Una

5 2 0
                                    

Agosto 25, 2008 

Prinsesa. Gano'n daw ako para sa pamilya ko. Lalo na kina ate Amiss at kuya Topher ko. Biyaya raw kasi ako. Dumating sa kahilingan nilang magkaroon ng pangatlong kapatid at kung kailan hirap nang magbuntis si inay.

Sabi pa nila, ako raw ang pinaka-espesyal sa buhay nila at baby nilang lahat!

Pinagmamalaki nila 'yon sa harap ng mga bisita namin tuwing birthday ko.

Hindi rin sila nabigong iparamdam 'yon sa'kin habang lumalaki ako. Prinsesang-prinsesa ang turing. Ramdam ko palagi ang pagmamahal at pagpapahalaga nila sa'kin noon. Kapag iniisip ko nga ang kabataan ko, puro paglalaro lang ang naaalala ko. Isama na rin ang napakaraming regalo! Kaya naman minsan nahiling ko na sana hindi nalang ako lumaki. Na sana manatili nalang akong bunso.

Natupad naman ang pangalawa kong hiling. Hindi na kami nadagdagang magkakapatid kaya nanatili akong bunso. Kaya lang yong una ay isang suntok sa buwan. Hindi mapipigilan ang oras, eh. Hindi mapipigilan ang pagdagdag ng gulang ng isang tao taon-taon.

Kaya hindi rin mapipigilan ang mga pagbabago…

“Biancarene!”

“Ahh!” Gulat na napasigaw at napatakbo ako palabas ng bahay dahil sa boses na iyon ni inay. Tinatawag ako dahil nahuling tumatakas sa hugasin pagkagaling sa skwela!

Kanina, pagdating sa bahay ay lihim na pumuslit ako sa kwarto namin ni ate Amiss para ilagay ang bag ko roon at magpalit ng damit pambahay. Pagkatapos ay maingat at patago-tago akong lumabas ng kwarto para dumiretso sa paggala sa labas. Kaso nahuli ako ni inay sa salas!

Ilang minuto ang lumipas nagtapuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa harap ng lababo. Pangiti-ngiti, baka sakaling lumamig ang ulo ng nanay kong napakasama ng tingin sa'kin ngayon. Wala na akong nagawa kundi sumuko kanina nang hilahin niya yong buhok ko nang abutan niya ko sa front door ng bahay namin, eh.

“Pagka-galing sa skwela gala agad nasa isip mo, bata ka?!” nakapameywang na asik ni inay sa akin.

Eh bakit si kuya Topher, pagkagaling school ibabato lang yong bag sa salas tapos gagala na?

Ang sarap sana ibwelta yon kaso natuto na ako sa mga kutos ni inay tuwing sinasagot ko yon, eh.

Matunog na pinagtama ko ang mga palad ko.

“Heto na po inay! Maghuhugas na po ako ng pinggan!” bibo ko na lamang na sagot, sabay kuha nong paste na sabon at sponge namin para ipakita kay inay na akala mo'y magpeperform.

“Bilisan mo 'yan!” Tinuro niya yong mga hugasin.

Napatango-tango tuloy ako nang hindi oras. Paalis na sana si inay nang tawagin ko siya.

“May tanong lang po ako, inay.” Nakangiti ako ng sobrang sweet. Ang init ng ulo ni mudra, eh. Hindi siya sumagot at tinignan lang ako.

“May fiesta ho ba kanina?”

“Bakit?” May dalawang linya sa noo niya. Mataray rin ang boses niya.

Nginuso ko naman 'yong mga hugasin.

Pinandilatan ako bigla ni inay. “Nagrereklamo ka ba, ha, Biancarene?”

“Ay, no! Never!” Umiling-iling ako. Sinimulan ko nang ayusin yong mga pinggan na parang dinaanan ng bagyo.

Napapikit siya saglit at bumuntong hininga. “Ewan ko sa'yong bata ka. Tama nang satsat at bilis-bilisan mo 'yang kilos mo. Malapit na maghapunan.”

Naglakad na talaga si inay paalis, nasa bukana na siya ng kusina nang tawagin ko na naman siya. Lumingon naman siya at bumuntong-hininga.

Mija 2008Where stories live. Discover now