akin pero ayaw kung dumilat kilala ko ang boses na yan ang taong pinakahinahangaan ko namiss ko na sya subra gusto ko na syang yakapin at makita yung mukha nya pero parang may pumipigil sa akin
"Gumising ka" pero di pa rin ako nagigising alam kung umiiyak ako pero di ko magawang igalaw yung katawan ko hanggang sa may naramdaman ang malamig na para akong basa agad² akong dumilat para malaman kung ano yun"AHHHHHHHHHHHMMMMFFTT" natigil ang pagsigaw ko nung tinakpan niya yung bunganga ko "bakit kaba sumisigaw" nagtatakang tanong ni Shaina "Eh sino ba ang hind matatakot kung pagmulat ng mata ko mukha mo agad ang nakita ko tapos nakangisi pa" anlapit lapit kasi ng mukha nya"aray ano ba shaina binasa mo na nga ako tapos babatukan mo pa" Binatukan ba naman ako at oo pinaliguan niya ako ng tubig di ko alam kung saan niya yun kinuha
"Eh sa tagal mong magising tapos parang nananaginip kapa yata" tumahimik nalang ako at sumunod na sa kanyang lumabas ng sasakyan
"Bilisan mo gutom na ako" nagpapadyak na sabi niya"tika nga Shaina saan ba tayo galing" tanong ko natulala naman siya at may tumutulong luha sa mata niya nagtaka naman ako"oh bakit ka umiiyak" nag aalalang tanong ko sa kanya sinampal sampal niya naman yung pagmumukha ko"teka nga tumigil ka nga" tumigil parin siya pero umiiyak parin" da-daley? Nasubrahan ba yung pagbatok ko sayo?" Nagtaka naman ako "ha-"magtatanong na sana ako sa kanya pero pinutol nya naman yung sasabihin ko" sorry na ha please bumalik na yung alaala mo sorry kung naalog ko yang utak mo" sunod sunod nasabi niya sinampal ko naman siya ng malakas "pinagsasabi mo ikaw yata yung umalog ang utak pumasok nanga tayo ang oa mo akala ko pa naman napano ka gutom lang yan" sermon ko naman "eh bakit di mo maalala kung saan tayo galing" napa make face naman ako sa sinabi niya "Gaga tinanong lang naman kita kung saan tayo galing syempre sa party so bakit gutom ka parin eh maraming foods doon boba" sunod² na sabi ko nag puot naman siya at pumasok na sa elevator papunta sa room koHabang nasa loob kami di ko parin maiwasang isipin ano nga ba ang nangyari dati bakit parang marami akong hindi alam