Chapter 1

37 0 0
                                    

"Good morning, Bea," masiglang bati ng malamyos na tinig kasabay ng pagbukas ng glass door ng flower shop.

Nag-freeze ang kamay ni Kairos nang marinig ang boses na iyon. Sa halip na ibigay niya ang ATM card niya para bayaran ang biniling bulaklak ay nilinga niya ang entrance. Hindi niya alam kung bakit nakuha ng boses na ito ang buong atensyon niya. Gayong sa nakaraang tatlong taon ay wala ni isa ang nakagawang agawin ang atensyon niya.

Simula nang pumanaw sa aksidente ang kanyang asawa ay kasamang namatay din ang puso niya. Naging malamig pa siya sa yello at kasing tigas ng bato ang puso niya. Lahat na yata ng mga nakapaligid sa kanya gayon din ang employees at subordinates niya ay takot sa kanya. Ang pamilya niya na minsan na niyang binigyan ng respeto ay nabaon na rin sa hukay. At walang sisisihin sa bagay na ito kundi sila rin.

Dahil kung hindi dahil sa sulsol at kuwento nila ay baka buhay pa ang kanyang asawa. Kung tutuusin ay may kasalanan din naman siya dahil naniwala siya sa lahat ng mga sinasabi nila tungkol sa kanyang asawa. Kung sana ay pinakinggan niya ang kanyang kabiyak di sana ay nasa tabi pa rin niya ito. Isang bagay na kanyang pinagsisisihan hanggang sa kasalukuyan.

Bumalik ang atensyon niya sa babaeng nasa entrada ng shop. Nakatalikod ito at may hawak na lease ng aso. Isang golden retriever ang kinakausap nito. At parang naiintindihan naman ang aso ang sinasabi ng babae dahil kumawag ang buntot nito.

Magbabawi na sana siya ng tingin ng mag-angat ng ulo ang babae. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-inog ang kanyang mundo. Ang mga tao sa labas ay parang huminto rin sa kanilang ginagawa. At tanging ang amoy ng mga bulaklak at ang magandang dilag ang nasa kanyang harapan.

"Diana!" ang kanyang naibulong.

Animo napako siya sa kinatatayuan habang tutok na tutok ang tingin niya sa babae. Nakangiti ito at nakapako sa gawi nila ng may-ari ng shop ang mata nito. His heart trembled and almost wanted to approach her. Ngunit nagpigil siya. Hindi makita ang komplikadong nararamdaman niya sa kanyang mukha dahil nanatiling wala siyang ekspresyon.

"Sheena," nasisiyahang wika ng may-ari at lumabas mula sa counter. Sinalubong nito ang babae at hinawakan ito sa siko.

Saka niya natanto na bulag ang babae at ang golden retriever ang nagsisilbing mata nito.

"Nandito ka ba para kunin ang in-order mo na bulaklak? Sandali lang at aasikasuhin ko muna si Mr. Kairos," wika ni Bea at inalalayan na maupo ang babae sa isang silya.

"Sige, hindi naman ako nagmamadali," tugon ng babae at matamis na ngumiti.

Hindi niya binawi ang tingin sa babae na nakangiti pa ring hinahaplos ang ulo ng aso nang iwan ito ni Bea. His guts are telling him to go and talk to her but he resists the urge to approach her. Sa kailaliman ng puso niya ay gusto niyang kausapin ito at tanungin ang pangalan nito, iyong buo nitong pangalan.

Iyong pagkasabik niya sa namayapang asawa ay animo taling humulagpos sa sandaling ito. Dahil kawangis nito si Diana. Parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. Walang parte sa mukha nito ang masasabi niyang pagkakaiba ng babae sa asawa niya. Pati ang matamis na ngiti nito ay katulad ng kay Diana.

Maliit ang mukha ng babae. Manipis ang pulang labi at matangos ang ilong. Ang apricot eyes nito na bumagay sa mukha nito na lalong nagpatingkad sa kagandahan nito. Hindi nakabawas ang tagos na tingin nito sa kariktang taglay ng dalaga. Her skin were soft and fair. Na halatang alagang-alaga nito ang sarili.

"Sir? Mr. Kairos," tawag ni Bea kaya mabilis na bumalik sa normal ang ekspresyon ng mukha niya.

Ibinigay niya ang card dito na agad naman nitong tinanggap. Pagkatapos ay binalik nito iyon at nilagay niya sa inner pocket ng suot niyang itim na blazer.

"Thank you, Sir, balik po ulit kayo," polite na sabi ni Bea kaya tumango siya.

Hawak ang lilies na binili niya ay tinungo niya ang pinto. Nang matapat siya sa silyang kinauupuan ng babae ay eksaktong mahulog naman ang lease ng aso. Huminto siya sandali nang yumuko ito at kumapa sa sahig.

Kung sa normal na araw ito ay hindi niya tutulungan ang dalaga pero sa oras na ito ay yumuko siya at kinuha ang lease.

"Here," mababa ang tonong sabi niya. Inilagay niya sa kamay nito ang lease at hindi sinasadyang napatingin siya sa palasingsingan nito. Ngunit walang senyalis na nagsuot ito ng singsing ng matagal na panahon. It was spotless. Her fingers are long and slender. Napakagandang tignan at makinis hawakan.

"Thank you, Sir," malamyos ang boses na bigkas nito at ngumiti. Pero ang mata nito ay tagos lang at halatang hindi ito nakatingin sa kanya kahit sa mukha niya nakatutok ang mata nito.

"Zeke, halika na," tawag nito sa aso na agad tumayo at sumunod naman ang dalaga.

Gumalaw ang adams apple niya nang lumampas ito sa kanya.

'Get a grip of yourself, Kairos! She's not your wife!' ang asik ng maliit na tinig sa isip niya.

Kaya naman huminga siya ng malalim at lumabas na ng flower shop. Sumakay siya sa itim na sasakyan na nakaparada sa tapat ng shop. Hindi agad pinaandar ng driver ang sasakyan at nakatingin lamang siya sa loob ng shop.

Maraming emosyon ang bumaha sa katauhan niya. Iyong sakit ng pagkawala ni Diana. Ang pagkasabik na kailanma'y hindi mapupunan dahil wala na ito. Iyong pagsisisi na kahit parusahan niya ang sarili ay hindi pa rin niya maririnig ang kapatawaran sa bibig ng namatay na asawa.

Sa mata ng mga tao ay nakalimot na siya. Ang iba ay sinabi pa na manhid siya dahil hindi daw nila nakitang nagluksa siya.

Hindi lang nila alam pero kapag mag-isa na siya ay bumabalik ang kirot. Hindi lang niya ito pinapakita sa lahat. He always acted indifferently like everything is normal. That he doesn't care but no one knows that since his wife's death he's still mourning.

At ngayong araw na ito ang anniversary ni Diana. Sa puntod sana nito niya dadalhin ang lilies na paborito nito pero hindi niya inaasahan na makakasalubong niya ng landas ang babae. Kaya mas lalong bumalik ang sakit ng nakaraan.

Ang makita ang buhay na buhay na mukhang iyon ay animo apoy na tumutupok sa kanyang kaluluwa. At may parte pa sa puso niya na umasang ito ang kanyang asawa.

Pero alam niyang hindi. Dahil nakita mismo ng mata niya noong ilibing si Diana. At hindi nagsisinungaling ang nakita niya.

"Sir Kairos," untag ng driver kaya napatingin siya rito. "Masisira po ang bulaklak sa higpit ng hawak mo."

Mabilis na niyuko niya ang bulaklak at maingat na inilapag ito sa upuan. Hindi na rin siya sumulyap sa loob ng patakbuhin na ng driver ang sasakyan.

Sa isip niya ay marami ang magkamukha sa mundong ito. Pero aminin niya na pilit man niyang iwaksi ang nakita niyang babae ay mumultuhin pa rin siya ng mukha nito. Hindi siya tatantanan hanggang sa makuryuso siya at tuklasin ang background ng dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's Redemption R-18 (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon