PROLOGUE

8.5K 50 0
                                    

"Anong meron?" bungad ni Cath pagkalapit sa akin.

"Yan, late kasi! Eh kanina, nag announce ng magaganap mamaya. May laban ng basketball at debate sa campus gymnasium. Manonood ka ba?" tanong ko.

"Hindi, wala naman akong kilala dun"

"Kasama sina Ace, Archer, Alex-"

"Sige, manonood nalang din ako"

"Bilis ah, hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko tapos sasama ka na agad. Baka naman-"

"Wag kang mag isip ng kung ano-ano d'yan" diretsong saad nya, may something talaga. "Tara na, nagugutom na'ko" sunod nyang aya. Kinuha ko na rin ang phone at wallet ko para makaalis na.

"Ay! May ipapakita ako sa inyo mamaya" natatawa kong sabi. Naalala ko kasi yung picture ni Archer kanina habang tulog.

"Tawa ka ng tawa d'yan. Siguraduhin mo lang na nakakatawa yan ah"

"Oo naman HAHAHAHA"

Naglakad kami papuntang cafeteria para makabili na ng pagkain. Habang naglalakad sa hallway ay sumigaw si Jia sa likod. "Ivo, Cath wait!" napahinto kami at hinintay sya. Tinakbo na nya ang distansya namin para mabilis.

"Tara na, sabay-sabay na tayo sa cafeteria"

Naglalakad kami nang bigla ng may sinabi si Jia.

"Ivo"

"Bakit?"

"May narinig ako kanina... Nasa library daw si Ace kasama yung Sheilla. Mukhang nilalandi ata si Ace" sabi nya.

"Oh ano naman?" kailangan bang magalit ako?

"Puntahan kaya muna natin" suggest ni Cath.

"Tigilan nyo akong dalawa"

"Tara na! Baka maagaw pa sa'yo yun" pilit ni Jia.

"Galit pa ako doon kaya wag nyo nang dagdagan!" sigaw ko na syang ikinatigil ng dalawa. Nagulat din ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang iyon nagawa, buti nalang walang tao hays nakakahiya.

"Ha? Bakit? Dahil sa nagseselos ka?" saad ni Jia nang may mapang-asar na mukha.

"Anong selos? May hindi ba ako nalalaman?" nakakunot na noong tanong ni Cath.

"Eh pa'no ba naman. Yang si Ivo, nagseselos dahil sa shared post ni Ace na para sa babaeng mahal nya"

"Oh? Wala namang sinabing pangalan ah, bakit ka nagseselos?" baling ni Cath sa akin.

"Basta, tigilan nyo ako"

"Ah ganun? Pag hindi ka sumama sa amin, ichachat ko si Ace na nabangga ka ng tricycle sa tapat ng campus... Oh ano?" pagbabanta ni Jia, bwisit naman oh. Nakakainis!

"Sasama ka na beh?" asar ni Cath.

"Hayst!! Oo na" nag-apir ang dalawa at mawalak ang ngiti.

Napagkaisahan na naman.

••• CERYS_RIA •••


A/N: please support me and vote!
PS: I changed the plot of the story po and sorry for the errors and anything in this story, this is my first story po here in wattpad so I hope that all of you will support me. Thank you a lot guys!! ❤️

Unforgivable Truth (Santiago #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon