"Amnesia I"

2.9K 32 4
                                    

Nagising ako sa isang maliit na kubo at hindi ko alam kung saang lugar ito wala rin akong matandaan at hindi ko rin alam kung sino ako, maging ang pangalan ko ay hindi ko rin alam. Nang nilinga linga ko ang aking paningin ay nahagip ko agad magandang babae na parang anghel. Nagulat naman ito ng minulat ko ang aking mga mata.

"Hala!

"T-tubig, t-tubig! Paghihingi ko ng tubig dahil nauuhaw na talaga ako.

Kaya dali² itong kumuha ng tubig at bumalik naman ito kaagad at agad na binigay ang isang basong tubig sa akin.

"A-ayus ka na ba? M-may masakit ba sayo?

"S-sino ka, at nasaan ako?

"Ahh andito ka sa i-isla, at ako si Freen ang asawa mo.

"A-asawa? Bakit, a-ano bang nangyari sa akin?

"I-isa kang mangigisda at h-hindi ko alam kong anong nangyari sa bangka mo kaya nakita ka nalang namin na nagpalutang-lutang sa dagat.

"Sandali, Ilang araw ba akong tulog?

"Hindi araw kundi limang buwan kang nakahiga at walang malay.

"Huh? Ganun na pala talaga ako katulog?

"Hmm...

"A-ano pala ang pangalan ko?

"R-rain, Rain ang pangalan mo.

Nang ma kwento niya iyon ay hindi parin nag sink-in sa akin lahat ng sinabi niya kaya napatitig ako sa kanya. Parang ayaw kong maniwala sa kanyang mga sinabi lalong lalo na nung sinabi niyang asawa ko siya.. "ang ganda naman niya para maging asawa ko!"😂🤭

Habang nag kukwento siya ay bumukas naman ang pinto ng kubo at niluwal ang isang matanda kaya nilapitan ito ni Freen at may sinabi ito sa kanya kaya dali² naman itong lumapit sa akin na nakangiti.

"K-kamusta hija? M-may masakit pa ba sa iyo?

"Y-yung ulo ko lang ho.

"Ahh ganun ba...

"Ahmm... Rain, siya pala si nanay Centhia tiyahin ko.

"Ahh... Ikaw ho pala ang tiyahin ng asawa ko. Pasensya na po wala akong maalala ee..

"A-asawa? Gulat nitong sabi sabay tingin nito kay Freen na may pagtataka sa kanyang mukha kaya nagulat ako ng biglang hinawakan nito ang kamay sabay hila nito palabas ng kubo.

*Other side*

"Freen! Ano ito? Bakit mo sinabing asawa mo siya? Bakit nagpakilala kang asawa ka niya ee hindi mo nga kilala yung tao.. at kailan kapa nag asawa ni boyfriend wala ka nga! Sermon nito kay Freen kaya napayuko nalang si Freen sa sinabi ng tiyahin niya.

"Tiyang, pasensya na po! Yun lang kasi ang nasa isip ko ee.. kasi tiyang, sa limang buwan niyang namalagi dito nahulog narin yung loob ko sa kanya, *sniff* 😢 kaya yun nalang po yung sinabi ko sa kanya gusto ko na po kasi siya, tiyang!😢😢

"Freen, hindi pwede ang ganito at lahat ng sinabi mo sa kanya ay kasinungalingan! Paano kong bumalik ang alaala niyan ikaw rin ang masasaktan sa huli! Paano kong may sariling pamilya pala yan, paano kong hinahanap rin siya! Freen, ang ayoko lang ay
Ayoko kong masaktan ka pag nalaman niya ang totoo..

"Tiyang, kahit ngayon lang gusto ko po siyang makasama.. mahal ko na po siya tiyang!😢😢

"*Sigh* Freen! Wala naring nagawa ang tiyahin niya dahil naaawa rin siya sa pamangkin nito dahil si Freen ay hindi mahilig makihalobilo sa mga tao at laging nasa loob ng kubo namalagi. Ngayon lang kasi niya nakitang nakihalobilo siya sa tao.

BeckFreen (One SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon