CHAPTER 11

1K 18 2
                                    

Ignore

Nakita ako ni Ace na nakasilip sa likod ng shelves kaya umalis na rin ako kaagad, bahala syang humabol d'yan.

Hinanap ko sina Jia at Cath pero wala na sila dito sa loob, sabi na eh may plano yung mga babaita.

"Hey, Ivo"

"Hmm?" nilingon ko lang sya at hinintay magsalita.

"Are you jealous?" ako?! Magseselos?! Wala yun sa vocabulary ko.

"Anong jealous jealous ang pinagsasabi mo d'yan ha. Fyi, hindi ko alam ang salitang yan" agad akong lumabas ng library at iniwan sya sa loob, bahala sya.

Hindi naman nya ako sinundan sa labas, baka bumalik sa Sheilla nya tsk.

Nag chat ako sa gc naming tatlo.

Mga Oeyyy!

Nasaan ba kayo?! Nang iiwan kayo eh (Me)

Jia: Jan ka nalang muna kay Ace ha, busy ako dito... Inaasikaso ko ang bebe ko

Bebe ka jan, walang kang jowa huy (Me)

Jia: Di mo sure HAHAHAHA malay mo wala
Cath: Pero malay mo meron

HAHAHAHAHHA
(Me)

Cath: Nasa room na ako, beh. Andito rin si Archer hinahanap ka kanina pa, bumili na rin ako pagkain dito. Dito ka na kumain, dalian mo.

Oo, papunta na ako
(Me)

Tinago ko na sa aking bulsa ang phone ko at saka dumiretso sa building namin. Hindi ko nalang inalala pa si Ace dahil malaki na sya at kaya na ang sarili nya, kahit maglandian pa sila ni Sheilla, Wala akong pake.

Pagpasok ko sa room ay ingay ang aking nadatnan. Alas dose pa lang ng tanghali kaya malamang ay nasa labas pa ang iba.

"Ano gusto mo dito?" pinapili ako ni Cath sa mga pagkain na hawak nya.

Kinuha ko yung spaghetti with sandwich na nasa bento box.

"Kasama mo daw si Ace ah" bungad ni Archer sa akin. Tumango naman ako bilang tugon. "Tinanong mo ba kung kasama sya mamaya sa basketball?" umiling ako, bakit ko naman tatanungin ang mokong na 'yon.

"Wala akong pake kahit kasama pa sya o hindi, basta hindi ako manonood tinatamad ako. Good luck nalang sa inyo" syempre, joke ko lang 'yon.

"Sus... Pakipot ka pa" eh ano naman?

Nagsimula na akong kumain at hinayaan silang mag usap. Wala namang nakakaintriga sa mga pinag-uusapan nila maliban nalang sa...

"Sila na daw nung Scarlet ha" si Cath, narinig ko na naman ang pangalan ng babaeng yun.

"Oo, may tampuhan nga lang" shit, weh ba?

Unforgivable Truth (Santiago #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon