Ang Pagiibigan ni Maya Man at Mahi Rap (One Shot)

43 1 0
                                    

"Mayor! paki sabi sa Pilo To na ihanda na nya ang eroplano ko. Aalis na kame pagkatapos ko rito!!"

Sigaw na utos ko kay Mayor. Ang Mayordoma ng palasyo ko. Aalis kase ako ngayon at ako'y tutungo sa Paris upang doon kumain ng pananghalian. Ako'y nagugutom na at gusto kong kumain sa Paris. Pagkatapos kung kumain ay uuwi rin ako agad. Aasikasuhin kupa ang mga pagmamayari ko.

Ako ay may pagaaring business sa lahat ng bansa dito sa mundo. Mapa asya man o mapa europa. Napaka ganda ng buhay ko. Lahat na ata meron ako. Masasabi kong perpekto nako at ang buhay ko.

"Madam Maya nasabi ko na po." Hingal na sabi saken ni Mayor.

"Ang kukupad nyong kumilos! Hindi ko kayo binabayaran ng tigiisang milyon ang mga oras nyo para magbagal kayo ng ganito! Ipatawag mo si Inday at isasama ko sya. Hala dalian mo!" Utos ko ulit sakanya. At dali dali naman syang umalis sa aking harapan.

Kinuha ko ang pinaka hightech na cellphone sa buong mundo. Ako lang ang meron nito. Napakamahal ng bili ko dito. Wag nyo ng itanong kung magkano dahil baka mamulala lang kayo sa presyo.

"Hello Assi. Ipangreserve mo ako sa pinakamahal na restaurant sa Paris. Gusto kong kumain doon sa ilalim ng Eiffel tower. Bye." Tawag ko doon sa Assitant kong si Assi na nauna na sa Paris.

Pumunta nako sa 18th floor ng bahay ko para sumakay na sa aking eroplano. Ako ay tutungo na roon. At ako'y nakakaramdam na din ng gutom.

Sumakay ako sa elevator sa loob ng aking bahay. Ayoko namang mapagod dahil ako'y tinatamad ng magayos pag akoy nandoon na. Hindi ko kase sinama pa ang makeup artist ko dahil ayokong madaming kasamang alalay. At nakaeroplano lang kame. Pero sabagay magkakasya naman sya dahil napakalaki din ng isa kong replano.

Sumakay nako at gayun din si Inday. Nasa may likuran ko lamang sya.

"Inday punasan mo nga itong pawis ko. Hala dali!" Utos ko kay inday ng makasakay kame. May tumulong pawis kase sa aking noo.

"Hep. Maggloves ka muna. Ayokong hawakan mo ang makinis kong muka." Sita ko dahil hindi nya suot ang gloves na pinasadya kupa para sakanila.

Pagkasuot nya non ay agad nyang pinunasan ang mukha ko.

Umaandar na din ang eroplano ko. Dumungaw ako sa may bintana at may nakakuha ng atensyon ko.

"Inday halika ka nga rito."

"Ano po yun Madam Maya?"

At lumapit sya saken. Pero hindi ganoon kalapit. Ayokong mahawa sa kanya.

"Nakikilala mo ba kung sino ang lalaking iyon?" Turo ko mula sa labas.

Napukaw kase ang aking mata sa isang lalaking ubod ng kakisigan at kagwapuhan. Parang pinagpala sya ng magandang pangangatawan. Ang katawan na pinapangarap ng mga kababaihan. Nasa tuktok sya ng kanilang bahay habang nagsasampay ng damit. Hindi pa naman kame ganun kataas kaya nakita ko sya.

At..

Ngayon ko lamang nakita ang lalaking ito.

"Ah Madam Maya sya po si Mahi."

"Ganon? Napakabahong pangalan." Panunutya ko. Napaka baho naman talaga ng pangalang Mahi.

"Pero napakabangong klasi ng lalaki Madam." Tila kinikilig na usal nya.

Dinambahan ko naman sya ng masamang tingin.

"Tumigil ka inday at baka hindi kita matantsa at iwan kita sa paris." Inis na sbi ko sakanya.

Ewan ko bat nakakaramdam ako ng kakaiba. Ano ba itong naiisip ko. Parang ginagawa akong baliw ng Mahi na yon.

Pumunta na kame sa Paris at doon ay kumain ako. Medyo namiss ko ang pagkain dito pero di rin ako nakakain ng maayos dahil kay doon sa Mahi nayon. Nakakainis. Bakit ba kasi nagkakaganito ako? Pakiramdam ko bigla may kailangan ako. Na may kulang saken. Pero diba mayaman ako. Meron ako lahat.

Matapos naming kumain sa Paris. Oo kami. Dahil may puso naman ako at pinakain ko ang mga trabahador ko. Ay umuwi na kame agad agad. Nang makababa ako ng eroplano ko ay agad akong nagtungo palabas ng aking palasyo upang puntahan ang Mahi na yun.

Masyado nyang ginugulo ang aking utak kaya kailangan ko syang makausap.

"Sinong hinahanap mo?" Bungad na tanong nya saken ng mabuksan nya ang pinto ng bahay nila.

Sinuri ko ang kanyang bahay. Napakaliit nito at halatang mahirap lamang sya. Hay nako. Diko man lang napansin na may neighbor akong mahirap.

"Ikaw ba si Mahi?" Walang ano anong tanong ko. Anu pang sense ng pagmamaganda kung kaharap kuna mismo ang hinahanap ko.

Nagtaka naman sya. "Oo ako ng si Mahi. Mahi Rap. Bakit moko hinahanap?

"Di nako magliligoy ligoy pa. Gusto kitang bilhin."

Di ko alam bakit gusto ko syang bilhin. Simula ng nakita ko sya pakiramdam ko ay may kulang sakin. Malaki. At napagtanto ko sya ang kulang saken.

"Pero hindi ko po pinagbibili ang sarili ko. Pasensya na pero kailangan munang umalis dito."

Hello! Show some manners please.

"Di mo ba ako kilala? Ako si Maya Man. Kaya kitang bilhin. Kaya kung ibigay sayo ang lahat. Kaya wag ka ng maginarte dyan kailangan kita."

Di ko na kayang magpangap. Kailangan ko sya.

"Oo. Kilala kita. Oo kaya mong ibigay saken lahat. Kaya mo akong bilhin. Pero di ko kailangan ng yaman mo. Kaya kung maari pwedeng umalis na kayo. Kase di lahat ng bagay kayang bilhin ng pera mo."

At sinaraduhan nya ako ng pinto.

*blaaaaaag*

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ang Pagiibigan ni Maya Man at Mahi Rap (One Shot) 🎉
Ang Pagiibigan ni Maya Man at Mahi Rap (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon