PANIMULA

325 17 3
                                    

"Tariana, do you believe in Reincarnation?"


Itinigil ko ang ginagawa kong pagtingin sa labas ng bintana. Tinanggal ko ang earphone ko na wala namang music saka hinarap ang katabi kong si Lorie. Malawak niyang ngiti ang agad na sumalubong sa 'kin kaya napataas ang kilay ko.


"Ako maniniwala lang ako kung sariling mga mata ko na ang nakakita." Sagot niya sa sariling tanong saka niya iniangat ang isang libro.


Nanliit ang mga mata ko nang makita ang kakaibang cover ng libro. Higit din itong mas makapal kumpara sa mga naunang libro na ipinagmamalaki niya sa akin.


"You don't need to believe pero hindi mo rin kailangang hindi maniwala." Sagot ko saka kinuha sa mga kamay niya ang libro at sinimulan itong sipatin.


"Basahin mo na nga lang 'yan. Minsan magulo ka rin kausap eh." Natatawang ani nito saka tumayo at sumenyas sa akin na lalabas na siya.


She's not a friend, she's just a classmate, ang malala seatmate ko pa. Mabait naman siya pero sobrang daldal minsan. Sa kaniya lang din ako nakakatagal sa pakikipag-usap dahil magaan naman siya kausap kumpara sa iba. Puro rin naman may sense ang pinag-uusapan namin, lalo na kung tungkol sa mga libro na binabasa niya. Sa sobrang close nga rin namin, always na niya akong pinapahiram ng libro na tapos na niyang basahin, tulad nito.


Bago ko umpisahang buklatin ang libro, isinalpak ko muna ulit ang earphones ko saka nagpatugtog. Mas nakakapag-focus ako sa pagbabasa sa t'wing music ang naririnig ko, hindi sigawan at harutan ng mga classmates ko. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil apat na oras kaming walang klase. Kung puwede nga lang silang umuwi, gagawin na nila, lalo na ako.


"Reborn as Mistress." Basa ko sa titulo ng libro.


Hindi ako fan ng ganitong klase ng genre, lalo na ng mga kabit. Wala naman akong galit o sama ng loob sa kanila, nakikita ko lang sila as mga walang kuwentang tao na hindi kayang mabuhay ng walang pagmamahal. O kaya mga tao lang sila na walang magawa sa buhay o nakukulangan yata ng taong nakakasalamuha kaya mas pinipili na lang kumabit para may thrill.


Hindi ko rin inaasahan na nagbabasa rin pala si Lorie ng ganitong mga klase ng libro. Ang akala ko into Action/Fantasy lang siya, not into drama.


Umabot ng uwian, walang pumasok na teacher. Kahit ang inaasahan naming panghuling guro ay hindi na rin pumasok. Mas nagkaroon lang tuloy ako ng oras na matapos ang pinahiram na libro sa 'kin ni Lorie. Pero sa totoo lang, hindi na rin masama.


Unexpectedly nagustuhan ko naman siya dahil medyo interesting ang naging takbo ng istorya. Hindi tulad ng ibang Reborn stories na nabasa ko, hindi rin tulad ng ibang kabitang stories na inaasahan ko, hindi rin tulad ng ibang fantasy stories na nabasa ko. Ang inaasahan ko nga ay puno ng drama ang istorya, ang hindi ko pala inasahan ay mapupuno ng misteryo at sunod-sunod na twist ang story.


Malayo ang titulo ng libro sa buong nangyari sa loob ng libro. Malapit sa part na ang bida sa kuwento ay na-Reincarnate as a Mistress ng isang powerful and wealthy Prince na soon-to-be King. Malayo sa part na mas nagmukha pa siyang biktima kaysa sa totoong syota ng bidang lalaki. Pero overall, nagandahan naman ako sa libro. Like what I've said, interesting talaga siyang basahin not because of the bida's. Mas naging interesting siya sa 'kin because of the Villainess.


She's McKenzie Eve Avalina. The Blood Princess. The Villainess of the story. Has a long red curly hair. Red and cold deep eyes. White and smooth skin. And natural red lips. In short she's perfect! She's also 5'11 tall with a slim perfect body.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DIFFERENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon