II.

9 0 0
                                    

Luisa's POV

2013

"Alam mo, Luisa, damang dama ko na palihim akong ginagago ng Angeline na iyan."

"Bibig mo naman, Martina. 'Wag mong sabihin iyan. Baka iniisip mo lang iyon."

"Eh, paano ba naman kasi, habang nagsasalita ako sa harap e palaging may isinisingit, hintayin niya naman ang oras niya para magsalita! Kabastusan."

Breaktime nina Martina at Luisa nang mga oras na iyon, nagsimula ang usapan nila sa pagrereklamo ni Martina tungkol sa nangyaring pagpapaliwanag ng napiling topic para sa speech class. Grabe ang galit ni Martina sa kaklase.

"Luisa, hindi ko alam kung hindi mo nalang pinapansin o nagtitimpi ka lang, pero alam ko. Kilala kita. Dama mo ang kaplastikan ni Angeline. Ayaw mo rin na masyado siyang kinakapitan ng mga bobo nating mga kaklase!" Galit na galit na turan ni Martina.

"Napapansin ko rin iyan, Martina." Piping usal ni Luisa.

"At saka isa pa, Martina, sinabihan ba naman niya ako ng 'Martina, you're getting fat na.'" Gustong matawa ni Luisa sa paggaya ng kaibigan sa tono ni Angeline ng pagsasalita, pero pinigil niya dahil ayaw niyang masira ang galit-galitan moment nito.

Naisip niya rin namang mali ang approach ni Angeline sa kaibigan. Lalo na at hindi sila close nito, wala itong karapatan na sabihan itong mataba. Mas prefer lang talaga ni Martina na ang mga malapit lang sa kanya ang tatawag sa kanyang "mataba".

2014

"Teacher, si Marco po, nanghihipo na naman." Reklamo ni Martina.

"Oo nga po, teacher, pasimple po siya." Sagot naman ni Luisa.

"Hayaan niyo at kakausapin ko siya nang maayos. Sa ngayon ay iwasan niyo na muna siya sa paraang alam niyo."

"Opo."

Natapos ang pribadong pakikipagusap ng magkaibigan sa kanilang guro.

"Alam mo, kadiri talaga ang lalaking iyon. Napakabastos. Alam ko na iyong mga pasimple niyang pagyakap sa'kin at pangingiliti e pasimple niyang nadadanggil ang dibdib ko, alam mo naman iyon, 'di ba, Luisa?"

"Oo, Martina, alam ko rin na hindi lang tayo ang natetyempuhan nya na hipuan. Pati ang iba nating mga kaklase. Alam mo ba na pasimple niyang pinalo ang pang upo ko?! Grabe na ang kawalan ng respeto niya!"

"Sa kakapanood niya 'yan ng mga bastos na palabas. Sana naman ay ayus-ayusin niya ang buhay niya. Kulungan ang bagsak niya sa kakahipo at pambabastos niya." Nagngingitngit na sabi ni Martina.

"Tama ka, Martina. Sana ay itigil niya na iyon."

"Hayaan mo, Luisa, babalikan natin sila."

"Sila? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Luisa sa kaibigan.

2015

"Guys, let's pray." Tawag ni Elda sa mga kaklase. Magkakasamang lumapit ang mga magkakaklase, magkahawak kamay namang lumapit si Luisa at Martina. Pinagsalikop ng bawat isa ang mga palad nila, at nagsimulang magdasal sa pangunguna ni Elda. Lingid sa kaalaman ng lahat, palihim na sinisiko ni Martina si Luisa na taimting nagdarasal. Hindi siya pinansin nito, kaya naman yumuko at palihim nalang na umirap si Martina.

Pagkatapos magdasal, kinausap ni Luisa ang kaibigan.

"Martina, alam ko ang ibig mong sabihin kanina." Ngisi nito kay Martina.

"Akala ko ay hindi mo napapansin. Kaplastikang kabanalan."

"Sinabi mo pa." sang-ayon niya rito.

Napukaw ang atensiyon nila sa isang 4th year student na tinatawag si Elda.

"Elda, pwede bang ikaw ang mag lead ngayong pagsamba?" Sabi nito kay Elda na nagse-cellphone lang. Lumapit ito sa 4th year at may ibinulong dito.

"Alam ko na ang sinasabi niyan. Kesyo busy raw siya sa ganito, ganyan, hindi pwede, wala siyang time. Ipasa nalang kay Shelley o kay Martina." Bulong ni Martina kay Luisa.

Pagkatapos ay nakita nilang bumalik sa dati nitong pwesto si Elda, at hindi nakaligtas sa mga mata nina Martina at Luisa ang ginawang pag irap ni Elda sa hangin.

Pagkauwi ni Elda, nilapitan ni Ate Andy si Martina. "Martina, ikaw naman ang mag lead oh.. Sa'yo na lamang ako umaasa. " Pumayag naman si Martina.

Nakita niya si Luisa na hinihintay siya, sabay silang uuwi. "Halatang ayaw nina Shelley at Elda ah." Nasabi na lamang ni Luisa.

2016

"Hello, Luisa. Pwedeng makisabay umuwi?"

"Hindi pwede, Karina." Gusto sana iyon sabihin ni Luisa, ngunit ayaw niya mapaaway rito, kaya pinili niyang manahimik na lamang.

Simple lang ang sagot, ayaw niyang makasabay ito kahit na pareho pa sila ng daang tatahakin pauwi.

"Sandali lamang, Luisa, kakausapin ko lang si Ma'am."

"Naku, Martina nasaan ka ba?" Hinanap niya sa kung saan saang parte ng paaralan si Martina, ngunit wala ito. Naghanap pa siya at nakita niyang nasa silid aralan nila ito, naghahanda na rin umuwi.

"Martina! Psst." Tawag niya sa kaibigan.

Pinatay ni Martina ang ilaw sa silid aralan at sinalubong sa labas si Luisa.

"Halika na, Martina." Yaya ni Luisa. Dali dali nitong hinawakan ang kamay niya at mabilis na tumakbo. Dahil medyo mataba si Martina, hiningal siya kaagad at sinabihan niyang tumigil muna sila. Ngunit hindi nagpapigil si Luisa, mabilis silang bumaba ng hagdanan at lumabas sa building na iyon. Pagkarating sa sakayan, tinanong ni Martina ang kaibigan.

"Ano ba ang problema, Luisa?" Hingal kabayo niyang tanong sa kaibigan na iniaabot ang bayad sa tsuper.

"Ayokong kasabay si Karina, ganun lamang kasimple."

Nais matawa ni Martina sa kausap, napakababaw lang kasi ng dahilan nito sa pagpapatakbo sa kanya nang malayo.

Hindi nalang sila nagpansinan pagkatapos. At nang antukin silang dalawa, isinubsob nalang nila ang mga mukha sa kani-kanilang mga bag.

Samantala, si Karina...

"Luisa – nasaan na iyon?!" Bulalas ni Karina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masked DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon