Blood VI: Mate?

101 3 2
                                    

"Aaahhh!"

Sigawan ng mga Bitches.

Hindi ko alam kung bakit tila sila'y takot na takot at sumisigaw na parang nasasaktan. May naririnig din akong tunog na parang nabaling buto o sanga? Ewan.

Tuluyan narin akong napasandal dito sa may gilid ng fountain sa sobrang panghihina.

Pinilit ko paring imulat ang aking mga mata sa kagustuhang malaman kung ano ang nangyayari.

"Aahhhh--arghh! (Cough) p-please--"

Kahit napakasakit ng katawan ko pinilit ko paring lumingon sa pinanggalingan ng sigaw.

Medyo blurred pa sa una, kalauna'y naging malinaw na saking paningin ang nangyayari.

Nakita kong nakahandusay si Brittanny at punong-puno ng dugo. Marami rin itong sugat at kalmot. Sa gawing kanan naman nito ang tatlo nyang alipores na pareho din ang kinahinatnan.

Anong nangyari?, sino ang may gawa nito sa kanila at ng mapasalamatan ko. Hihi joke. Ang sama ko ata. Mukha pa naman naghihingalo na ang mga ito. Konsensya ko pa kung tuluyan silang mamatay.

Pero seryoso nga. Sino ang may kagagawan nito?

Nilibot ko ng aking paningin ang buong lugar.

The whole place is a mess! Para itong dinaanan ng bagyo. Maraming naputol na mga sanga ng naglalakihang puno. May mga malalaking kalmot ang katawan ng mga puno.

Kinilabutan ako. A-ang mga kalmot.. parang kagagawan ng isang halimaw.

"Ugh! L-lord D-Devin---aaahh!"

Si Dianne yun ah!

Lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw. Holy cow!! Anong nangyayari sa bitch na yan at namimilipit sya sakit. Nakahawak pa sa ulo nito ng mahigpit habang sumisigaw.

"Aaahhh. huk.T-tama n-na p-lease--!!"
Si Dianne na parang nahihirapan. May nakatayong lalaki sa harapan nito. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha kasi medyo nakatalikod ito sa kinaruroonan ko.

Pero wala naman itong ginagawa kay Dianne, nakakatitig lang ito sa kay bitch.

"Aahhh--!!

Ano bang nangyayari sa kanya? Shit. Kinakabahan na ako. Lalo namang tumindi ang kaba ko ng mawalan ng malay si Dianne, ni hindi ko alam kung humihinga pa ba. Ngayon ko lang din napansin na tulad nina Brittanny marami din itong sugat at mga kalmot ng isang ..hayop..o halimaw?

Napasinghap ako at nagsimula narin akong manginig ng lumingon sa gawi ko yung lalake at nagsimulang humakbang patungo sa kinaruroonan ko. Nakaramdam ako ng di matawarang kilabot, nakakatakot ang awra nya!

Pinilit kong gumapang palayo pero pagtalikod ko..

"Aaahhhh!" Hindi ko napigilang sumigaw! isang nakakatakot na nilalang ang nakatingin sa'kin. Para syang werewolf sa mga palabas na napanood ko. Napatitig lang ako dito.. poasible bang my wolf?
Ewan. Gustuhin ko mang tumakbo pero wala na talaga akong lakas at nagsimula na rin manglalabo ang paningin ko.

Juicecolored!! Katapusan ko na ba?!!!

Kukunin nyo na ba ako agad? As in agad agad? Huhu

Pa'no na ang mga pangarap ko sa buhay? Ni hindi pa nga ako nagkaboyfriend! Waaahhh ayokong mamatay na NBSB!!! T_T

Pero bago ako mawalan ng malay naramdaman ko pang may bumuhat sa'kin.

"This will be the last time they can hurt you, my love. I'll never let them touch you again...

The Devil's Wife (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon