Nightfall 17.1

114 9 0
                                    

INTERLUDE
Ryoto

“Ms. Lilith!”

Napalingon ako sa may pintuan matapos marinig ang komusyon sa labas. Naroon si Lilith na pilit na hinaharangan ng mga gwardiya. Galit niyang binalingan ang dalawang lalaki at halos kalmutin ang kanilang mga mukha.

“Padaanin niyo ako!”

“H-Hindi po pwede—”

“Let her in,” I butted in. Halos itaas ko ang parehong kamay nang ako naman ang binigyan niya ng nagbabantang tingin. Grabe. Ako na nga ang tumulong!

Napailing na lang ako nang lagpasan kami ni Lilith. Ngunit tuluyan siyang naestatwa matapos makita kung ano ang mayroon sa loob ng kwarto. Narinig ko ang kanyang singhap bago tawagin ang kapatid.

“Kuya! That's enough!”

Halatang gusto niyang lumapit pero hindi niya magawa. Tanging tunog ng latigo na humahampas sa katawan ng dalawang bihag ang naririnig kasabay ng kanilang nanghihinang daing. Walang nagtangkang pumigil at salubungin ang galit ni Aamon.

Across the room were the captured men who pretended to be the guards of the Castellano Gate. Ang masama pa roon, hindi lang pagpapanggap ang ginawa nila dahil pinagtangkaan din ang buhay ni Lux at ng kanyang mga kaibigan. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na kasama nila si Aamon nang mangyari iyon, o mas lalo pang mabahala dahil siya mismo ang nakasaksi no'n.

Probably both.

Now here he was, acting like an enraged beast. Pagkahatid kina Lux pauwi ay agad siyang bumalik para harapin ang nahuli naming dalawang lalaki. Walang salita siyang pumasok sa kwartong ito at sinimulan ang pagpaparusa.

Blood dripped on the floor from some parts of their body, mostly from their wounds on their bare back. Purong puti pa ang kabuuan ng kwarto at walang ibang gamit ang narito kaya kitang-kita ang mga pulang mantsa.

Nakakadena ang pareho nilang kamay at paa. The chains on their wrists were attached to the ceiling, keeping them up even if they're already unconscious. While the ones on their ankles were attached on the wall. Pareho silang nakaharap sa dingding at nakatalikod sa aming direksyon, giving us a clear view of the damage they got from Aamon's whip. The same whip he got from her.

“Why did you let these garbage step foot in my territory?” kalmadong saad niya matapos tigilan ang hampas ng latigo, na mas lalong nagpalamig ng temperatura ng buong kwarto. Not literally, but I know the palms of eveyone has turned colder than a corpse as cold bullets of sweat started rolling down our temple. Binalingan niya kami sa gilid ng kanyang mga mata.

Nagkatinginan kami ng mga kasama ko at napalunok. Sa huli ay ako ang ipinain nila.

“W-We were about to take them down when Ms. Lux and her friends arrived,” panimula ko. “We had no choice but to remain in the dark—”

“What would you do if I wasn't there, huh?”

Ayusin mo ang sagot mo, Ryo, kung gusto mo pang mabuhay.

“I-I'd step in...”

If he wasn't there, everything would have turned out differently. Kahit na pumagitna ako, siguradong magiging bayolente lalo ang dalawang lalaking ‘to dahil hindi naman nila alam na kabilang ako sa mga Castellano. They would think of me as a nuisance and a fool for playing like a hero.

Two scenarios could have happened with them then: killing them with my own hands or being shot by my comrades from the dark, which would be traumatizing for Lux and her friends.

Ngunit dahil si Aamon ang mismong naroon, maayos na napatahimik ang dalawa, even without revealing that he's a Castellano himself. Kaya may parte sa akin na nagpapasalamat na kasama siya nina Lux, habang takot naman ang isa pang nararamdaman para sa sarili at mga kasamahan ko dahil pagkakamali namin iyon.

Casa Castellano: Hues Through the AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon