Prologue

7 0 0
                                    

Nang maisarado ko ang pinto, ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng tumulo. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking mga kamay para maiwasan kong makagawa ng ingay.

Ilang araw pa ba ako magiging ganito? Ilang araw pa ba ang hihintayin ko para maging maayos ang lahat?

Ilang ulit na ako umiyak, Ilang beses na ako nasasaktan ngunit tahimik lang ako pero hindi ko na kaya. Umupo ako sa sahig ng aking kwarto at sinubukan pakalmahin ang aking sarili. Huminga ako ng malalim, pinunasan ang aking mga luha at pumikit.

Narinig kong kumatok si Dan, ang aking pinsan sa pintuan ng aking kwarto.

“Kakain na, magpapalipas ka parin ba ng gutom?”tanong niya pagkatapos kumatok.

“Kumain na ako sa School, pinsan. Pakisabi na lang” sagot ko sa kanya.

Hindi na sumagot si Dan sa akin, narinig ko ang yapak ng kanyang mga paa palayo sa akin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at humiga sa kama. Hindi pa ako nakapagbihis, gusto ko na lang matulog agad dahil sa pagod. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog. Ipinikit ang aking mga mata at sinubukan na matulog dahil alam ko na pag-gising ko bukas, lahat ng pagod at sama ng loob na nararamdaman ko ngayon ay mawawala.

“Kausapin mo kaya siya?”Sabi ni Keya sa'kin nang humingi ako ng tulong para magka-ayos kami ni Kio.

“Huwag na muna, kailangan ko pa ng hangin Ke. Ilang araw na ako nasasakal, kailangan ko huminga.” Malalim na mga salita na isinagot ko kay Keya.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

“All will be alright soon, Alec.”Sabi niya at pilit na ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kanya para hindi na siya mag alala na hindi ako maayos.

Kio is my boyfriend. Since last week, I haven't talked to him. It's so suffocating these days that I don't think I'll handle a fight between us. He hasn't talked to me since last week, so I never ever dared to communicate with him through social media either. We see each other in school every Thursday, since that's the only reason that our schedule is the same. We saw each other a while ago, but we never approached each other. He is with his friends, probably having fun after studying. I looked away, and I think he did too when he saw me look away. I don't want to bother him. We will talk after exams. I just need time to breathe and prioritize my things, and I am giving him space too so he can study peacefully to pass midterm exams. He is in his third year, one year ahead of me, and I know they're struggling. That's why I am not starting a simple fight between us either. We will be okay, and I'm sure we will talk after this. For now, we will settle for not seeing each other and not talking.

Lumipas ang ilang araw na hindi kami nag uusap ni Kio. Tapos na ang exams at medyo nakakaraos na ang mga katulad kong mga istudyante sa mahirap na sitwasyon. Pumasok ako sa gate ng school at nadatnan na nasa hallway si Kio kasama ang kanyang mga kaibigan. Lalagpas na sana ako dahil sa tingin ko wala naman siyang balak na kausapin ako ngunit tinawag niya ang pangalan ko.

“Alec!”

Lumingon ako at nakita siyang papalapit sa akin. Hindi ako nagsalita ng makalapit siya, hinihintay kong siya ang magsimula ng usapan.

“We'll have a meeting at the main library later. Mag usap tayo pagkatapos”Sabi niya na parang maayos lang kami.

Sasagot na sana ako ngunit tinalikuran niya na ako. Napansin kong inirapan ako ng mga kaibigan niyang babae, tinitigan ko lang sila. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa aking klase. Mag uusap naman kami mamaya pagkatapos ng meeting sa org namin kaya palilipasin ko muna ito. Parehas kaming myembro ng school publication, Isa siyang column writer at illustrator. Ako naman ay literary writer. Nagkakilala kami last year at hindi inaasahan na magkagusto sa isa't-isa. He is currently the EIC of our school pub, he deserves it. I've seen how hardworking he is.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the demise of relinquishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon