Chapter 6

0 0 0
                                    

Operation

Nakita ko si Zerrick na inalalayan ang kasama niyang babae.

"So yan si Zerrick? Fairness, hottie siya", komento ni El.

"Ay, may kasamang babae", pang-aasar ni Kelsey. "Sabagay, tingnan mo naman yong girl, mahabang palda ang suot, walang make-up. Talagang dalagang-pilipina", lumipat ang tingin ni Kelsey sa akin. She gazed at me from head to toe. "Samantalang itong kaibigan natin, naka-short skirt. Naka-cropped top, kita ang pusod. Makapal na mukha at make-up. Talagang..."

"Talagang ano?", bulyaw ko.

"Talagang dalagang-demonyita", nakangiwing sagot niya.

I scowled at her.

"Wait, I have an idea", liningon namin si El. Her eyes twinkled like star, seems like something bright idea popped in her mind.

"Ano?"

"Sinong in sa Operation Liana?"

"Huh?"

"Operation Liana, as in, make over you."

"How would you do that? At, ano namang maiiba sa akin?"

"Gayahin mo yong fashion nong girl. Kasi baka ganon ang type ng Zerrick mo. And, if you dressed like her. Malay mo, baka magustuhan ka niya."

"Pero... baka umasa ka lang, Liana", parang demonyo si Kelsey na bumubulong sa akin. "Kasi diba, Liana, feelingera ka?", dagdag niya na kinainit ng ulo ko. Kahit kailan talaga panira siya ng moment.

"Sige, paano ko ba gagawin yon, El?", kuryosong tanong ko.

May kinuha siyang tissue sa bag niya. "First, let's remove your make-up."

My eyes widened a bit. "Are you kidding me? I'm wearing my favorite cream", di-makapaniwalang tanong ko.

She shrugged. "Well, you choose. Your cream or Zerrick?"

I irritably sighed. "Fine. Remove it."

She flashed a bright smile. "Good."

"Naku, nagsasayang lang kayo ng oras. Hindi na gaganda si Liana", pangdidiscourage ni Kelsey.

"Manahimik ka nga, Kelsey", saway ni El.

"Then, what's next?", tanong ko.

"Let's find a long skirt for you."

"Seriously? You'll dressed me up as a manang?"

"Hindi raw manang, Liana. Dapat daw mukha kang nanay", sabay tawa ni Kelsey.

Sumimangot ako.

"Tara na nga!"

Pumunta kami sa favorite naming boutique, pero wala kaming nakitang mahabang palda. Puro short skirt, dresses at cropped top lang ang nando'n.

Sa pangalawa naman naming pinuntahan, naubos daw ang stock nila dahil limited lang ang inorder nila.

Kaya heto kami ngayon sa pangatlong boutique na pinuntahan namin.

"Naku kapag wala pa rin talagang mahahabang palda dito, ipapasunog ko ang mall na to", banta ni Kelsey.

"Talaga? Magbabayad ka ng tauhan mo tapos ipapasunog mo?", tanong ko.

"Hindi. Ako lang ang susunog. Bibili lang ako ng posporo dyan sa labas para mas tipid", matabang na sagot niya.

Umismid ako.

"Hi, may skirt ba kayo dito?", tanong ni El sa nagbabantay.

"Meron po", iginiya kami nito sa hilera ng mga maiikling palda.

"Ah, wala ba kayong long skirts?", tanong ni Eldynne.

Para namang nagulat ang baklang tindera, pinasadahan kami nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Wow, judgemental to si Kuya.

"Meron naman po, Ma'am."

"Meron naman pala, e. Pinahihirapan pa tayo ng baklang to", reklamong bulong ni Kelsey sa akin.

Pilit akong ngumiti nang lumingon sa gawi namin ang bakla.

"Ano po yon, Ma'am?"

"Ah, wala", tipid at pilit na tumawa si Kelsey. Hinawakan nito ang balikat ko. "Itong kaibigan ko kasi, broken hearted, namatayan kasi ng pusa. Kaya, pinapayuhan ko lang."

Pasimple pang kinurot ni Kelsey ang baywang ko. Gagang to! Ang sakit kaya!

Nang tumalikod na ang bakla para igiya kami sa hilera ng mahahabang palda, agad akong humarap kay Kelsey at binatukan siya bilang ganti.

"Ito na lang po ang natitirang stocks namin ng long skirts."

Humarap sa akin si Eldynne. "Pili ka na, Liana."

I picked the plain black long skirt. Pumunta na ako sa fitting room. Kung hanggang tuhod ang suot ng babaeng yon, pwes hihigitan ko siya. Hanggang talampakan ang isusuot ko, yong tipong sumasayad na sa sahig.

Lumabas na ako ng matapos itong isukat. Paglabas ko, agad na ngumiwi si Kelsey.

"That's so baduy, Liana", komento niya.

Ngumisi ako. "Maganda naman, ah?", umikot pa ako para makita nila ang kabuuan ng paldang suot ko.

"And... besides, magsusuot din kayo nito, right?", nakangising ani ko.

Umiling si Kelsey ng paulit-ulit.

Pero sa huli, wala silang nagawa. Eldynne picked the white while Kelsey got the dark green. Pareho namang white long sleeves ang pang-itaas namin na siyang pinagreklamo ni Kelsey.

"The fudge? Queens like us are bound to wear unique dresses, no--"

"Dittos", pagtatapos ko. "Kelsey, minsan lang to, okay? At isa pa, this is fun!"

Mas lalo siyang ngumiwi.

"Yeah! This is just minsan lang, Bish!", sambit naman ni El.

Wala nang nagawa si Kelsey nang pati si Eldynne ay sumang-ayon sa akin.

May bitbit pa kaming mga pamaypay at doll shoes ang suot namin. Para kaming nasa historical movie tapos ang role namin mga dalagang-pilipina.

Gaya ng inaasahan, paglabas namin sa boutique, pinagtinginan kami agad ng mga tao. Sino ba namang hindi titingin sa amin kung ganito kami kaganda.

Kapwa kami confident ni El pero si Kelsey nasa likod namin at nagtatago.

"Everything really suits me well", El boasted.

"Nakakahiya!", impit na bulong naman ni Kelsey.

"Ano ba, Kelsey! Walk like a queen nga", pagsasabi ko sa kanya.

"Wait, that's the Zerrick guy, right?", Eldynne spit. Tinuro niya ang isang direksyon. Sabay naming nilingon ni Kelsey ang tinuro niya. Si Zerrick nga! Kasama niya ang fake na dalagang-pilipina na inalalayan niya kanina.

Mabilis kaming naglakad ni El papunta sa kanila. Nilingon ko si Kelsey na babagal-bagal.

"Bilisan mo nga! Bagal mo!"

Umismid siya. Mabilis siyang tumakbo at nilampasan kami ni Eldynne. "Bilisan n'yo! Bagal!", sigaw niya.

Ay, wow?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Liliana, A Mischievous Pretty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon