*Kinabukasan*
Tanghali na at andito kami sa sala ni Zia nanunuod ng tv si aunte ay andoon sa kusina naghahanda ng tanghalian namin. Habang nanunuod ay bigla nalang tumunog ang phone nu aunte mila kaya napalingon ako sa kanya na kakapindot lang niya at agad sinagot.
"Ou andito siya! Sabay tingin nito sa akin kaya nagulat ako ng biglang tumakbo si aunte papalapit sa akin at agad binigay ang phone.
"Bes?
"Bes, anong balita?
"Bes, congrats! Nasa top 10 si zia na nakapasok sa scholarship dito sa maynila... Masaya na sabi nito.
"T-talaga bes?
"Ou bes, kaya bukas na bukas din ay luluwas kayo dito sa maynila dahil sa lunes ay pinapatawag ang mga bata na napili na mabigyan ng scholarship gusto rin kayo ma meet na secretary ng may ari ng university.
"Pero bes, wala kaming pamasahe papunta riyan.
"Bes, gaya nga ng sabi ko, ako ng bahala sa pamasahe niyo kaya magumpisa kanang ligpitin ang mga gamit niyo dahil bukas na bukas din ay luluwas na kayo dito. Magpapadala ako ngayon ng pera kay mama para may pamasahe kayo.
"Sige bes. Salamat talaga ng marami.
"Shh ano kaba.. tayo² lang din ang magtutulungan.
Nang matapos tumawag si Irin ay sobrang saya naman namin ni aunte dahil tinupad ng diyos ang hiling naming makapasok si Zia sa scholarship.
........
Gabi na at hindi ako makatulog dahil na eexcite rin ako bukas.. bukas aalis na kami ni Zia at luluwas na ng maynila. Pinilit ko nalang ipikit ang mga mata ko hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan nag handa na kami ni Zia sa pag alis. Habang sinasakay namin sa taxi ang mga bagahi ay si aunte naman panay iyak dahil mamimiss niya ra kami, mamimiss niya ang kakulitan ni Zia na pampatanggal daw ng pagod niya.
"Magiingat kayo roon ahh... Zia huwag mag papasaway kay momma.
"Opo lola mila...
"Freen, si Zia lagi mong babantayan yan alam mo namang napakaganda ng apo ko baka makidnap siya dun.
"Aunte naman.. syempre po babantayan ko talaga ng maigi ang batang ito.
"Ou sige na baka ma traffic pa kayo.
Niyakap ng mahigpit si aunte at ganun din ang ginawa niya kay zia sabay halik nito sa buong mukha ng bata.. nagpaalam na kami at pumasok na sa taxi sabay pumarorot na paalis.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa terminal ng bus. Pinasok narin ang mga bagahi namin sa bus at sumakay na kami ni Zia. Ilang oras lang ay umandar na ito hudyat na aalis na kami. Mamimiss ko itong lugar na ito. Habang nasa biyahe kami ay panay naman dasal ko na sana makarating kami ng ligtas doon sa maynila apat na oras pa naman ang biyahe papunta roon.