Prologue

37 3 0
                                    

Ako si Martina, siya naman si Luisa.

Kami ay magkapatid sa puso at kaluluwa, magkasama kami mula pagkabata, hanggang sa pagdalaga naming dalawa. Marami na kaming napagdaanan sa buhay.

"Luisa, may naisip akong gawin."

"Ano naman 'yun, Martina?"

Pagkasabi ni Luisa ng mga katagang 'yun, madali 'kong ibinulong ang maitim kong plano sa kanya. Nanlaki ang mata niya at halos mapapatili nang malakas kung hindi ko tinakpan ang bibig niya.

"Huwag ka ngang mag-iingay, Luisa. Nasa pampublikong sasakyan tayo. Mamaya ay isipin nilang nasisiraan ka na ng ulo." Sabi ko sa kanya.

*

Pagkababa namin ng pasaherong dyip, nilakad namin ang daan papunta sa aming bahay. Wala kaming interes ni Luisa sa mga lalaki, kaya nakatira kami sa iisang bahay.

Nakakapagod man ang magpa-ikot-ikot sa pamilihang bayan, napawi naman ang pagod ko nang umupo ako sa malambot na sofa. Nag-isip-isip ako tungkol sa mga bagay-bagay, habang nagluluto si Luisa sa kusina..

Walong taon na ang nakalipas, pero hindi namin malilimutan ang mga pangyayari. Sabi nga ng ibang tao, high school is the best time of someone's life. Totoo ito, dahil sariwang-sariwa pa sa amin ang mga alaala na nakalipas na.

Maghihiganti kami, apat na estudyante laban sa aming dalawa. At wala nang makakapigil sa balak namin.

Masked DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon