"My Secretary I"

871 26 2
                                    

"Pia! matagal pa ba yan, tara na at aalis na tayo!" Sigaw ng ate ko.

"Eto na ate!

"Wow ganda naman ng kapatid ko.

"Ayy si ate talaga napaka bolera.

"Hindi ahhmm totoo kaya! Oh ready kanang mag apply ng trabaho?

"Ou ate pero may kunting kaba din hehe!

"So tara na!😊

Siya ang ate kong napaka mapagmahal siya na ang tumatayong magulang ko simula nung mamatay ang aming inay, high school palang ako ng mamatay ang aming inay. Ang tatay ko naman ay matagal na kaming iniwan at sumama sa ibang babae at may sarili narin itong pamilya. Hindi na namin siya iniisip dahil malaki ang galit namin sa kanya dahil sa pag iwan niya sa amin at siya rin ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang inay dahil sa depression.

Nakarating na kami sa aming pupuntahan kong saan ako mag aaply ng trabaho bilang secretary. Hindi naman sa pagmamayabang ay hindi ako nakatapos ng koleho at hanggang 2nd year college lang ang natapos ko dahil nakapos narin kami sa pera at tanging yung perang ginamit namin sa pag aaral ay yung naiwang ipon ni Inay. Kaya nung naubos ang ipon ay doon narin ako tumigil. Kinakabahan man ako pero kere ito, sinamahan lang ako ni ate dito dahil day off niya sa trabaho bilang isang cashier sa isang convenience store.

"Oh P.. andito na tayo, pumasok kana at dito lang ako sa labas maghihintay.

"S-sige ate.🙂 Kinabahan kong sabi.

"Kaya mo yan bunso, andito lang ang ate.. Good luck ahh... Magdasal ka muna bago ka sumabak sa interview!

"Ou ate... Salamat! Pumasok na ako sa loob habang si Ate ay nasa labas lang hinihintay ako.

Makalipas ang minutong paghihintay ay tinawag na ang pangalan ko.

"Ms. Gonzales! Tawag ng isang babae sa akin.

"Po?

"Pumasok kana sa loob ikaw na ang susunod na iinterviewhin.

"Okay po!

"Good luck miss!😊

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko agad ang isang babae na naka upo sa swivel chair nito at nakatingin sa akin, chinita ito at mukhang mabait naman.

"Magandang araw po!

"Magandang araw din sayo. Please, take your seat miss! Mahinahon nitong sabi kaya sinunod ko kaagad ang kanyang sinabi. So, ikaw si Pia Gonzales?

"O-opo!

"Okay sige, introduce yourself!

Pagkasabi nito ay agad ko narin pinakilala ang aking sarili at nagtagal lang ng minuto at natapos din ako. Nakangiti ito habang nakikinig sa mga sinasabi ko.

"Second year college lang ang natapos mo? Why?

"Ahhmmm.. nakapos na po kasi sa pera, ma'am.

"Ahh ano bang trabaho ng mga magulang mo?

"Ahmm wala na po akong mga magulang at ang tanging naging kasama ko sa buhay ay yung ate ko po.

BeckFreen (One SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon