Chapter 14

0 0 0
                                    

"Ayos ka lang ba 'nak? Bakit parang Wala ka sa sarili mo ngayon?" Agad akong nabalik sa aking sarili nang marinig ko Ang nag aalalang tinig nang aking Ina.

Marahan Naman akong umiling Saka ngumiti Bago Ako nag Salita. "Ayos lang po Ako 'ma. Medyo napagod lang po Ako kanina." Sagot ko nalang Saka muling bumaling sa pagkain na nasa aking harapan. Halos Hindi ko din pala nababawasan Ang aking pagkain dahil kanina pa Ako nawawala sa aking sarili.

"Sige, bilisan mo nalang Ang pagkain mo d'yan at pagkatapos mo ay mag pahinga kana agad." Ani mama na agad ko namang sinangayunan.

Umilang subo lang Ako pagkatapos non ay nag paalam na Ako kanila mama at papa para mag pahinga na sa aking silid. Agad akong umakyat sa aking kwarto Saka ko isinarado Ang pintuan Bago Ako lumapit sa kama sabay pabagsak na inihiga Ang sarili sa kama.

Hindi ko alam sa sarili ko pero simula nung Araw na Hindi nag papakita sa akin si Foxfire naging ganito na Ako. Hindi lang Sila mama at papa Ang naka pansin non, maging Yung mga kaklase ko napapansin na din nila 'yon. Ayaw ko man silang pag alalahin pero Hindi ko talaga mapigilan Ang sarili ko na Hindi mag alala para Kay Foxfire.

Mabigat Ang hininga akong umayos nang higa Saka ko tinanaw Ang aking blangkong kisame. Kung sakaling matulog kaya Ako ngayon mag papakita kaya siya? Baka Hindi? Pero sana mag pakita siya.

Muli akong napa buga Ng Isang malalim na buntong hininga hanggang sa ipikit Kona Ang aking mga Mata. Sa pag pikit nang aking mga Mata ay tanging kadiliman lamang Ang aking nakikita. Para akong naka higa sa kawalan. Malamig, tahimik at sobrang Dilim.

Marahan ko namang iminulat Ang aking mga Mata Saka Ako tumayo. Inilibot ko sa aking paligid Ang aking paningin Bago Ako nag simulang mag lakad-lakad. Sinubukan Kong libutin Ang buong Lugar dahil nag babakasakali Ako na baka Makita ko Siya Dito, ngunit bawat pag hakbang ko ay tila Hindi Naman Ako umaalis sa aking kinatatayuan.

Sandali akong huminto sa aking pag lalakad Saka Ako napa hawak sa aking dibdib Bago muling tumingin sa aking paligid. Nakakaramdam Ako Ng Hindi maganda. Marahan kong ipinikit Ang aking mga Mata Saka Ako nanalangin nang taimtim. Ilang sandali pa ay Muli akong nag mulat nang aking mga Mata hanggang sa masilayan ko na Ang Ganda nang kapaligiran.

Nawala na Ang madilim na Lugar kung saan Ako ay naroroon kanina. Marahang umikit Ang Isang malambot na ngiti sa aking mga labi habang Ako ay nag sisimula na muling mag lakad upang libutin Ang buong gubat kung saan ay madalas Kaming mag tagpo ni Foxfire.

Nandito na kaya siya? Tanong Ng Isang bahagi nang aking utak habang naka hawak parin Ako sa aking dibdib. Ang bilis nang tibok nito na tila lalabas na sa aking dibdib. Halo-halong emosyon Ang aking nararamdaman. Nakakaramdam Ako nang kasiyahan, Kaba at sa Hindi maipaliwanag na dahilan ay nakakaramdam din Ako Ng takot.

Hindi ko alam pero nakakaramdam Ako Ng takot, ngunit Hindi ko Naman alam Ang dahilan kung bakit Ako natatakot. Sinubukan ko namang iwaglit sa aking isipan Ang takot na ito at Saka ko itinuon Ang aking atensyon sa aking pag lilibot.

Kung saan-saang parte na nang gubat Ako nakarating ngunit Hindi ko parin Siya Makita. Ang kaninang kasiyahan ko at pag-asa na baka Makita ko Siya ay agad na nag laho matapos dumaan Ang Ilang minutong pag hahanap ko sa kaniya.

Nang mapagod Ako sa pag hahanap ay naupo muna Ako sa ilalim nang Puno kung saan ay madalas Kaming tumambay. Niyakap ko Ang aking dalawang tuhod Saka ko iniyuko Ang aking ulo.

Marahan akong bumuga nang hangin habang Ang mga luha ko ay unti-unti nang lumalandas sa aking mga pisngi. Hindi ko alam pero unti-unti na akong nakakaramdam nang pagka miss. At ito ay dahil sa ilang Araw ko nang Hindi nakikita si Foxfire. Ang sakit lang isipin na ilang beses akong nag hintay sa kaniya at nag babakasakali na dumating s'ya. Pero Ang lahat ay nauuwi lang sa Wala.

Nasaan kana ba?

Ilang minuto din akong nag tagal sa Lugar na iyon hanggang sa mapag pasyahan Kong muling libutin Ang Lugar. Hanggang ngayon Kasi ay nananatili parin sa dibdib ko Ang pag-asa. Pag-asa na muling Makita siya.

Habang nag lilibot ay ay sandali akong napa tigil nang may mapansin akong Isang pigura sa Hindi kalayuan Mula sa aking puwesto. Sandali akong napa hawak sa aking dibdib nang makaramdam Ako Ng kakaibang Kaba Mula Dito.

Wala nang pag dadalawang isip, agad ko itong tinungo hanggang sa marating Kona Ang Lugar kung saan ko Nakita Yung pigura na Hindi ko alam kung sino Ang nag mamay-ari.

Pinalinga-linga ko Ang aking ulo upang tignan kung may tao ba ngunit tila nag Kamali lang yata Ako. Baka Naman Puno lang din Yung Nakita ko at napag kamalan ko lang na pigura nang tao dahil sa malayo ito sa akin.

Agad akong napa buga Ng malalim dahil sa pagka dismaya. Akala ko Naman ay Makikita Kona siya. Aalis na sana Ako nang biglang umihip Ang Isang napaka lakas na hangin. Pakiramdam ko ay Hindi ito ordinaryong hangin dahil sobrang lakas nang pagkaka ihip nito. Agad akong napa upo Saka ko tinakpan Ang aking mukha upang maiwasan Ang pag kakapuwing. Ilang Segundo din Ang itinagal nito hanggang sa maramdaman ko nalang na Wala na ito.

Huminga Ako nang malalim Saka Ako marahan na nag Angat nang aking tingin hanggang sa Hindi inaasahang estranghero Ang bumungad sa aking harapan.

Mabilis Akong napa Tayo Saka Ako napa hakbang nang ilang beses papaatras dahil sa lapit nito sa akin. Agad Akong napa kunot nang aking noo habang pinag mamasdan ko Ang kaniyang kabuuan.

"S-sino ka?" Kabado Kong tanong Dito hanggang sa may maalala Ako.

"I-ikaw 'yung–" Hindi Kona natapos pa Ang aking pangungusap dahil biglang nanlabo Ang aking paningin Hanggang sa maramdaman ko nalang Ang aking sarili na nahuhulig Mula sa itaas.

"Farrah.."

Marahan akong nag mulat nang aking mga Mata at natagpuan ko Ang aking sarili na naka higa sa aking kama.

Anong nangyari??

The love that you can't have Where stories live. Discover now